Twenty Nine

64 4 0
                                    

Highlight

Bakit ba kasi naimbento ang regrets? Kung sino man nagpauso nun, ang sakit niya sa bangs. Sarap niyang igisa sa kumukulong mantika. O di kaya sana tamaan siya ng kidlat.

Hindi na ako nakipag-usap kay Gio dahil ayoko na talagang balikan ang nakaraan. Choice ko na yun eh. Kung ano man 'yung naging desisyon ko noon, kahit gaano kahirap eh pinanindigan ko na yun. Saka okay na rin naman ang kinahinatnan ko ngayon eh. Kung di lang talaga dahil sa mga sinasabi nitong si Gio, siguro napaka-peaceful na ngayon ng utak ko.

Nakalabas na kami ng SLEX nang magsimulang umulan nang malakas. Sa sobrang lakas, halos zero visibility na sa daan. Kaya napilitang huminto ni Gio sa gilid ng daan. Grabe, super typhoon pa yata ang humahambalos sa kotse ni Gio. Ramdam na ramdam ko pa kasing gumagalaw ang sasakyan dahil sa umiihip na malakas na hangin kaya medyo natatakot na ako.

"Gio, hindi naman tayo mai-stuck dito di ba?" Nag-aalala nang tanong ko. Medyo nanginginig na rin ako sa kaba at lamig. Napansin yun ni Gio at pinatay niya agad 'yung aircon ng kotse niya. "T-Thank you..."

"Sandali lang tayo dito sa gilid ng kalsada," aniya. "Mamaya, maghahanap tayo nang maayos na malilipatan." Tumango na lang ako sa sinabi niya at napapikit. Ang malas-malas ko naman kasi ngayon. Napag-iwanan na nga ako ng mga kapatid ko tapos ngayon naman inabutan pa ako ng bagyo. And take note, kasama ko lang naman ang ex ko. Ayoko ng ganito, parang may nananadya.

Tumahimik na lang ako at nag-cellphone. Yun nga lang, wala namang signal kaya hindi ko rin makokontak sina Ate. Nang mapansin naman ni Gio na humina na 'yung ihip ng hangin, binuhay niya ulit ang makina ng kotse niya at pinaandar ito. Mabagal lang ang patakbo niya dahil malakas pa rin ang buhos ng ulan. Akala ko tuloy-tuloy na ang patakbo niya pero huminto siya nang makakita ng isang inn. Maliit lang ito ngunit wala naman kaming choice. Medyo nabasa pa nga kami nang bumaba kami ng kotse niya. Pero hindi naman ganun kalala dahil tinakpan ni Gio ang ulo ko gamit ang jacket niya pagkababa namin.

Pagkapasok namin sa loob ng inn, agad naming nabasa ang karatula nila sa reception area na isang room na lang ang available kaya nagsabi na ako kay Gio na sa kotse na lang ako pero tiningnan niya ako nang masama. "Hindi ka magiging kumportable dun," aniya. "At ayoko rin doon. Mag-share na lang tayo ng room, Elle Jean. Ngayong gabi lang naman."

"Ayoko!" Giit kong hindi makatingin sa kanya. Kulay kamatis na rin siguro ang buong mukha ko ngayon dahil sa hiya.

Umiling naman siya. "Sa sahig ako matutulog, kung naiilang ka," dagdag niya, tapos bumulong pa siya sa sarili niya na rinig ko naman. "Para namang hindi pa kami nagkasama sa isang kwarto dati... Binilang na nga niya mga nunal ko sa katawan..."

Sa sobrang asar ko sa kanya at sa pakikiayon sa kanya ng panahon, nag-walk out na lang ako at nilibang ang sarili ko habang hinahanda 'yung room namin. Nakita ko naman si Gio na sinusubukang tumawag gamit ang phone niya ngunit base sa mukha niya, parang hindi rin siya makahagilap ng signal.

Hindi ko pa rin siya kinakausap hanggang sa makapasok kami sa nirentahan naming room. Naramdaman niya yatang galit ako sa kanya kaya nagpasya siyang tumambay na lang sa lounge ng inn. Sinamantala ko naman iyon at naligo ako at nagpalit ng kumportableng damit. Nung mga 8 pm na, nahiga na rin ako sa kama ko at sinubukan kong matulog na dahil hindi ko pa rin naman makontak ang pamilya ko sa Quezon.

Kaso hindi ako makatulog kahit ang lamig-lamig na ng panahon. Gising na gising ang diwa ko to the point na parang lumaklak ako ng isang pitsel na kape. Hanggang sa alas onse na ng gabi, hindi pa rin ako inaantok.

The Scent of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon