Eleven

160 9 3
                                    

Role Playing

Halos hindi ako makatulog nung gabing yun sa kakaisip kung uuwi ba ako sa Quezon o hindi. Alam na alam ko naman kasi kung ano ang mangyayari dun kapag umuwi ako. It will be an interrogation like no other.

Mahigpit kasi sa'ming mga anak niya ang Nanay sa mga ganitong sitwasyon. Siguro dahil maagang namatay ang Tatay, kaya sineryoso niya ang dual roles niya bilang nanay at tatay sa aming magkakapatid.

Lahat kami ay pinagbawalan niyang pumasok sa isang relasyon habang nasa high school kami. Bawal magpaligaw, bawal lumabas ng bahay. Siguro kung hindi pa nga kami dito sa Manila nag-aral ni Ate ng college ay baka bawal pa rin akong gumala after class hanggang ngayon. Hindi ko pa nga nakakalimutan kung paanong halos parang isang Hokage ninja kung buntutan ni Nanay ang ate ko noon kahit saan ito magpunta nung unang beses na nagkajowa ito. At kahit si Benjo na lalaki, naku hindi rin yun nakaligtas. Palaging may 'final say' si Nanay tungkol sa mga nagiging girlfriend ni Benjo kahit na puppy love palang yun o fling lang.

At siyempre ako, well, actually sa'kin  siya pinaka-least na nagkaroon ng problema pagdating sa mga relasyon-relasyon na yan dahil obvious ba, nbsb nga ako. Pero todo bantay pa rin naman si Nanay sa'kin, at seryoso, naiintindihan ko naman yun kung bakit siya ganun. It's what parents do, di ba? At least hindi ako naging sakit sa ulo ni Nanay, di tulad ni Benjo na araw-araw daw ay dinadala 'yung jowa niya sa bahay.

Kaya itong pagpapauwi ni Nanay sa akin, ibig sabihin lang nito ay concerned siya dahil sa nabalitaan niya tungkol sa'kin mula kay Rud John. Kung ano man ang ichinismis ng pinsan ko kina Nanay (sinabi ko lang na may boyfriend ka na, Elle Jean, hindi ko pa sinasabing nakitulog na siya dito sa apartment mo!) ay tiyak na nagbigay ito sa kanya ng maling akala.

Kaya no choice din ako kundi ang umuwi, tutal two days na lang naman at sembreak na namin sa school, kumbaga nauna lang akong magbakasyon ng mga two days. Ang hindi ko nga lang ma-imagine ay kung ano'ng mangyayari sa bahay ngayong kasama ko si Gio na uuwi dun. I'm sure talaga iba na ang iisipin nila.

Pero kinabukasan nung umalis kami, mukha pa ngang excited ang gago. Maaga nga siyang nagising at pagbaba ko sa kusina kanina ay nakabihis na siya at hinihintay niya na lang ako.

"Alam mo Gio, bilib na ako sa'yo," komento ko nang bumiyahe na kami papunta sa bus terminal pauwi dahil magko-commute lang naman kami. "Hindi ka man lang natatakot na pupunta ka sa teritoryo ko?"

"Bakit naman ako matatakot?" Sagot niya namang nakangisi. "Aswang ba kayo?"

"Kung aswang ako, nung unang araw palang na nasa bahay kita ay inaswang na kita. Ginutay-gutay ko na sana ang mga lamang-loob mo at inihalo ko na sa pansit..."

"Sus, baka diet ka lang kaya hindi mo ako tinikman," may halong kapilyuhang biro niya na nagpa-blush agad ng magkabilang pisngi ko. "Hmm. Come to think of it... Hindi ba't tinikman mo na nga pala ako? Di ba?"

Hinampas ko siya sa ulo niya sabay kurot sa tagiliran niya. "Hoy! Kung makasabi ka naman ng tinikman! Ano ka, adobo? Yung sinangag mo palang ang natitikman ko sa'yo no!?"

Pagkasabi ko nun alam kong hindi ko dapat sinabi yun dahil biglang nagliwanag ang mga mata niya na para bang naka-jackpot siya dun sa sinabi ko. Umiling-iling siya na parang gago. "Sinasabi ko na nga ba eh. Tsk. Tsk. Hay, Elle Jean... Sinasabi ko na nga ba eh... Sinangag palang ang natitikman ko sa'yo... Bakit may 'palang?' Ibig bang sabihin nun may balak ka pang tikman ako?"

Halos maeskandalo na ako sa mga hirit niya. "Hoy! Wala akong sinasabing ganun! Assuming ka talaga!"

"Pero di ba, sinipsip mo na nga ang leeg ko? Oh wait...bampira ka?"

The Scent of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon