Braver
Kilig.
Ayon sa nabasa ko sa Internet kamakailan lang, wala raw exact equivalent ang salitang kilig sa ibang lenggawahe. Siguro kasi mahirap nga naman itong maipaliwanag, kaya mahirap din itong hanapan ng mga salitang makakapag-describe dito.
Tulad ko ngayon, hindi ko maipaliwanag ang kilig na nararamdaman ko habang magkatitigan kami ni Gio. At kahit na umalis na ang bus na sinasakyan niya at malayo na siya sa'kin ay kilig na kilig pa rin ako habang pinagmamasdan ang bus niya na lumayo nang lumayo sa akin. Watdaef, naging makata pa yata ako dahil dito kay Giong Pilay! Omg! Talaga bang in love na ako sa injured boy na yun? Is this it na nga ba?
Pero naputol ang imagination ko dahil nag-ring agad ang phone ko at nang makita kong si Gio ang tumatawag ay muntik pa akong mapatili sa gulat na may kasamang kilig. Gusto kong sagutin 'yung tawag niya pero may side din sa gorgeous self ko na gustong isnobin yun dahil nahihiya ako sa sasabihin niya. Baka tuksuhin kasi ako ng lalaking yun! Mahirap na!
At dahil sa pagdadalawang-isip ko ay nakailang ring muna siya bago ako magdesisyon na sagutin yun. Ang lakas pa ng kabog ng dibdib ko nang pindutin ko 'yung answer button.
"Elle Jean."
Halos muntikan na akong mapaubo nang marinig ko ang boses niya. Kahit pangalan ko lang naman ang binanggit niya ay may kilig akong naramdaman doon, dahil nga sa pinagsasabi niya kanina dito. My gosh Elle Jean, nakakahiya ka! Talagang sinabi mo yun kay Giong Pilay? Hindi lang lalaki ang ulo nun, aasarin ka pa nun!
"Elle Jean."
"G-Gio."
"I know what you meant by that," dagdag pa nito at alam kong nakangiti ang mokong ngayon kahit hindi niya nakikita ang mukha nito ngayon.
Pero desidido akong umiwas sa pang-aasar niya kaya gusto kong i-deny 'yung tinutumbok niya. "A-Anong pinagsasabi mo diyan?" Maang-maangan ko pa. "Para kang baliw."
"Huwag mo nang i-deny pa, Ate soulmate. Alam mo kung ano ang tinutukoy ko..." sagot naman ng kausap niya na tunog masaya. "Ikaw ah. Kelan mo pa ako gusto?"
Ang bilis na ng tibok ng puso ko doon sa tanong ni Gio. Shet, ang hirap pala nito! Ano nang gagawin ko? Aamin ba ako o gagawa na lang ako ng palusot? Hindi pwede ito! Ayokong mapahiya!
"At sino n-naman ang nagsabi sa'yong ikaw ang gusto ko? H-Hindi ikaw ang tinutukoy ko!"
Sandaling natahimik si Gio sa kabilang linya, bago ako makarinig ng isang mahinang tawa mula sa kanya. "Hindi mo ako malilinlang, Elle Jean. Alam kong ako yun. Fried chicken at cheeseburger? Ah. Mula ngayon magiging favorite ko na rin yata ang fastfood tulad mo."
"Hindi nga ikaw yun sabi!" Giit ko naman kahit pulang-pula na ang mukha ko. Bakit ba ang shunga mo, Elle Jean? Nakalimutan mong matalino 'yang si Giong Pilay! Tiyak maaalala niya 'yung nangyaring yun sa inyong dalawa dahil yun 'yung time na pinilay mo siya! Malamang memorable yun sa kanya! What were you thinking?
Pero habang tanggi naman ako nang tanggi kay Gio ay parang mas ikinatutuwa niya lang iyon. Siguro kasi confident talaga siya sa sarili niyang siya 'yung tinutukoy ko tungkol dun sa amoy ng pag-ibig echos ko kanina.
"Sige nga, kung hindi ako yun, sino yun?" Nanunuksong hamon niya. "Sino pa ang natapunan mo ng pritong manok at cheeseburger sa polo shirt niya dahil binangga mo siya gamit ang bisekleta niyang nirentahan niya?"
Parang gusto ko na tuloy kainin ng lupa ngayon. "I told you, hindi ikaw yun, Gio! Never! Hindi lang ikaw ang lalaking connected sa akin sa pamamagitan ng fastfood no! Alam mo bang may tao akong crush na crush dati pa kasi binigyan niya ako ng cheeseburger noon? Siya ang tinutukoy ko! Ang first love ko!" Halos sumisigaw na ako sa telepono ko dun sa pinagsasabi ko kay Gio. Medyo totoo naman 'yung sinabi ko, pero mas marami nga lang ang echos, dahil ayoko lang talagang umamin kay Gio ngayon. Isa kasi 'yong malaking pagkakamali! Baka hindi ako seryosohin ng gago!