Twenty

113 4 0
                                    

Consequences

"Elle Jean, ano ang gagawin natin?" Tanong ni Gio sa'kin na kinakabahan na rin. Hindi naman kasi pwedeng makita siya nina Benjo dito. Ang alam nila'y hindi na kami nagkikita ng pilay.

"Magtago ka kaya sa cabinet ko?" Suggestion ko naman agad.

"Eh paano kung magtagal sila dito?" Balik-tanong niya naman. May point naman siya kaya nag-isip ako ulit.

"Sa kusina ka muna magtago, tapos labas ka agad kapag umakyat na silang kwarto."

"Sa kusina sila unang pupunta," sagot naman ni Gio. "And besides, look at me Elle Jean. Boxers lang ang suot ko." Dahil sa sinabi niya ay tiningnan ko tuloy siya. Nag-init na naman ang mga pisngi ko. "Ayaw mo naman sigurong may makakitang iba sa mga nunal ko?"

Napa-facepalm ako sa mga hinihirit niya. "Alam mo hindi na kita tutulungan. Sana bugbugin ka nina Benjo."

Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko. "Fuck, ano'ng gagawin ko?" Bulong na niya sa sarili niya nang marinig namin na may kumakatok na sa main door. Sabay pa kaming napalingon doon na parang nasa isang horror movie.

At parang hindi pa ako nakaka-quota sa mga instant surprises, biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang kapatid kong ungas na may dala pang backpack tapos nasa likuran niya ang mga kaibigan niyang sina Edmar B. at Edmar G. Noong una ay hindi na nila kami makita dahil nakapatay na rin naman ang ilaw pero bigla iyong binuksan ni Benjo kaya napasigaw ang tatlo sa gulat nang makita kaming dalawa na nakayuko sa may gilid ng dish cabinet. Tama nga si Gio, dito nga sa kusina unang sumugod ang mga ungas!

"Watda? Ate? Kuya Gio?"

Para akong hinulog sa butas ng kamatayan. Nakatungo lang ako dahil nahihiya na akong tingnan ang kapatid ko.

"Ano'ng ginagawa niyo diyan?"

"Ah eh---"

"Uminom kami ng tubig," sagot agad ni Gio. Heto na naman po siya sa Kalmado School of Acting niya. Hindi niya ba nakikitang parang papatay na si Benjo sa itsura niya ngayon?

"Umiinom ng tubig nang sabay?" Tanong pa ng kapatid ko. I swear 'yung heartbeat ko parang sa isang taong sumali sa isang fun run.

"Oo."

Nagtaas si Benjo ng kilay. "Bakit ka nandito sa apartment ni Ate? At bakit nakahubad ka? Ano'ng ginagawa niyo bago kami dumating?"

"Benjo---"

"Ate be quiet hindi ikaw ang gusto kong sumagot sa tanong ko. Itong lalaking ito ang kinakausap ko," mahabang sabi ni Benjo na nagpatameme sa'kin. Ano itong kalokohan ng siraulong ito? Kailan niya pa natutunang ganyanin ako? Kung makapagsalita 'tong batang 'to akala mo eh mas matanda sa'kin ng ilang taon!

"Ano, hindi ka magsasalita?" May pagbabanta pa sa tono ng boses ni Benjo tapos sabay pang nag-unat-unat ng kanilang mga kamao sina Edmar B. at Edmar G. na parang kanina pang gustong manapak ng tao. "Bakit ka nandito? Di ba wanted ka?"

"Benjo, ang totoo niyan, inosente naman talaga ako. Kailangan ko lang magtago dahil may gustong pumatay sa'kin."

Nagkatinginan ang tatlong kutong lupa. "May gustong pumatay sa'yo? Sino naman? At bakit? Siguro miyembro ka ng isang mafia no?"

"May nalalaman kasi akong isang bagay na ikasisira ng isang prominenteng pamilya kung sasabihin ko ito sa ibang tao. Kaya gusto nila akong ipatumba," sagot pa ni Gio na parang nag-explain lang na ang sunod ng letter A ay letter B.

"Wow, exciting yan ah, parang sa action movies," komento nung Edmar B.

"Pang-Hollywood," dagdag pa ni Edmar G. at bigla na lang silang binatukan sa ulo ni Benjo. Natawa pa ako dahil parang silang tatlo ang pang-Hollywood. Isang kontrabida tapos 'yung mga shunga niyang mga alipores na may dialogue pa talaga.

The Scent of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon