Forty Five

58 4 5
                                    

Too Good to be True


Just like that, natapos na ang kung ano mang namamagitan sa'min ni Gio. Umalis na siya sa dating bahay ni Doc Clarissah, at nag-resign na rin daw siya sa trabaho nito sa kumpanya nila Therese, according to Bevs. Ang sabi ni Benjo, nagsabi rin daw ito sa kanya na hindi aalis na ito sa binuo nilang banda. Kaya may tampo rin sa kanya ang kapatid ko.

"Kakabuo nga lang namin, tapos aalis na siya agad? Ano ba naman yun?" Nakangusong reklamo ni Benjo sa'kin habang kumakain kami.

"Correction, matagal na ang Thug Prince. Ni-revive lang nila," sabi ko na mas lalo lang nagpainis kay Benjo.

"Yun na rin yun. Ang unfair lang. Kahit sina Kuya Juel at Kuya Vicjo, nagalit sa ginawa niya. Wala naman kasi dapat iwanan."

"Magugulat ka Benjo, pero mas madaling mang-iwan kesa sa manatili."

"Wow Ate. Based on experience?" Balik niya naman.

"Ganun na nga. Kaya 'wag ka nang ngumawa diyan. It's not the end of the world."

"Hindi nga end of the world, pero baka maging end of our friendship na rin kapag nagkataon. Kung bakit ba kasi affected pa yun sa'yo? Martir talaga yun."

Natameme ako dun at hindi na umimik. Tinapos ko na lang ang pagkain ko at pinilit kong pasiglahin ang sarili ko. Mamayang gabi na kasi kami pupunta ni Loweill sa birthday celebration ng Mommy niya. Pero imbes na makaramdam ako ng kaba o excitement, parang namamanhid lang ako ngayon.

Siguro kasi masyado talaga akong naging affected sa mga sinabi ni Gio.

Totoo kaya yun? Na titigil na siya? Na sumusuko na siya?

Hindi niya ba talaga kayang maghintay hanggang sa makapag-usap kami nang maayos ni Loweill?

Kasalanan ko ba 'to? Dapat ba pumili na ako agad sa kanilang dalawa?

Dahil sa ginawa ni Gio, mukhang hindi niya pa rin naiintindihan kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon. Akala niya ba madali lang ang gagawin kong desisyon? Mahirap bang maghintay? At saka bakit ba ipinagpipilitan niyang si Loweill na nga ang pipiliin ko? Paano niya naman naisip yun, eh ako nga, hindi ko pa talaga alam kung sino sa kanila ang pipiliin ko? Bakit ba ang unfair niya?

Gusto niya ba akong makonsensiya? Gusto niya ba akong ma-guilty? Sinusubukan niya ba kung hahabulin ko siya or what?

I know mahirap talaga ang sitwasyon niya, lalo na't sa mga mata niya ay isang malaking sign na hindi ko pa rin hinihiwalayan si Loweill na yun na rin ang magiging desisyon ko. Alam ko na masyado nang matagal ang paghihintay niya pero hindi naman pwedeng kung kailan niya gusto ay doon ako pipili sa pagitan nila ni Gio.

Wala tuloy ako sa mood. Sinundo ako ni Loweill noong lunch time at nagbiyahe na kami papunta sa farm ng pamilya nila kung saan gaganapin ang birthday celebration ng Mommy niya. Hindi ko na talaga maintindihan kung bakit imbes na kabahan ako dahil nga sa makakasalamuha ko na naman ang pamilya ni Loweill, ay wala na akong maramdaman.

Ganito ba ang maging manhid?

O pagod lang ba ako sa rollercoaster ng mga emotions na naramdaman ko nitong mga nakaraang araw?

Hindi ko na alam.

Kung hindi ko pa naramdaman ang mga malamig na kamay ni Loweill, hindi pa ako magigising sa trance na kinahulugan ko. "Hey, are you okay? Kinakabahan ka ba?" Tanong niya habang nakatigil ang sasakyan sa may toll gate, naghihintay na kami sa pagbabayad. "You know that my family is not against you, right?"

"Ah eh...oo." Pero napaisip din ako na iba 'yung hindi sila tutol sa boto sila sa'kin. Nai-intimidate pa rin ako sa kanila, especially his Mom. Feeling ko kasi sinu-supervise niya ako tapos ichi-chismis niya sa mga kumare niya ang observations niya sa'kin. Ganun siya kung tingnan ako. Although I know na mabait talaga ang Mommy ni Loweill at ako lang itong paranoid. But still, hindi ko maiwasang maramdamang hindi ako belong sa mundo nila in a way.

The Scent of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon