Thirty Seven

56 3 0
                                    

Dead on the Spot

"Elle Jean!" Paulit-ulit ang pagtawag ni Gio sa pangalan ko sa labas ng gate. Sigurado akong nabubulabog na ang mga kapitbahay namin at kung hindi lang talaga dahil sa sitwasyon namin, kanina ko pa nilabas si Gio. "Elle Jean! Alam kong nandiyan ka! Mag-usap tayo please!"

Umiyak na lang ako nang umiyak. Kanina pa kasi napupunit ang puso ko dahil sa ginagawa kong 'to kay Gio. May parte ng utak ko ang nagsasabing lumabas na ako at mag-sorry sa kanya. Magpaliwanag kung bakit hindi ako nagpakita sa kanya kanina. Pero natatakot talaga ako na baka kapag gawin ko yun, ay yun pa ang ikapahamak niya.

Paano kung may makakita sa'min na mga sindikato tapos isipin nila na nangangaliwa si Gio kay Therese? Ang alam nila ngayon, sila na ni Therese at magkakaanak na nga sila. Paano kung saktan nila si Gio kapag makita nilang may kasama itong ibang babae?

Kaya tinibayan ko na ang loob ko. Hindi ko siya nilabas. Hindi ko siya kinausap. Pinanindigan ko ang desisyon kong pakiramdam ko'y sobrang stupid pero sobrang tama din naman. Hindi malakas ang loob ko para i-risk ang buhay niya o ang buhay ko. Umasa na lang ako sa posibilidad na malulusutan namin ni Gio ang pagsubok na 'to.

"Ate...Ate..." niyuyugyog na pala ako ni Benjo at napatayo ako agad nang ma-realise ko na nakatulog na pala ako dito sa sahig. "Ang drama mo naman. Masyado ka bang heartbroken at naglupasay ka diyan buong gabi?"

Inismiran ko siya. "Kung mang-aalaska ka lang, tigilan mo na ako. Wala ako sa mood at baka masakal kita."

Nawala agad ang ngiti sa mukha ni Benjo. Lumabas na ako ng kwarto at naghilamos ako sa banyo, saka nagtimpla ng kape sa kusina. Sinundan naman ako ni Benjo at dumulog din sa mesa si Nanay. "Nandito 'yung Gio na yun kagabi. Balak pang diyan matulog sa labas at nagpupumilit na makausap ka," bungad sa'kin ni Nanay na nanenermon ang boses. "Kung hindi pa ako nagbanta na ipapapulis ko siya, hindi pa aalis..."

"Ang harsh niyo naman Nay," pagsingit ni Benjo pero natahimik din agad nang panlisikan siya ng mga mata ni Nanay.

"Tumahimik ka diyan kung ayaw mong makatikim sa'kin," banta niya dito. Tapos lumingon na siya ulit sa'kin na halatang galit dahil sa natuklasan niya kagabi. "At ikaw naman Elle Jean, kung hindi pa susugod dito ang lalaking yun, di ko pa malalamang nagkabalikan na pala kayo. Akala ko ba nagkasundo na tayo na lalayo ka kay Gio?"

"S-Sorry po Nay," mahinang sagot ko at alam kong dinig nila kung paano pumiyok ang boses ko dahil naiiyak na naman ako. "M-Mahal ko po si G-Gio eh..."

"May magagawa pa ba ako tungkol diyan?" Singhal niya sa'kin. "Alam mo na boto sana ako sa lalaking yun kung hindi lang siya hinahabol ng batas. Ang gusto ko lang naman ay huwag kang mapahamak, anak."

"Naiintindihan ko po," sumisinghot ko pang sagot. "Sorry po talaga Nanay."

"Alam mo Elle Jean, napagdaanan ko rin naman yan pero anak, bata ka pa naman," sermon niya. "Marami pang mangyayari sa'yo. Marami ka pang makikilalang ibang lalaki. Unahin mo muna ang pag-aaral mo anak."

Tumango na lang ako para hindi na mapunta sa kung saan ang usapang ito dahil fresh na fresh pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pero ang tukmol na si Benjo, talagang nag-dialogue pa. "Eh Ate, bakit pala napasugod dito kagabi si Kuya Gio? Nakipag-break ka na ba sa kanya?" Parang nag-aalala talaga siya kay Gio sa tanong niya.

"Oo nga anak, bakit ba nandito kagabi yun? Hiniwalayan mo na nga ba yun?"

"H-Hindi naman po ganun Nay," sagot kong napaiyak na talaga. "Medyo magulo lang po kami ngayon..."

"Eh anong balak mo? Gusto mo pa bang balikan yun, Elle Jean? Gusto mo bang atakehin na ako sa puso ha?"

"Nay---"

The Scent of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon