More Like You
Si Rud John 'yung pinsan kong echoserong frog, 'yung mahilig mangialam sa buhay ko at kung ano'ng ginagawa ko. Kapag may lakad ako madalas nagtatanong siya kung malaki ba ang magagastos ko at pagsasabihan akong magtipid. Siya rin 'yung pinsan kong nakikitulog na nga lang sa apartment ko eh andami pang masasabing kung ano-ano tungkol sa akin. Classmate ko din siya ng high school kaya siya lagi ang bantay ko noon kapag may lakwatsa ako noon with my friends. Palagi ding malaking issue sa kanya na wala pa akong nagiging boyfriend at isang beses nga pinamigay niya ang phone number ko sa lahat ng lalaking katrabaho niya. At kahit asar na asar na ako sa kanya hindi siya natitinag at marami pa siyang gagawin na ikinaiinis ko. I used to think na isa siya sa mga sumpang ibinigay sa'kin ng universe upang hindi ako masyadong sumaya.
Tulad ngayon. Itong pagsulpot niya, napaka-wrong timing at alam kong mamaya lang eh alam na ng pamilya ko sa probinsya na may kasama akong lalaki dito sa bahay.
"Sino siya, Elle Jean? Boyfriend mo?"
Buti na lang nalunok ko na 'yung kinakain ko dahil kung hindi ay baka naibuga ko na yun sa kanya. Nakatingin si Rud John kay Gio at itong si Gio naman, ngumiti sa pinsan ko at niyaya niya pa itong saluhan kaming kumain.
"Ba't ka nandito?" Pag-iiba ko ng usapan sa kanya. "Akala ko ba ayaw mo na rito?"
Naupo sa mesa si Rud John at agad kumuha ng pagkain. "Ito naman, dinamdam mo pala yun? Inaasar lang kita nun."
"Eh bakit ka nga nandito? Wala ka bang pasok?"
"Wala. Galing kaming Team Building sa Bataan, eh mas malapit rito kesa sa boarding house ko kaya dito na ako dumiretso. Nakakapagod kasi eh. Gusto ko na talagang makapagpahinga."
"Ano bang tingin mo rito sa apartment ko, resort? Condo? At tsaka dapat man lang eh nagti-text ka, para hindi mo ginugulat ang beauty ko. Tsaka hindi sana ako nagpaluto nang marami kung alam kong darating ka para gumastos ka naman kapag nandito ka."
Natawa lang ang mokong, habang si Gio ay walang imik at halatang nao-OP sa aming magpinsan.
"Eh ikaw bro, ano nga palang pangalan mo? Tsaka paano mo nga pala nakilala itong pinsan ko? Siya ba ang unang nagbigay ng motibo? O baka naman pinikot ka nito? Teka, baka naman ginagayuma ka nitong si Elle Jean hindi mo lang alam?"
Natawa dun si Gio. "Magpinsan nga kayo."
"Hoy, magpinsan lang kami. Pero hanggang dun lang yun. Period."
"Wow Elle Jean, kinakatwa mo ba ako?"
"Oo, kasi mauubos na naman agad ang laman ng ref ko ngayon, sigurado ako dahil nandito ka..."
"Grabe ka naman. O sige na nga, mag-iiwan ako sa'yo ng pera bago ako umuwi sa boarding house ko. Nakakahiya naman dito kay... Ano nga palang pangalan mo, Pre?"
"Gio."
"Ah, Gio. Buti nagagawa mong matiis itong pinsan ko. Medyo baliw kasi 'yan---"
"Ah, hindi naman kasi---"
"Teka, dito ka ba natulog? Kasi mukhang bagong gising lang kayo eh..."
"Eh ano naman kung dito siya natulog," sabi ko na para matigil si Rud John sa kakadakdak ng kung ano-ano. "Apartment ko naman 'to at pwedeng matulog rito ang mga taong gusto kong matulog rito."
Napanganga dun si Rud John, na umakting pang gulat na gulat. "So nagli-live in na kayo?"
"Hindi---"
"Elle Jean alam na ba ito ng pamilya mo?"
"Hindi kami nagli-live in kaya wala akong dapat sabihin sa pamilya ko," sagot kong nagtitimpi na lang talaga. "May nangyari lang kaya dito siya natulog---"