I Like You
Hindi ako mahilig manood ng mga teleserye sa tv dahil hate na hate ko talaga 'yung mga cliche, 'yung mga walang katapusan at walang kamatayang mga story plot na mag-iinang nagkakahiwalay sa Episode 1 hanggang sa halos magpatayan na sila sa sunod na mga episodes bago nila madiskubreng mag-nanay pala sila talaga at pinaglalaruan lang ang mga characters nila ng adiktus nilang direktor at mga writers. Lalo naman 'yung magka-love team na magkaaway na mortal pala ang mga magulang nila, at 'yung mga characters na connected pala sa isa't-isa pero hindi iyon alam ng bida kahit na halos sampalin na siya ng katotohan na napapaligiran pala siya ng mga taong magkakakilala pala. Full-packed nang ganung mga kashungahan ang mga palabas sa tv kaya hindi talaga ako fan ng mga ganun pero watdahek ganun talaga 'yung nararamdaman ko ngayon.
Para akong nasa isang teleseryeng walang masyadong ganap at akala mo random lang talaga 'yung mga nangyayari pero hindi pala--- bigla na lang may 'twist' sa dulo at ito na nga yun. Parang ang sarap ngang sabihin out loud na:
Episode 69: Ang Mahiwagang Koneksyon Ng Mga Laguna Boys Na Sina PJ at Giong Pilay
O pwede ring,
Episode 69.5: Patayin Sa Shookt ang Gorgeous Na Si Elle Jean.
Nag-loading talaga ang utak ko pagkasabi nun ni PJ, at nawala ang poise ko kaya medyo nakakaasar. Tapos napansin niya yata ang pagkagulat ko dun.
"Are you okay?" Tanong niya sabay offer ng tissue sa'kin. Tinanggap ko yun at nagpunas ako ng mukha ko.
"Ha? Oo naman. Medyo nagulat lang..." sabi ko naman kahit hindi lang talaga medyo ang naramdaman ko. Nagimbal talaga ako, honestly speaking. Paano ba namang hindi? Eh ang laking 'big reveal' nun kanina para sa'kin.
"Nagulat ka? Saan? Sa pangalan na binanggit ko?"
"H-Ha? Oo..."
"Bakit? Kilala mo ba si Gion?"
Gion. Gio. Gion Ulysses Marquez.
Nag-isip ako. Di ko nga alam na kaya kong mag-desisyon nang napakabilis under pressure tulad ngayon, feeling ko nga dahil dito pwede na 'kong tumakbo bilang presidente ng North Korea.
"Ah. F-Familiar lang 'yung pangalan..."
"Ah..." aniyang nakatango. "Akala ko eh kilala mo..."
"Hindi," sabi ko na lang kahit na nanginginig na 'ko. Ganito kasi ako kapag nagsisinungaling nang harap-harapan at on the spot, nanginginig ako at parang nauutal. Paano kasi, hindi naman ako madalas mapunta sa ganitong mga sitwasyon. And at the back of my mind, kinikilabutan na akong isiping nagpatuloy ako sa bahay ng isang taong involved sa pagkamatay ng isa pang tao. At kung totoo ang sinasabing ito ni PJ, malaki ang posibilidad na si Gio ay isang KRIMINAL.
"Elle Jean, okay ka lang ba talaga?" Untag na sa'kin ni PJ. "Parang may iniisip ka," sabi niyang nakangiti. Buti na nga lang at shining, shimmering, splendid ang ngiti niya kaya nakabalik pa ako sa outside world mula sa pag-iisip tungkol kay Gio.
"Sorry, may naalala lang ako," I lied, smiling too.
"Di mo pa ginagalaw 'yung cake mo," sabi niya naman kaya napatingin tuloy ako sa plato sa harap ko. Hindi ko nga alam na may cake na pala sa mesa namin. Kaya kumuha ako nun at tumikim.
Nagkwentuhan kami hanggang maubos namin 'yung cake at kape namin, na parang nagsilbi na ring GTKY o getting to know you namin sa isa't-isa. Pero kahit anong lihis namin ng topic, hindi talaga mawala sa utak ko 'yung fact na posibleng may isang kriminal at murderer akong pinatira sa bahay. Nakakapanindig lang ng balahibo.