Seventeen

110 5 1
                                    

Guilty

Kakaiba sa pakiramdam ko ang biyahe papuntang San Pablo. Bukod sa kaba, halos magka-goosebumps na rin ako kapag iniisip kong papunta ako sa lugar kung saan lumaki si Gio. Yun nga lang hindi ko alam kung bakit sa isang orphanage kami pupunta. Ang alam ko naman kasi ay may mga magulang naman si Gio. Na-mention niya pa nga sila ng ilang beses, kaya hindi ako mapakali sa posibilidad na ulila na nga siya. That would mean he was lying to me.

"Alam mo Elle Jean, maraming pwedeng dahilan kung bakit nasa ampunan siya kasama ng mga kaibigan niya. Malay mo naman may volunteer work sila doon," sabi sa'kin ni Rud John, nang itanong ko sa kanya 'yung tanong na gumugulo sa utak ko.

"Pwede... o pwede ring doon nga siya galing," sagot kong napapailing. "Rud John, ang sabi niya sa'kin may pamilya siya. Kaya kapag nalaman nating totoo 'yung unang kutob mo eh ibig sabihin nun nagsinungaling siya sa'kin..." malungkot na saad ko habang nakatunghay sa bintana ng sinasakyan naming bus.

"Okay, pwede ngang nagsinungaling siya sa'yo pero 'wag ka nang magalit dun sa tao. I'm sure may reason siya kung bakit niya ginawa yun. Dapat nga ma-touched ka pa na walang mga magulang ang boyfriend mo eh. Hindi ba nakakaawa yun?"

Natahimik ako saglit. Tama nga naman si Rud John, hindi ko dapat gawing issue ito, since kelan nga lang naman kami nagkakilala ni Gio. Besides, mas importante naman ngayon 'yung safety niya. Pero siyempre, kung totoo man yun, hindi ko rin siguro maiiwasang magtampo. Akala ko kasi may tiwala na siya sa'kin.

Pagdating namin sa San Pablo, nagtanong-tanong lang kami doon kung paano pumunta sa Our Lady of Mt. Carmel Orphanage na yun. Mabuti at isang sakay lang pala iyon ng tricycle mula sa downtown. Medyo nasa may bundok na parte na ito ng bayan pero ewan ko ba, parang familiar sa'kin ang mga nadadaanan namin. Yung mga palayan, 'yung ilang mga malalaking lumang bahay, at kahit iyong bungad ng mismong ampunan ay sobrang pamilyar sa'kin. Parang nakapunta na ako rito noon.

Nagtanong agad si Rud John sa security guard kung nasa loob ba ng orphanage si Gio. Pero imbes na sumagot 'yung guard, dali-dali itong pumasok sa loob ng orphanage at bumalik na may kasama ng isang madre.

Medyo bata pa ito at kung bakas sa mga mukha namin ni Rud John ang pagtataka sa pagaulpot nito ay mas nagtataka naman yata si Sister sa existence namin.

"Sino kayo?" Tanong nito sa'ming dalawa ng pinsan ko. "Mga kaibigan ba kayo ni Gion?"

"Opo," magalang na sagot ko na medyo kinakabahan. "Nandiyan po ba siya sa loob?"

"Bakit niyo siya hinahanap?"

Nagkatinginan kami ni Rud John. Napagdesisyunan kasi namin kaninang sabihin na lang ang totoo naming pakay para wala ng hassle. Baka kasi mamaya isipin nilang hindi kami mapagkakatiwalaan.

"One week na po kasing hindi namin siya makontak. Nag-aalala na po kami."

Sa expression ng mukha ng madre, halata 'yung pagkawala ng takot niya nang marinig niya ang sinabi ko, though parang hindi pa rin siya sigurado kung totoo 'yung mga sinabi ko.

"Pasok muna kayo sa loob. Doon na tayo mag-usap."

Nagtataka man, sinundan na namin ang madre papasok sa compound ng orphanage na napakalawak pala. Napanganga nga si Rud John sa mga nakita niya dahil hindi kasi halata mula sa labas na may malawak itong lote dito sa loob. May football field pa nga dito sa gitna ng mga buildings.

Sa isang maaliwalas na opisina kami pumasok na tantiya ko ay ang receiving area nila dahil marami ditong mga display ng mga trophies at litrato ng mga batang siguro ay nakakuha ng mga malalaking achievements sa school. May parang isang blackboard nga doon sa gilid kung saan nakalagay ang isang napakalaking collage ng mga pictures ng mga batang dito nakatira. At sa gitna ng collage na iyon ay isang malaking poster ng apat na binatilyong pawang mga miyembro ng isang boy band. May gumawa pa ng lettering na Thug Prince sa ibabaw ng pictures nung apat.

The Scent of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon