There's a Price You're Going to Pay
"Its you," ani Therese sa akin na nakaarko pa ang kilay. "Nakakapunta ka pala rito?" Tanong niya pa. Alam kong mina-mock niya ako doon pero hinayaan ko na lang siya. Kinumusta ko pa nga siya kung okay lang ba siya. Gusto ko sana siyang alalayan pero agad na rin siyang tumayo mula sa pagkakatumba tulad ko. Inalalayan siya ng kasama niya na sa tingin ko ay maid niya.
"Therese, kumusta ka na?" Tanong ko na dahil hindi ko maiwasang isipin na mabigat ang pinagdadaanan niya ngayon. Nahuli na nga ang parents niya, nawala pa si PJ. I'm sure hindi madali sa kanya ang mga nangyari.
"Really? Tinatanong mo ako niyan?" Bigla niyang singhal sa'kin. Dinuro-duro niya pa ako. "Alam mo, this is all your fault."
"Wala akong kasalanan, Therese," sabi ko pero namumutla na ako ngayon.
"Sure ka? Kasi ang alam ko, magmula nung nakilala ka ng dalawa, nagkagulo-gulo na ang mga buhay nila. Kaya pwede? Umalis-alis ka sa harapan ko bago pa kita masakal?"
Doon na sumingit si Loweill sa talakan namin ni Therese. Katabi ko lang naman kasi siya. And base sa pagbuntong-hininga niya, halatang nagtitimpi lang din siya. "Ah Miss, I know guest ka rito pero pwede kumalma ka lang? Kasi tatawag ako ng security kung aawayin mo pa ang kasama ko. Hindi niya naman sinasadyang mabangga ka. At kung may personal issues kayo sa isa't-isa, siguro naman pwede mo munang kimkimin yun?"
Tiningnan naman siya ni Therese mula ulo hanggang paa. Obvious na kinikilatis niya si Loweill kung ka-level niya ba ito o hindi. "And who are you?"
"Apo ako ng may-ari nitong farm," mahinahon na sagot ni Loweill at nakita ko naman na medyo na-tensed doon si Therese. "Ayoko lang ng gulo. At sa tingin ko naman, ayaw mo rin nun. So if you excuse us, pupunta na kami sa mga mangga at mamimitas pa kami."
Hindi na nakapagsalita doon si Therese na nagulat yata na hindi lang kung sino ang kinausap niya. Lumayo na rin kami mula kay sa kanya at ipinagpatuloy ang balak naming gawin.
Yun nga lang, hindi ko na masyadong na-enjoy ang ginagawa namin dahil lumipad na ang isipan ko kay Therese. Kung paano kaya siya nakaka-cope up ngayon, o kung bakit sinisisi niya ako sa isang bagay na siya naman ang pinagmulan. Hindi ko gets, pero naiintindihan ko naman kung saan nanggagaling 'yung galit niya sa'kin. Sabi nila, irrational daw talaga ang mga taong nagluluksa.
Nang matapos ang bakasyon ko, para akong zombie ng ilang araw dahil hindi pa rin ako maka-move on sa mga nangyari, lalo na ng sa amin ni Gio. Kaya hindi na rin nakatiis si Bevs nang dalawin niya ako sa apartment ko. Hindi kasi ako pumasok sa huling subject ko at hinintay pa naman niya raw ako dun.
"Si Gio ba na naman yan?" Untag niya sa'kin. Pinasok na niya ako sa kwarto ko dahil hindi ko nireplayan ang mga texts niya. "Iniiyakan mo pa rin ba siya, Elle Jean?"
Hindi na ako nag-deny. Tumango na ako habang nagpupunas ng mga luha ko. Ang hindi ko sa kanya inamin, ay 'yung napanood ko kaninang tanghali sa tv si Gio habang nagla-lunch ako sa school canteen na kung tawagin ay Regal Diners. Hindi ko kinaya ang napanood ko kaya't umalis na lang ako agad.
Hindi ko kasi kinaya 'yung napanood kong Senate hearing tungkol sa drug syndicate na kinasangkutan nina Gio. Parang whistleblower ang role niya sa hearing na iyon at kung ano-ano na ang tinatanong sa kanya.
"Ano ba talaga ang nangyari, ha Elle Jean?" Usisa sa'kin ng best friend ko. "Kasi ako, wala naman akong alam sa nangyayari sa'yo dun. Tinatanong ko na nga 'yung pinsan mo kung ano ba talaga ang nangyari, kasi hindi na normal 'yung nakikita ko sa'yo bes. Halatang may pinagdadaanan ka."
Napataas naman ang mga kilay ko dun sa part na kinontak niya ang pinsan ko. "May contact ka kay Rud John?"
Pansin ko agad ang pamumula niya sa tanong ko. "Eh ano naman?" Depensa niya. "Hindi nga kasi kita makontak nung nasa inyo ka di ba?"