Thirteen

145 7 3
                                    

The Truth and the Lies



Ang hirap pa lang maging bida sa isang horror movie no? Kasi hindi ako sure kung tatagal ako ng ilang minuto kung ako 'yung nasa isang nakakashokot na pelikula, feeling ko unang scene pa lang na may panggulat na bongga eh magpa-pass out na 'ko.

Eto pa nga lang na may tumatawag sa'kin na isang tao na supposedly ay patay na ay halos mawalan na ako ng ulirat at nagpabilis ng kabog ng dibdib ko eh, 'yung Kris Aquino-level movies pa kaya? Wag na uy.

"Elle Jean? Andiyan ka pa ba?"

Bumalik ako sa katawang lupa ko nang marinig ko ang boses sa kabilang linya. Pakshet, pinakbet, bagnet! Kausap ko ngayon si PJ, na dapat ay patay na! Waah! Minumulto niya ba talaga ako? Galit ba siya sa'kin dahil pinatira ko sa apartment ko si Gio? O baka naman may gusto lang manakot sa'kin? Lord, utang na loob iligtas niyo po ako!

"Elle Jean, are you still there?"

"H-Ha? Ah eh..."

"Bakit natatakot ka? May problema ba?" Tanong pa nito na parang normal lang talagang may multong tumatawag sa isang gorgeous na dalaga.

"Eh kasi...kasi..."

"Kasi?"

"Kasi tinatakot mo 'ko!" Reklamo ko na sa kanya na kinakabahan. Lumayo-layo pa ako mula kay Gio para hindi niya marinig na parang napa-praning na ako. "Bakit ka ba tumatawag? Ha? Ano 'to, may cellsite din ba diyan sa kabilang buhay ang Globe at Smart kaya nakakatawag ka pa?"

Hindi siya dun sumagot, kaya nagpatuloy na lang ako sa paglilitanya ko para mawala 'yung takot ko. "Patay ka na, PJ! Hindi ka na dapat nagsasalita, o tumatawag for freakin out loud! My God napapa-English na naman tuloy ako! Hindi kasi ako matatakutin PJ pero kung ganitong minumulto mo ako nang ganito, aba baka sa mental na ang uwi ko nito pagkatapos! At wala ka pang pinipiling oras ng pagmumulto mo. Tirik na tirik pa ang araw, hindi ba dapat mamayang gabi ka pa magmumulto sa'kin kapag pinatay ko na lahat ng ilaw sa bahay?"

Hiningal ako dun sa pinagsasabi ko, at narinig kong bahagyang tumawa si PJ. Oh my gosh ayan na ang evil laugh niya!

"Alam mo na pala na patay na ako," sagot niya.

Naloka ako dun. "O eh bakit sumasagot ka pa kung patay ka na? Bakit mo ako minumulto ha, PJ? May nagawa ba ako sa'yong kasalanan?"

"Wala naman."

"Eh bakit ka nagpaparamdam? Bakit ka nagpapakita? Magpahinga ka na! Tama na itong pagliliwaliw mo dito sa mundong ibabaw at bumalik ka na sa piling ni Lord!"

"Gusto nga kasi kita."

Napanganga ako dun. Nag-stop rin yata ang brain activities ko dahil sa sinabi niya. Ano raw? Gusto niya ako? Gusto niya akong ano? Multuhin? Patayin? Dalhin sa hukay? Nakakashokot na talaga! Hindi ko na kinakaya!

"Nagulat lang ako na hindi na kita mahanap sa Facebook. Naka-blocked ba ako sa'yo? Kaya tinawagan na kita, kasi di ba nga magkikita pa dapat tayo?"

"Ang tanong, nakikita ka rin ba ng ibang tao? O may third eye lang talaga ako?" Hirit ko.

Narinig ko siyang tumawa. "Makikita ako ng iba kung gusto kong magpakita. Lalo na sa'yo."

Nanindig na ang balahibo ko dun sa tinuran niya. Pakshet! Isa nga talaga siyang multo?

"PJ, please, lubayan mo na ako okay? Hindi ka na nakakatuwa... Alam mo crush kita dahil yummy ka, pero ayoko namang magkaroon ng boyfriend na ako lang ang nakakakita! Maaga akong mamamatay nito mula sa atake sa puso galing sa'yo!"

The Scent of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon