Forty

48 5 2
                                    

To Tell You the Truth

Natakot ako sa naging reaction ni Gio. Pagkatapos ko kasing magkwento, hindi na siya umimik. Sa bintana ng bus na lang siya nakatingin. Hindi ko naman magawang magsalita pa ulit dahil unang-una, duwag ako. Pangalawa, ayokong dito niya ako sumbatan. Yung itsura niya kasi ngayon, parang pinaghalong naipong hinanakit at galit ang nakaukit sa mukha niya kaya feeling ko kapag kinausap ko siya ngayon, baka sigawan niya na lang ako bigla.

Pero dahil hindi na nga ako nagsalita pa, tiniis ko na lang 'yung agony habang nasa biyahe pa kami. Pero para akong pinapatay sa silent treatment niyang ito. Kung ano-ano na nga ang pumasok sa isip ko eh. Na baka saktan niya ako, pagsalitaan nang masasakit na mga salita o baka hindi na niya ako kausapin kailanman. Iniisip ko pa lang na isa sa mga 'yun nga ang gagawin niya sa'kin kumikirot na ang puso ko.

Kailangan kong magpakatatag, paulit-ulit ko iyong sinabi sa utak ko. Ang mahalaga nasabi ko na ang matagal ko nang gustong sabihin sa kanya. Dapat nakakahinga na ako ngayon nang maluwag. Dapat masaya na ako, kasi sabi nga nila di ba? The truth will set you free.

Nang dumating na kami sa bus terminal sa Pasay, akala ko tuloy-tuloy na ang hindi pamamansin ni Gio sa'kin. Pero pagkababa ko lang ng bus, kaagad niya akong hinila pasakay ng isang multicab na ang alam ko ay papuntang MOA. "S-San tayo pupunta?"

"Mag-uusap tayo." Nasa super serious mode ang pagkasagot niyang yun sa'kin kaya alam ko na na eto na yun.

The moment of truth.

The final judgement.

Malalaman ko na kung ano ang magiging impact ng mga sinabi ko sa aming dalawa ngayon ni Gio. Dati pa, noong ini-imagine ko pa lang ang scenario na 'to, sinasabi ko sa sarili ko na dapat magpaka-mature ako sa magiging reaction ni Gio. Na kailangan ko rin siyang intindihin, kung ano man ang sasabihin niya o gagawin. At sa tingin ko, macha-challenge ang katatagan ko sa kanya.

Pagdating namin sa mall, dumiretso kami sa Hypermarket kung saan may counter sa mga bagahe. Dineposit namin dun ang mga dala naming gamit tapos dumiretso na agad kami sa pila sa sinehan. Inutusan niya akong pumili ng kung ano sa tingin ko ang pinaka-boring na movie habang bumibili naman siya ng snacks. Tahimik lang ulit siya hanggang sa makaupo na kami sa bandang may likod. Dahil nga 'yung pinaka-boring na pelikula ang pinili kong panoorin namin, konti lang ang tao sa loob. I think mga sampu lang kami lahat na nanonood, pero hindi ako sure dahil madilim naman ang paligid. Ni hindi ko nga rin alam kung tungkol saan ba ang movie na papanoorin namin, basta based sa poster nito sa labas parang romantic drama ito.

Walang gumagalaw sa hawak kong popcorn sa lap ko, at pareho kaming sa screen lang ng sinehan nakatingin. Nagsisimula na ang pelikula, pero hindi pa rin nagsasalita si Gio. Lalo tuloy akong kinabahan.

Biglang tumunog ang phone ko kaya nagkumahog pa akong kunin ito mula sa bulsa ng pants ko. Si Loweill ang nag-text. Tinatanong ako kung nasaan na raw kami. So alam niyang kasama ko pa rin si Gio. Nag-reply na lang ako na nagbibiyahe pa rin kami.

"Boyfriend mo ba yan?" Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Gio. Malumanay lang ang boses niya pero halata naman na kinokontrol niya ang sarili niya. Sa big screen pa rin siya nakatingin.

"Ah...oo..." nauutal na sagot ko naman. "Nagtatanong lang siya kung asan na raw ba tayo."

"Sinabi mo ba kung nasaan tayo ngayon?"

Hindi ko gets kung bakit ganun ang follow-up question niya pero sinagot ko na rin. "Hindi eh. Ang sabi ko nasa biyahe pa rin tayo."

"Why not tell him the truth, Elle Jean?"

The Scent of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon