Reckless
"B-Bakit ka nandito?" Tanong ko. Hindi kasi ako makapaniwalang nandito siya ngayon sa Baguio. Akala ko talaga may hallucinations na ako. Pero agad ko siyang nilapitan, at ngayon nga ay nasa harapan ko na siya. Mabuti na nga lang at pumayag sina Loweill na mauna na sa Burnham Park kung saan kami dapat pupunta.
Ang tagal akong tinitigan ni Gio. Para bang ninanamnam niya itong pagkakataong ito, katulad ko. Para kaming nasa isang romantic na pelikula at ito ngayon 'yung part kung saan dapat tumutugtog na ang isang nakakakilig na kanta.
Tumikhim na ako at doon lang siya parang natauhan. "Sorry, Elle Jean. I was just... I was just so happy na nakita kita. Buong araw na kasi kitang hinahanap."
"Ano? Buong araw? Hinahanap mo 'ko?"
Tumango siya. "Gusto talaga kitang makita, Elle Jean. Alam kong pupunta kayo dito kaya nagbaka-sakali na ako. Bago man lang ako gumawa ng isang malaking desisyon, gusto ko ikaw ang huling kasama ko."
"Anong ibig mong sabihin, Gio?" Kinakabahan na ako dahil may kutob na ako kung ano ang sinasabi niya. "Ano bang binabalak mo?"
Hindi ako sinagot ni Gio, bagkus ay hinawakan niya ang mga kamay ko nang mahigpit. Bumuntong-hininga siya. "Elle Jean, ayoko talaga na hindi tayo nagkakaayos. Hindi ako makatulog gabi-gabi kakaisip sa'yo. Sa atin... Nagi-guilty talaga ako Elle Jean. Alam ko nasaktan kita. I'm sorry."
Umiling-iling ako. Halos hindi na nga ako makapagsalita nang maayos eh, kasi naman itong si Gio. Pahamak lagi sa puso ko. Hinampas ko na lang siya sa braso niya. Mahirap na kasi, baka magsisigaw ako ngayon dito sa gilid ng kalsada dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko ngayon.
"Elle Jean..."
"Nakakaasar ka, alam mo ba yun?" Naglabas na ako ng hinanakit ko sa kanya dahil hindi ko na kasi kayang tiisin ang lahat ng ito. "Gusto ko nang mag-move on eh! Ready na ako! Kaso ayan ka na naman!"
Parang nabigla naman siya sa sinabi ko. "B-Balak mo nang mag-move on? Agad?"
Namula ako dahil sa kakaibang paraan ng pagtitig niya sa'kin. Yung pagtingin niya kasi ngayon sa'kin, may halong panunumbat at pagtatampo, pero dahil gulat na gulat din siya eh para siyang magpa-panic ano mang minuto ngayon.
"Elle Jean, totoo ba 'yung sinasabi mo? Na ready ka nang mag-move on?"
"Bakit bawal ba?"
This time parang nagagalit na siya at pinipigilan niya lang ang sarili niya. "My God, Elle Jean. That fast?"
Nagtaas na ako ng kilay. "Wow ha?" Sarcastic kong sagot. "Ikaw pa talaga ang magre-react nang ganyan? Hindi ako ang may problema sa'ting dalawa! Alangan namang hintayin kita forever?"
"Pero may three month rule, Elle Jean!" Giit niya. "Hindi mo ba alam yun? Maghihintay ka pa dapat ng three months bago ka mag-move on o makipag-date sa iba!"
Ang weird ng nangyayari ngayon dahil kanina lang ay naiiyak ako pero ngayon naman ay natatawa na ako dahil sa pinagsasasabi ng kolokoy na 'to. Kinaltukan ko tuloy siya sa ulo niya. "Alam mo pauso ka. Bakit, si John Lloyd ka ba at kailangan mo pang mag-three month rule? Bakit ko naman susundin ang mga kaechusang yan? Magmu-move on ako kung kelan ko gusto!"
"Pero Elle Jean, ako, wala akong balak mag-move on," seryosong sagot niya kaya natigilan ako. Gusto ko sanang mag-isip ng retort sa kanya pero hindi ko kayang magsalita. "Elle Jean, I know it's a stupid concept. Pero siguro naman hindi mo agad makakalimutan kung ano man ang meron tayo?"
"Pero yun na nga eh!" Hikbi ko naman ulit. And I know para na akong loka-loka ngayon. "Hindi kita kayang makalimutan, Gio. Lalo na at...wala naman tayong naging issues sa isa't-isa. Yang sitwasyon mo lang naman talaga ang nakakasira sa atin. Di ba buo na 'yung loob mo na iwan ako? Iiwan mo nga akong walang alam sa mangyayari sa'yo di ba? Ikaw 'tong umalis kaya bakit ka nagi-expect na hindi kita kakalimutan? Wala tayo sa teleserye Gio!"