Fourteen

151 7 7
                                    

The Way You Look at Me


Nalunod pala si PJ.

At dahil yun sa hindi siya pinagbigyan ni Gio sa pakiusap nito na sila na lang ni Therese ang maging magkarelasyon. Pero naisip ko, kasalanan ba talaga ni Gio yun? Hindi ko na rin alam talaga, basta ang alam ko, may nalunod. May namatay.

Kaya naman halos hindi na ako makakilos sa pagtatapat ni Gio sa'kin. Parang ang hirap tanggapin, parang ang hirap irehistro sa utak ko na totoo ang mga sinasabi niya. Ang hirap i-digest na may namatay na tao dahil sa isang 'selfish act' ni Gio.

"Hindi na natagpuan pa ang bangkay ni PJ," dagdag pa ni Gio sa kwento niya. "Hindi na nga siya nabigyan ng burol eh."

"Ha? Hindi niyo nakita ang katawan niya?"

Umiling si Gio. "Ilang araw din kaming naghanap, at sinuyod namin ang ilog upang mahanap siya. Pero hindi na talaga namin siya nahanap. Pwede mong sabihing baka nakaligtas siya kaya hindi namin nakita ang katawan niya, pero hindi na rin siya nakita pa kahit saan simula nun. Walang PJ na umuwi sa tinitirhan niya. Walang PJ na bumalik sa trabaho niya. Hinanap na namin siya pero malaki kasi ang chance na inanod na siya hanggang sa dagat, dahil kilala naman ang ilog na yun na marami talagang nalulunod doon..."

Kawawa naman pala si PJ, isip-isip ko. Ang saklap nang sinapit niya. Napakabata niya pa para mamatay. Doon ako naluha, dahil nai-imagine ko talaga ang mga scenes na maaaring nangyari talaga sa kanya.

"Marami ang may alam na nag-away kami bago siya nalunod, kaya siyempre napagbintangan ako ng lahat na nilunod ko si PJ. May pasa pa ako sa mukha ko kaya hindi ko maitanggi na nag-away nga kami, kaya naging person of interest ako ng mga pulis. Galit din ang ilang mga taong nakapalibot sa'min at gusto nila na akuin ko na raw ang kasalanan ko kaya alam ko ng sooner or later ipapakulong nila ako. Kaya lang naman ako hindi nakulong dahil wala pa silang matibay na ebidensiya laban sa'kin. Dahil dun, umalis ako ng San Pablo."

Napanganga ako dun sa sinabi niya. Gusto kong maawa nang bongga kay Gio pero natatakot na rin ako sa kanya. Kung umalis siya ng San Pablo ibig sabihin baka hinahanap na siya ng mga pulis. At hindi na rin ako magtataka kung bakit parang ayaw niyang umuwi doon sa kanila at wala man lang naghahanap sa kanya. Malamang lahat ng tao sa kanila, kriminal na ang tingin sa kanya. Minsan kasi yun pa ang mas mahirap tanggapin eh. Yung maling perception ng mga tao sa'yo.

Dahil wala akong masabi kay Gio, kumilos na lang ako para sana ay mawala itong bigat sa dibdib ko na bigla kong naramdaman. Tinikman ko ang niluluto kong ginataang gulay at nang makontento na 'ko sa lasa nito ay pinatay ko na ang apoy nito sa stove. Tapos naglinis naman ako ng mesa namin at niligpit ko ang mga ginamit namin sa pagluluto. Habang ginagawa ko ang mga ito ay nakatalikod ako kay Gio, dahil sa bigla akong nakaramdam ng kaba sa kanya. Hindi ko pa masabi kung ano talaga itong ikinakatakot ko pero ayoko rin naman sa nararamdaman kong ito. Mukhang hindi nga ako patutulugin nito eh.

"Elle Jean."

"Hmm?"

"Hindi mo na ako matingnan," puna niya kaya hinarap ko na siya. Nakangiti siya sa akin pero alam ko kung anong klase ng ngiti ang nakikita ko sa kanya. "Ganun ba kasama ang ginawa ko para sa'yo? I just protected my relationship back then..."

Bigla akong nahiya. "H-Ha? Eh kasi---"

"Kasi iniisip mo nagkamali ka ng pagkakakilala sa akin. Pakiramdam mo niloko kita, dahil hindi ko sinabing isa akong masamang tao---"

"Hindi naman sa ganun," paliwanag ko naman sa kanya. "Nabigla lang ako, Gio."

Tumango siya. "Pasensiya ka na, Elle Jean. Hindi ko naman binalak na lokohin ka o ano. Akala ko naman kasi hindi ako magiging close sa'yo. Inisip ko nung una tayong magkakilala, ilang araw lang naman tayong magkakasama, kaya hindi ko binalak na sabihin pa sa'yo ang tungkol dun."

The Scent of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon