Fifty

77 4 6
                                    

Let You Be


"Hindi nag-work ang sinabi mo. Imbes na magselos siya, mas lalo lang yata siyang nagalit sa'kin."

"So sumusuko ka na?" Hamon ko kay Dylan, na kasama ko ngayon dito sa mall. Tinutulungan niya akong bumili ng 'wedding gift' ko para sa ikakasal.

"Kahit anong gawin ko, iba ang nagiging reaction ni Therese. Mukhang hindi talaga siya magpapatibag."

Tumango-tango ako. "Sa totoo lang, hindi ko rin naman ini-expect na aatras na siya sa kasal nila. Masyado ng late for a change of heart sa kanya. Iisipin niya kasi, 'pag umatras siya tatawanan ko siya nang bongga at magfi-feeling winner ako at siya ang lotlot sa aming dalawa. Kaya hindi na nakapagtataka na hindi siya natinag sa ginawa mo."

"How about you, nakausap mo na ba si Gio? Hindi mo rin ba siya pipigilan?"

Agad akong nakaramdam ng kirot nang banggitin niya si Gio. "Sinubukan ko na siyang kausapin. Pinuntahan ko siya sa farm nila. Sa ampunan. Pero iniiwasan niya ako. Hindi ko na rin siya makontak. Masama nga ang kutob ko eh. Pakiramdam ko sinasadya niya na hindi ako kausapin."

"Why? Akala ko ba naging okay na kayo?"

"Yun nga rin ang akala ko," malungkot na sabi ko habang inaalala ko 'yung mga moments naming dalawa. Lalo na 'yung pagpayag niya sa pangungumbinsi kong magpa-check up siya sa isang psychiatrist. Akala ko kahit hindi ko ibinibigay sa kanya ang gusto niya, ay nagkaroon na kami ng understanding kahit papano. Ngunit mali na naman ako.

"Kung may utak si Gio, uurong siya sa kasal. Alam niya na bang hiwalay na kayo ni Loweill?"

"Hindi ko alam, pero baka alam na niya. Imposible namang hindi niya malalaman yun, eh doon na siya tumutuloy sa farm. Malalaman niya rin na pupunta na ng Jakarta si Loweill."

"Kung pareho silang hindi aatras, ibig sabihin tuloy na tuloy na talaga ang kasal nila."

Tumango ako. "Shit happens."

"At desidido ka na talagang maging isa sa mga bridesmaids ni Therese?"

"Of course."

"Hindi ba mas maganda kung hindi ka na lang magpapakita dun? That way mapapaisip siya na baka nga wala kang pakialam sa kasal nila," ani Dylan na napapaisip nang malalim.

"Alam mo Dylan, yun 'yung point kung bakit ako invited sa kasal nila. Gusto ni Therese, hindi ako sumipot at magmukmok ako sa isang sulok. Pero bakit ko gagawin yun? Minsan, kapag sinasakyan mo 'yung mga pag-atake sa'yo, eh yun ang nagiging counter attack mo."

Tumango doon si Dylan. "You have a point. Parang jokes lang yan about you. Kung tatawanan mo ang mga jokes sa'yo that would become less offensive."

"Correct. Sabi ko nga sa'yo di ba, ikamamatay ni Therese ang pagpunta ko sa kasal niya."

"If you say so."

"Well, 'yung reaction niya kahapon ang patunay doon," sagot ko at kinuwento ko na ang nangyari kahapon na hindi ko pa nasasabi sa kanya. Ito ang tunay na dahilan kung bakit gusto ko siyang makausap ngayon.

Ni-recount ko ang mga tagpo kahapon. Nag-describe pa nga ako kung gaano ka-gulat na gulat si Therese nang sumipot ako sa pagpapasukat ng gowns ng mga bridesmaids niya. Nakakatawa talaga ang itsura niya, para siyang isang five year old na batang nasabihan na cancelled ngayong taon ang Pasko. Kung hindi nga lang ako uma-acting ng mga oras na yun siguro napapabunghalit na ako ng tawa dahil sa naging reaction niya.

Pero nakabawi rin naman agad siya sa gulat niya. Sinalubong niya ako kahapon ng yakap at beso dahil obviously 'super duper mega close friend' ang turing niya sa akin sa harap ng iba niyang mga bisita.

The Scent of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon