Forty Three

55 5 4
                                    

In One Way or Another

"Congratulations, Beverlyn Madlangbayan!" Bulong ko sa napakagandang best friend ko. Niyakap ko siya na hindi idinidikit ang katawan ko sa kanya dahil ayokong magusot ko pa ang pagkaganda-ganda niyang wedding gown. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang procession. For sure, hindi na mapakali si Rud John sa loob dahil sa kaba at excitement.

"Thank you!" Naiiyak niya rin namang yakap sa'kin. "Ang ganda mo rin ngayon, gurl. Pero araw ko 'to kaya lie low ka muna ha! Make way for the true diyosa!"

Natawa ako sa kakulitan niya. Araw na ng kasal niya, at nasa labas na kami ng simbahan kung saan siya ikakasal. "Bigay ko na sa'yo ang araw na 'to. Deserve mo 'to, alam mo na yun." Naluluha na ako sa saya dahil siyempre, witness ako sa pamumukadkad ng love story ng dalawa. Sabi pa nga nila sa'kin, ako ang indirect cause ng love story nila. As much as I wanted to take credit naman, umiiling ako kapag sinasabi nila yun dahil hindi ko naman sila pinainom ng gayuma para mahumaling sila sa isa't-isa.

Nang magsimula na ang procession, kinabahan ako dahil maraming nag-attend na bisita. Hindi para sa sarili ko, kundi para kay Beverlyn. Tagal niya na 'tong hinihintay eh. Daig ko pa nga yata ang Nanay niya sa saya na nararamdaman ko para sa kanya.

Di ko rin maiwasang mag-imagine habang naglalakad ako sa aisle. Alam ko na marami rin ang nakatingin sa'kin ngayon dahil ako ang bridesmaid, pero nawala na yun sa utak ko dahil ang totoo, ini-imagine ko na ako na ang ikakasal at naroon na sa may altar ang lalaking pakakasalan ko.

May luha sa mga mata niya habang pinagmamasdan niya akong maglakad patungo sa kanya. Sa imagination ko, naiiyak na rin ako pero nakangiti pa rin ako. Nakangiti ako dahil sa wakas, narating na rin naming dalawa ang puntong ito...

Mabuti na lamang at na-control ko pa ang sarili ko. Nagawa ko nang bumalik sa realidad bago pa man ako makagawa nang nakakahiyang eksena sa kasal ng pinakamamahal kong best friend. Katabi ko sa upuan ang mga magulang ni Beverlyn na lumuwas pa galing Cavite. Tulad ko, emotional din sila. Nilibot ko naman ng tingin ang mga tao na nandito ngayon sa simbahan, at laking gulat ko nang makita ko sa bandang dulo sina Therese at Gio.

Nagkatinginan kami ni Gio. Nginitian niya ako, 'yung tipo ng ngiti na medyo pilyo. Pupusta ako na nakangiti siya ngayon sa'kin dahil nilingon ko siya. Halata naman kasing kanina niya pa ako tinititigan, at ngayong nilingon ko na siya ay hindi niya maitago ang nararamdaman niya. Napangiti rin ako sa kanya.

Pero kung si Gio nakangiti sa'kin, super duper mega kabaliktaran naman ang reaction ng babaeng katabi niya ng upuan. Nanlilisik ang mga mata ni Therese na sinyales na kanina niya pa rin ako pinapatay sa utak niya. Pero dahil ayokong magpa-intimidate sa kanya, tinaasan ko lang siya ng kilay. Ibinalik ko na lang ang tingin sa harap.

Bakit ba kasi nandito ang babaeng yun? Invited ba talaga siya rito?

But of course, boss nga pala siya ni Beverlyn. Malamang nga invited siya. At si Gio, officemate nga pala siya ni Beverlyn. Nakalimutan ko na ang tungkol dun. Ang sabi nga ni Benjo sa'kin, nababaliw na raw ako nitong mga nakaraang araw.

Paano ba naman kasi, nung naghahanda na kaming buong pamilya para sa kasal, ang dami kong nakalimutang dalhin mula Lopez. Mali-mali rin mga nasasabi ko kapag tinatanong ako ng ibang relatives namin tungkol sa mga specifics ng kasal nina Bevs at Rud John.

"May sakit ka ba Ate? O may sumapi sa'yo?" Yun ang inaakusa sa'kin ni Benjo. "Bakit parang katawan mo lang ang nandito?"

"Sorry!" Paghingi ko agad ng tawad. "Medyo distracted lang."

"Ano bang nangyayari sa inyo ni Kuya Gio? Nag-away ba kayo?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Hindi ah. Pero bakit mo natanong yan?"

The Scent of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon