What Could Have I Done Wrong?
Naguguluhan ako. Hindi naman siya multo di ba? Aparisyon? O imahinasyon ko? Kasi nakatingin lang siya sa'kin ngayon nang mataman. Hindi gumagalaw. Halos hindi humihinga.
"BAKIT KA NANDITO?" Sigaw ko bigla dahil hindi ko na kayang tiisin ang presence niya ngayon dito sa loob ng kwarto ko. "GIO!"
Pero hindi siya sumagot. Instead, tumayo siya at bigla akong niyakap. Siyempre naestatwa ako sa ginawa niya, kaya hindi ko siya nagawang itulak. Bigla niya namang isinubsob sa leeg ko ang mukha niya at nakiliti na 'ko. Dun na ako umangal sa ginawa niya. Marahan ko siyang inilayo sa akin.
I know pulang-pula na ngayon ang mukha ko pero pinilit kong hindi pansinin yun at simulan na siyang talakan. Galit na galit ko siyang kinausap. "Alam mo ba na pwede kitang kasuhan ng trespassing sa ginawa mo? Huwag mo akong idadaan sa pagpapa-cute mo Gio---!"
"Hindi naman ako nagpapa-cute ah," rinig kong bulong niya sa sarili niya sabay kamot sa batok niya.
"Wala akong pakialam! Ang gusto kong malaman ay kung bakit ka nandito? Anong masamang hangin ang nagtulak sa'yo para maging akyat-bahay?"
Imbes na sumagot, natawa lang ang tarantado kaya agad akong kumuha ng bagong maipapalo sa kanya. May nakita akong isang malapad na hanger sa drawer ko at kinuha ko yun at itinuro sa kanya na parang kutsilyo. "Magsalita ka, Gio!"
"Relax, Elle Jean... Wala akong masamang balak sa'yo---"
"Kahit na!" Giit kong nagpupuyos pa rin sa inis. "Kahit na wala kang murderous instincts sa katawan mo, mali pa ring bigla-bigla ka na lang pumasok sa loob ng bahay ng may bahay! Gusto mo ba tumawag ako ngayon ng pulis?"
Mukhang naalarma naman siya na tatawag ako ng pulis kaya umiling-iling siya sa'kin na parang nagmamakaawa. "Please, Elle Jean, wag naman... Wala lang akong choice. Umulan kagabi nang malakas. Alam mo naman dito sa inyo, halos wala kang masilungan sa labas..."
Nagtaas ako ng kilay. "So dahil wala kang masilungan, papasok ka dito sa apartment ko? Tama ba yun?"
"Inaamin ko sobrang mali," aniya, "pero wala talaga akong choice. Mabuti na lang at nagtatago ka pa rin ng spare key sa ilalim ng paso sa garden mo..." natigilan siya sa pagsasalita at nag-iwas ako ng tingin dahil sure ako na pareho kami ng naaalala ngayon. Yung mga panahong pilay pa siya at iniiwan ko ang susi sa labas na nakatago in case aalis siya ng bahay. Muntik pa nga akong mapatawa nang maalala ko na isang beses ay tumawag siya na ang sinasabi ay "Elle Jean, I think I'm dying," at yun pala hindi siya makapasok sa loob ng apartment ko nun. Ever since that incident happened, nag-iiwan na nga ako ng spare key sa ilalim ng mga halaman ko just in case.
"Sorry ulit, Elle Jean."
"Bakit ka ba kasi nandito?" Tanong ko na dahil kanina ko pa gustong-gustong malaman kung bakit siya napadpad dito. Imposible naman kasing trip niya lang na pumunta dito dahil nagbabalik-tanaw siya sa nakaraan naming dalawa.
"I-I checked the house that I... I bought," bulalas niya.
"What?"
"Yung bahay ni Doc. Clarrisah, ako 'yung bumili dun Elle Jean. Tapos kagabi chineck ko yun pero nakalimutang dalhin ng kasama ko 'yung susi, kaya umalis siya para kunin yun at dun na nga umulan nang malakas..."
Tinitingnan ko siya nang masama dahil sobrang fishy pa rin ng nangyari. Bakit niya binili 'yung bahay ni Doc. Clarrisah? Eh alam niya namang dito ako nakatira?
"Kumatok ako nang kumatok dito kagabi," dagdag niya pa. "Pero wala yatang tao tapos wala naman akong contact sa'yo so sinubukan ko kung may susi pa rin ba na nakatago---"