Your Personality is Beautiful
Ang ganda ng La Trinidad. Una kaming nagpunta sa isang strawberry farm doon at nag-enjoy ako nang husto. Puro din kami kuha ng pictures ni Gio, at hindi na naghiwalay ang mga kamay namin. Talagang HHWWPSSP. Holding hands while walking, pa-sway-sway pa.
May bakeshop kaming nakita na nagsi-serve ng local deserts at doon kami nag-meryenda. Ang saya lang kasi napaka-gentleman ni Gio sa'kin. Alagang-alaga niya ako kaya kahit 'yung sixteen degrees na temperature ng lugar ay hindi ko na napapansin.
Siyempre tsokolate ang unang in-order ko para sa'ming dalawa, na pinarisan namin ng strawberry cake. Kilig na kilig ako sa sarap dahil kung ano 'yung ini-imagine kong lasa nila, ganun talaga ang flavor nila. Sobrang heaven.
"Punta tayo sa Botanical Garden pagkatapos nating kumain," sabi niyang nakangisi. May natirang icing sa labi niya kaya natawa ako kasi ang cute niya. Ako na ang nagpahid nun kaya naging close ulit ang mga mukha namin. Pero kung dati naiilang pa ako, ngayon naman parang nagki-crave naman ako sa mga ganitong moments.
"Ang sweet pala ng girlfriend ko," bulong niya na namumula ang mga tenga. Nagbuntong-hininga din siya. "God, mas mahihirapan ako nito..."
"Ang ganda ko kasi no? Irresistable pa! Kaya naman, hulog na hulog ka," hirit ko na mas ikinatawa niya. "Akala ko nga noong una hindi na gumagana 'yung charm ko sa boys, kaya nagtaka na ako parang ang tagal mo namang mahulog sa'kin... pero yun pala, kakagat ka rin sa pa-in." Ang ingay naming dalawa dahil sa pagtawa, kaya pinilit din naming tumahimik nang makuha na namin ang attention ng ibang customers.
"Kahit na nasobrahan ka din sa confidence, Ate Soulmate," ani Gio. "Totoo naman yun. You had a way with boys."
"Ha? Anong pinagsasabi mo diyan? Di ba nga nbsb ako bago ka dumating sa gorgeous life ko? Nambola ka pa."
"Hindi kita binobola," paliwanag niya naman. "Totoong may charm ka talaga na attractive. Lalo na kapag makilala ka ng mas personal, everyone will love you and your personality."
"So sinasabi mo bang hindi ako maganda kaya personality ko ang attractive sa'kin?"
"Hindi ganyan ang gusto kong sabihin," dagdag niya pa. "What I'm telling you is, attractive ang physical features mo pero mas attractive ang personality mo."
"Kwento mo yan sa labintatlong imaginary ex-boyfriends ko, Giong Pilay!" Sabi kong natatawa pa rin kahit na ang lakas na ng heartbeat ko.
"So what kung NBSB ka? Stop thinking that way, alright? Hindi porket walang nanliligaw sa'yo o wala ka pang boyfriend, eh hindi ka na attractive. That's just ridiculous. Besides---" natigilan siya sa pagsasakita bigla kaya hinampas ko siya sa braso niya.
"Besides ano, Gio?" Napakamot siya sa ulo niya. "Sabihin mo na!"
"Ayoko sanang sabihin 'to pero sasabihin ko na rin para tumigil ka na sa kaka-put down mo sa sarili mo..." bungad niya. "Actually, may mga nag-try manligaw sa'yo noon. Lalo na nung high school ka. Ang kaso, lahat sila winarningan nina Rud John at Benjo na tantanan ka. In short, wala talagang manliligaw sa'yo noon kasi hinaharangan ng kapatid at pinsan mo..."
Nanlaki ang mga mata ko sa surprise twist na binulgar niya. "What? Totoo ba yan?" Tumango si Gio na mas lalo ko lang ikinaloka. "Paano mo naman nalaman yan? Sinabi ba yan sa'yo nina Benjo at Rud John?"
"Oo. Noong nag-inuman kami sa inyo... Ayaw ka daw kasi nilang mabuntis agad," natatawang saad ni Gio.
"Eh mga suraulo pala sila eh! Ano namang akala nila sa'kin? Bobita na hindi ko kayang mag-isip kung ano ang tama sa mali? Naku! Nanggigigil ako! Kung ganun sila pala ang tunay na salarin kung bakit wala akong love life noon? Akala ko pa naman ang chaka ko talaga! May mga kontrabida lang pala sa buhay ko! Masasampal ko talaga ang mga bayag ng dalawang yun kapag makita ko sila!"