Six

203 8 1
                                    

The Bad Prince

Of course ay kinabahan ako nang bonggang-bonggang-bongga. Ano raw, mamamatay na siya? Ano naman kaya ang nangyari sa kanya? Nabagok ba ang ulo niya? Nakainom ba siya ng silver cleaner at nangingisay na siya ngayon? O napadaan sa bahay ang pinsan kong call center agent at napagkamalan siyang magnanakaw kaya binugbog siya?

"Gio! Anong nangyayari sa'yo?" Nagpa-panic ng tanong ko over the phone. "Buhay ka pa ba? Teka, humihinga ka pa ba? Kailangan ko bang magdala ng oxygen diyan?"

Napahinto na ako sa paglalakad at sa phone ko na lang ako naka-focus ngayon dahil sa kaba ko para kay Gio. "Basta...umuwi ka na rito..."

"Gio naman eh! Bakit parang nanghihina ka na diyan sa boses mo?" Sincere na ang pag-aalala ko at ang bilis na ng tibok ng puso ko sa kaba. "Huhuhu! Maayos ka pa naman kanina eh..."

"Adik ka ba? Umuwi ka na lang kasi, or else mamamatay na talaga ako---"

Biglang naputol ang linya ni Gio kaya natakot na ako. "Gio!" Desperadang sigaw ko sa phone ko kahit alam kong wala na akong kausap sa kabilang linya, basta 'yung mga actingang pangteleserye, ganern. "Oh my God, Gio! Sumagot ka! Tell me! Huwag kang bibitaw! Darating na ako! May bukas pa, Gio! May bukas pa! Tutulungan ka ng Diyos, na may lalang---!"

Natigilan naman ako saglit dahil nakatingin pala sa'kin si PJ my labs at nakatulala na siya sa'kin. Nahiya tuloy ako sa pinaggagawa ko. "Elle Jean, is everything okay?"

"H-Ha? Oo nemen...ene leng....may ano...ah, 'yung aso, oo tama 'yung aso ko sa bahay si Gio naghihingalo daw eh kailangan kong puntahan..."

Tumango-tango si PJ at maski 'yung pagtango niya ay so yummy, oishi, kerei, delectable, delicioso, manyaman. "Ah, ganun ba. So pano 'yan, hindi na ba tayo magmemeryenda?"

Hindi na, kasi ikaw na ang memeryendahin ko. Cheret.

Nag-pout ako para ipahiwatig ko sa kanyang sobrang sad ko talaga dun. "Oo eh. Next time na lang siguro... K-Kung magkikita pa tayo..."

Ngumiti siya. "Oo naman. I-add kita sa Facebook para may communication tayo."

"Ay gusto ko yan," sagot ko agad. "Sige, i-add mo ako. I-confirm ko na lang mamaya 'pag okay na 'yung aso ko..."

"Okay."

"Sige. Bye. Aalis na 'ko. See you next time my new found love ay este new found friend..." kumaway na ako kay PJ at naglakad na ako palabas ng campus. Tinext ko na rin sina Bevs at Bernard na hindi na ako makakabalik sa kanila dahil may emergency pa ako.

Nagmadali akong makarating ng bahay, dahil inisip ko talaga na baka kinokumbulsyon na si Gio at nangingisay na siya sa sahig dahil sa taas ng lagnat niya. Pero pagdating ko sa bahay, naabutan ko siya sa may labas ng pinto, nakasandal sa may pader at nakapikit ang mga mata. Agad kong sinapo ang noo niya.

Napamulat siya. "You're here."

"Oo at wala kang lagnat. Tinakot mo 'ko, Gio! Akala ko pa naman patay ka na!"

Inirapan niya ako, at medyo nakaka-starstruck lang 'yung mga pagtataray niya dahil imbes na magmukha siyang bakla ay nagmumukha lang siyang Koreanong prinsipeng masungit at moody. Kajirits.

"Gustong-gusto mo talaga akong mamatay ano?"

"Hindi naman. Slight lang." Pinagmasdan ko siya nang maigi, at mukha namang wala siyang problema, maliban sa paa niyang nakabalot pa rin ng bandage. "O, bakit ka pala nandito sa labas? May nararamdaman ka bang masama?"

"Yung paa ko lang, sobrang sakit... kamuntik na akong sumugod mag-isa sa ospital eh..."

"O eh bakit di mo ginawa?"

The Scent of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon