Forty One

56 3 4
                                    

Caught in the Act




Isang linggo na lang at kasal na nina Rud John at Beverlyn. Kinakabahan na nga ang bestfriend ko, kaya ang role ko naman ay i-distract siya. Nagpa-pedi at mani na kami, nagpa-salon, at nag-shopping, at nanood ng sine pero parang hindi rin ako kasama ngayon ni Bevs. Pakiramdam ko, nasa magkaiba kaming universe.

Hindi ko nga alam kung ano ang kinukwento niya ngayon habang naghihintay kami kay Rud John na sunduin kami dito sa ground floor ng mall kung nasaan kami. Tumatango lang ako pero nasa ibang lupalop ang utak ko. Kung hindi pa pumalakpak nang malakas si Bevs sa harap ko, hindi pa ako babalik sa katinuan. "Elle Jean, buti naman gising ka na."

Natawa ako dun kaya natawa na rin siya. "Sorry. Hindi pa rin kasi ako---"

"---Maka-get over sa katotohanang matagal na nga kayong magkakilala ni Gio?" Pangunguna niya naman sa akin. Alam niya na rin naman kasi ang tungkol dun, kaagad kong kinuwento sa kanya pagkauwi ko lang ng bahay mula sa 'usapan' naming dalawa ni Gio.

"Oo. Alam mo yun? Parang sinadya eh. Kapag iniisip ko ang bagay na yun, naninindig ang balahibo ko. Nakaka-goosebumps."

"Gets kita girl," sagot niya namang tumatango-tango. "Kung ako rin naman ang nandiyan sa posisyon mo ngayon, baka hindi nga ako makatulog eh. Imagine, naging magkaibigan pala kayo noong mga bata pa kayo at hindi mo lang alam?"

"May suspetsa lang ako dati," sabi ko. "Mula noong sabihin ni Tita Sharah na isinasama niya nga ako noon sa mga amo niya. Kina Therese."

"Ang sabi niya, isang beses naiwan ka niya roon di ba? Ilang taon ka ba nun?"

Umiling ako. "Hindi ko sure. I think mga five or six years old ako, ganun. Tapos ang sabi pa ni Tita, pagbalik niya raw para kunin ako, ayaw ko na raw umuwi tapos sinasabi ko na raw na anak na rin ako nina Mr. and Mrs. Gregorio. Na ako raw si Therese."

"Nakakaloka nga yan kung talagang totoo yan," dagdag niya naman. "Kasi biruin mo, ang sikip-sikip ng mundo niyong tatlo! Lakas maka-teleserye! Ano ang susunod? Isa sa inyo ang hoholdapin ng goons at dadalhin sa isang lumang bodega?"

Sumakit ang panga ko sa kakatawa dahil sa joke niya. "Nakakaloka talaga. Pero yun nga, akala ko dati, weird na coincidence lang. Pero nang mismong kay Gio ko narinig 'yung mga yun, kinilabutan ako Bevs. Hindi ko maintindihan, pero feeling ko talaga isang malaking sign ito ng isang bagay."

"Para saan naman?" Curious na tanong niya na pinag-aaralan ang mukha ko. "At anong klaseng sign naman kaya yan?"

"Ewan. Basta, hindi ako mapakali eh. Kasi kung totoo ngang naging kaibigan ko noon si Gio sa ampunan habang nandun ako kina Therese, at alam niya yun, hindi kaya matagal na niya akong kilala? Na hindi aksidente na tinawagan niya ako dati?"

Hindi agad nakasagot si Bevs, at alam ko kung bakit. Pareho kaming nag-iisip ng mga suspicions namin. Pero hindi ko na rin kasi alam ang dapat kong maramdaman. Kung totoo nga kasi na kilala talaga ako ni Gio noon pa, ibig sabihin nagsinungaling siya noon sa'kin.

Pero imposible eh. Paano niya ako nun natawagan eh kakabili ko lang ng sim card ko noon. Paano niya naman nalaman ang number ko kung ganun?

Ah basta.

Ayoko na lang isipin. Dapat mag-focus na talaga ako sa present. Sa relasyon namin ni Loweill.

Nagpaalam ako kay Bevs na magwa-wash up ako sa comfort room habang hinihintay niya pa rin ang pinsan ko. May nadaanan akong kiosk ng isang sikat na donut shop, at laking gulat ko sa nakita ko. Nakaupo roon si Therese sa isa sa mga tables katabi ang isang lalaki na pamilyar sa akin. Bahagya akong natigilan nang makita ko silang masayang nagkukwentuhan, habang magka-holding hands pa. Nakita ako ni Therese at natigilan rin siya.

The Scent of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon