Thirty Two

80 4 2
                                    

Effort



"I missed you," bulong ni Loweill sa tenga ko and somehow, naging kalmado ang kanina pang sobrang mabilis na tibok ng puso ko. Na-triggered yata ang puso ko dahil sa naging sagutan namin ni Gio sa kotse niya. Tapos lumala pa nang magulat ako sa biglang pagdating ng boyfriend ko. "May problema ba, Elle Jean?"

Agad naman akong napailing ngunit hindi na iyon napansin ni Loweill dahil nakita na niya agad sina Gio at Benjo. Akala ko nga magtatanong pa siya sa'kin kung bakit kasama ko ang ex ko pero tinanguan niya lang ito tapos si Benjo ang kinausap niya. "Kumanta ka daw sa isang banda, Benjo?" Bungad niya dito. "Sayang at hindi ko narinig ang pagkanta mo. I'm sure you were great."

Nag-thumbs up naman ang kapatid ko sa kanya. "Ako pa ba Kuya? Magaling yata 'to no?"

Tumawa doon si Loweill kahit na hindi naman nakakatawa itong si Benjo. Ramdam ko tuloy ang effort ni Loweill para maging close siya sa kapatid ko at medyo na-touched din naman ako dun. "May pasalubong ako sa'yo, andun kay Ate Ruwillah kunin mo na 'yung sa'yo."

Pagkasabi lang dun ni Loweill ay agad nang nagtatakbo si Benjo patungo sa Ate ko na ikinatawa naming dalawa. Pero na-awkward din ako nang mapansin kong kanina pa pala kami pinagmamasdan ni Gio. Nakaakbay kasi sa beywang ko ang isang kamay ni Loweill at doon nakatuon ang tingin ni Gio. Bumigat na naman tuloy ang pakiramdam ko.

"I have something for you too," ani Loweill sa'kin na tila hindi alintana ang presensiya ni Gio. "Do you wanna see it?"

"Ano ba ang pasalubong mo para sa'kin? Kiat-kiat?" Biro ko na ikinatawa na naman niya nang malakas.

"Porket sa China ako galing, kiat-kiat na ang pasalubong ko sa'yo?" Amused niya ring biro sa'kin.

"Bakit ano ba pasalubong mo?"

"Bagua."

Ako naman ang tumawa nang malakas doon at kung hindi lang tumikhim si Gio sa harapan namin ay hindi pa ako titigil sa kakatawa. "Elle Jean, uuwi na ako."

"Ganun ba? Sige... Salamat pala sa paghatid sa'min ni Benjo."

"No worries," dugtong niya naman. Pinipigilan pa siya nina Nanay at Ate Ruwillah na huwag munang umuwi at dito na mananghalian sa'min pero nagsabi siyang may dadaanan pa daw siya sa bayan ng Lopez. Nagtataka man kung saan siya pupunta, hinayaan ko na lang at hinatid ko na lang siya ng tingin palabas ng bahay namin.

Nakita ko namang matagal akong tinitigan ni Loweill. "What?" Reklamo ko sa kanya.

Napangiti siya. "Nanginginig ka kanina. Kinakabahan ka ba?" Tanong niya.

"Kinakabahan saan?"

"Na nakita ko kayong magkasama," aniya at kung pwede lang mag-evaporate ako sa eksenang 'to ay ginawa ko na.

"Ba't naman ako kakabahan eh wala naman akong ginagawang masama?" Giit ko. "Kasama rin namin si Benjo kaya wala talagang mangyayaring masama. Ikaw nga 'tong may kasalanan sa'kin eh."

Kumunot naman agad ang noo niya sa akin. Nakanguso kasi ako ngayon sa kanya. "Ano naman ang kasalanan ko sa'yo?" Clueless niyang tanong.

"Ewan ko sa'yo!" Singhal ko at pinalo ko nang mahina ang dibdib niya. "Akin na nga lang ang pasalubong ko! Baka mapatawad pa kita agad!" Hinanap ko na ang pasalubong ko at nakita ko iyon sa isang sosyaling paper bag. Hindi ko iyon mahawakan agad dahil sa shock ko.

"Binilhan mo 'ko ng designer's bag?" Tanong ko at kitang-kita ko pa ang inggit at tuwa sa Ate ko na nakatunghay sa amin ni Loweill.

"Ayaw mo ba?" Nalilito namang tanong ni Loweill. Ayokong marinig ng pamilya ko ang mga sasabihin ko kay Loweill kaya sinenyasan ko siya na lumabas muna kami ng bahay para doon kami mag-usap. Reluctant man, sinundan ako agad ni Loweill.

The Scent of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon