Twelve

159 7 6
                                    

Love Triangle

Kung tama si Gio at nagsasabi siya ng totoo na may kaibigan siyang namatay na ang pangalan ay PJ Moran, eh sino pala 'yung PJ Moran na nakilala ko?

Imposible namang kapangalan niya lang yun. Masyado silang maraming pagkakapareho ng PJ Moran na tinutukoy ni Gio. Parehong taga-San Pablo, Laguna. Parehong member dati ng isang banda. And who knows, baka pareho ring nag-aral sa Elbi by the looks of it.

Bigla akong namutla nang mapagtanto ko na posibleng iisang tao lang ang tinutukoy ni Gio at ng taong umamin na gusto niya raw ako. Dahek, nabaliktad na nga ang sitwasyon eh. Kung dati ay naloka ako sa posibilidad na baka iisa lang ang Gio na tinutukoy ni PJ sa Gio na nakasama ko sa bahay, ngayon ay halos ikasira na ng ulo ko ang pag-iisip kung ang sinasabing PJ Moran na dating kaibigan ni Gio ay ang PJ Moran na nakilala ko. Kung totoo kasi ang kinuwento ni Gio, ibig sabihin, isang multo ang nakilala ko?

Bigla akong kinilabutan. Naramdaman ko pa ngang nagsitayuan ang aking mga balahibo sa katawan. Hindi ako mapakali. Kung multo si PJ, paano ko siya nakakausap? Waah, may third eye ba ako? Kaloka! Akala ko magkaka-lovelife na ako, yun pala mapupunta ako sa isang paranormal activity?

Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko. No, imposible. Ilang beses na kaming nagkakausap ni PJ. Siguro naman dapat alam ko na kung may mali sa kanya di ba? At saka kung multo siya, paano siya nakakapag-chat sa'kin? Paanong may Facebook din siya? Techy na rin ba ngayon ang mga multo?

Pero naalala ko, sa lahat ng pagkakataong magkasama kami ni PJ, ay wala kaming ibang kasama. As in kaming dalawa lang. Kaya hindi ko rin masabi na totoong tao nga siya talaga, dahil anak ng hopiang monggo, palagi akong mag-isa nung kasama ko siya! My God.

Mag-isa lang ako nung umuulan dun sa Enigma University nang unang beses ko siyang makita. Kaya posibleng isa nga siyang ligaw na kaluluwa! At di ba si Gio na rin ang nagsabi, na parang nakaramdam siya ng multo dun sa apartment ko? Oh my! Si PJ ba yun na nagpaparamdam sa amin? Waah! Elle Jean, nasobrahan ka yata sa pagiging Gorgeous, dahil pati isang kaluluwang ligaw ay nahumaling na sa'yo! Waah!

At 'yung nagmeryenda kami sa isang coffee shop--- huhu pano yun? Kung hindi siya nakikita ng ibang tao dahil isang multo nga si PJ, ibig sabihin ba para akong baliw dun sa coffee shop na yun habang kausap ko ang isang entity na ako lang ang nakakakita? Waah!

"Elle Jean."

Susmaryosep, anong gagawin ko? Baka sinusundan rin ako ng kaluluwa ni PJ hanggang rito sa amin! Ano nang gagawin ko? Dapat ba akong magtawag ng pari? O exorcist? O hindi kaya ay isang psychic?

"Elle Jean."

Kailangan ko yatang magsimba. Oo, yun yata ang dahilan kung bakit ako pinapakitaan ng mga multo, dahil nakakalimutan ko nang magsimba!

"Elle Jean. Ate soulmate. Gusto mo ba halikan kita para pansinin mo ako?" Dinig ko bigla sa tabi ko at dun ko palang napansin na nasa tabi ko pala si Gio. Nanonood kami ng tv sa sala. Gabi na kasi, at si Nanay ay nasa banyo at naglilinis ng katawan niya dahil maaga siyang natutulog. Si Benjo naman, nasa may bakuran namin at busy sa cellphone sa kakausap sa pabebe niyang girlfriend.

"Ano'ng sabi mo?" Ulit ko kay Gio dahil preoccupied pa rin ni PJ ang utak ko.

Ngumisi siya. "Wala. Teka, parang may iniisip ka."

"Meron nga."

"Kung ako 'yang iniisip mo, pagpahingahin mo naman ako," aniya na tunog seryoso pero alam kong inaasar niya lang na naman ako. "Kanina pa yata ako tumatakbo diyan sa isip mo. Napapagod din ako, lalo na't kakagaling ko lang sa injury di ba..."

The Scent of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon