Forty Eight

53 4 6
                                    

One Million Dollar Question

"Ganyang-ganyan din ang napasukan kong sitwasyon noon, Ate, kaya naiintindihan kita," mahabang sabi sa'kin ni Benjo pagkabalik namin sa apartment namin. Back to reality na kasi ulit kami ngayon. Balik na ako sa pagtuturo habang balik na sa pag-aaral si Benjo at ang mga alipores niya. "Bakit kasi hindi ka na lang makipagbalikan kay Kuya Gio? Eh alam naman nating lahat na mahal mo pa siya."

Muntik ko nang maibuga sa kanya ang iniinom kong Milo. "Hindi ganun kadaling mamili, Benjo at alam mo dapat yun."

Napakamot siya sa ulo niya habang nakatingin sa'kin na parang isa akong kaawa-awang nilalang. "Kaya nga dapat pinakikinggan mo ang mga sasabihin ko, Ate. Kasi expert ako sa mga ganito."

Natawa ako nang mahina. "Oo nga naman. Sa dami ba naman ng mga pinagsabay-sabay mong mga babae, talagang maning-mani lang sa'yo itong pinagdadaanan ko."

"Kaya nga!"

"At proud ka pa talaga ha?"

Siya naman ang natawa sa'kin. "Sinabi ko bang proud ako dun, Ate? Eh dahil nga sa mga kalokohan ko dati nabansagan akong man slut sa school."

"Bakit, hindi pa ba?" Pang-aasar ko pa.

"OA naman kasi na parang lalaking pokpok na ang turing sa'kin ng iba. Oo naging babaero ako pero takot ako sa STD, Ate."

"Tama na nga! Too much information na, Benjo!" Natatawa pa rin siya kaya pinandilatan ko siya.

"Chill ka lang, Ate," aniya kasabay nang malakas na tawa. "Ang sinasabi ko lang naman, wag mong isipin na kasalanan mo kung bakit naging ganyan ang nangyari sa love life mo, Ate. Alam natin na sa tingin ng iba, parang ang landi mo dahil sa dala-dalawa ang lalaking nahuhumaling sa'yo pero alam mo naman sa sarili mo na hindi mo intensyon ang manakit ng tao."

"Nakaka-guilty pa rin eh."

"Ganun talaga. Bawat bagay na gagawin natin, may repercussions yan. Parang kay Kuya Gio. Sumali siya sa drug syndicate, at ano ang naging bunga nun sa kanya di ba? Ang sabi niya, dahil dun, nawala ang bagay na gusto niyang pakaingatan sa buong buhay niya. At ikaw yun."

Napatingin ako nang masama sa kapatid ko. "Sinabi niya ba talaga yun? O nagiging creative ka lang na naman?"

"Sinabi niya yun sa'kin."

Napahinga ako nang malalim dun. "Grabe talaga ang lalaking yun."

"Talaga!" Dagdag ni Benjo kahit hindi na kailangan. "Sobrang mahal ka ng tao, Ate. Kung siya ang pipiliin mo, magiging panatag ako na mapupunta ka sa taong aalagaan ka at mamahalin ka habang buhay."

Tumango-tango ako. "Ramdam ko naman yun."

"Kaso nag-aalala ka sa magiging feelings ni Kuya Loweill?" Tanong niya.

"Sa maniwala ka't sa hindi, Benjo, minahal ko rin talaga si Loweill. Hindi lang naman siya naging panakip-butas lang sa love life ko."

"I know, Ate. Sabi ko nga sa'yo di ba, nanggaling na ako sa ganyang sitwasyon. Alam kong mahal mo rin si Kuya Loweill, kaya nga hindi ako kumontra nang maging kayo, di ba? Ang hindi ko pinaniniwalaan ay kapag sinabi mong magkapantay ang pagmamahal mo sa kanilang dalawa, dahil hindi yun totoo. Tama ako di ba? Dahil hindi mo naman sila minahal sa parehong paraan. Siguro naman, mas nakalalamang ang isa sa kanila di ba?"

Napaisip ako sa mga tinuran ng kapatid ko. "Tama ka dun pero hindi naman parang ingredients sa paggawa ng cake ang feelings ko na pwede kong sukatin yun tapos kaboom! Malalaman ko na kung kanino mas marami ang pagmamahal ko. Ang mahirap sa feelings, intangible ito kaya wala kang ibang basehan kundi pakiramdaman ang sarili mo. At hindi naman sa lahat ng pagkakataon, accurate ang feelings natin. Kaya natatakot ako na magdesisyon."

The Scent of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon