Forty Six

51 5 1
                                    

Really, Really Okay


Nakatulala lang ako kay Gio. Naupo na sila ni Therese sa mga vacant seats sa kaliwa ni Kuya Ahdonis pero nasa akin rin ang tingin niya. Sa paraan niya ng pagtingin sa'kin, mukha namang hindi na siya nagulat na nandito ako. Kabaliktaran ng reaction ko, dahil what the actual f, bakit siya nandito?

Tinitigan ko si Loweill na binabantayan na pala ang expression ng mukha ko. "Usap tayo sa labas?" Bulong niya sa tenga ko and I know why. "Ako na magpapaliwanag."

"Dapat lang," bulong ko naman pabalik sa kanya habang ramdam na ramdam ko ang mga titig ng mga bagong dating. Sabay na kaming tumayo ni Loweill at nag-excuse kami sa mga tao sa mesa. Sa veranda kami nagpunta kung saan ko kanina nakita si Loweill na umiyak.

Napasandal ako sa sementadong harang at tiningnan ko siya na parang ngayon ko lang siya nakita nang maayos. "Kamag-anak niyo si Gio."

"Sorry."

"Explain, Loweill," nagawa ko pang masabi yun sa kabila ng panibagong bugso ng damdamin na nararamdaman ko ngayon. "Paano nangyari yun? Joke ba 'to?"

Umiling siya. "Naaalala mo ba 'yung kwento ko sa'yo kung bakit di pa hinahawakan ni Daddy nang buo itong farm na 'to?" Tentative ang pagkakatanong niya sa'kin nun at alam ko kung bakit. Kinakabahan siya na baka sa pagkakataong ito, hindi ko na siya mapatawad.

"Oo... Ang sabi mo, may nawawalang kapatid ang Daddy mo..." sabi kong nanghuhula na sa sunod na sasabihin niya.

"That's right. I think twenty three years old lang ang kapatid ni Daddy nang hindi na raw nila ito nakita pa. Lumayas daw kasi ito noon. The last thing na alam nila about him, nakapangasawa raw ito ng isang tindera ng gulay sa palengke sa San Pablo."

"Oh my God."

"Hinanap daw nina Lolo at Lola si Uncle Gerardo noong napanaginipan ni Lolo na nasa panganib daw ito. Pero hindi na nila pa nakita ang bunsong anak nila. Sinisisi nila ang mga sarili nila. Magmula nun, naging misyon na ng buong pamilya namin ang malaman ang kung ano man ang nangyari kay Uncle Gerardo."

"Siya ba ang tatay ni Gio?" Tanong ko sa obvious.

"Oo. Pero hindi na namin siya nakita pa. Akala nga namin wala na kaming malalaman tungkol sa kanya pero exactly four years ago, may natanggap kaming information mula sa naging katrabaho noon ni Uncle Gerardo sa pinasukan nitong construction firm. Nagkaanak siya bago siya mamatay sa sakit na pneumonia. Kaya hinanap nina Daddy ang mag-ina ni Uncle Gerardo."

"Nahanap niyo ang Nanay ni Gio?"

Malungkot na umiling sa'kin si Loweill. "Patay na rin siya eh. Namatay siya months after mamatay ni Uncle Gerardo, sabi ng nagbigay ng information sa'min. Kaya sa paghahanap sa naging anak nila ang naging focus namin."

Nakaramdam ako nang sobrang tinding kalungkutan sa mga narinig ko. Gio. Bakit ang lungkot naman ng naging buhay mo?

"Nalaman namin na may kamag-anak ang Nanay ni Gio na dating nagwo-work sa ampunan sa San Pablo. Hindi rin niya kayang buhayin si Gio noon kaya ipinaubaya niya ito sa ampunan."

"Grabe..." naiiyak na namang bulalas ko.

"Kaya pinuntahan namin ang ampunan na yun. Ayon sa records nila, si Gio ang batang hinahanap namin. Si Gio ang anak ng Uncle Gerardo ko."

"At nahanap niyo siya noong mga panahong nasa safe house na siya?" Interesadong tanong ko.

"Oo. Noong una, hindi niya kami pinaniwalaan nang sabihin naming kamag-anak namin siya. Wala nga siyang pakialam eh. Ilang taon din niya kaming hindi pinapansin, kahit na anong pilit nina Lolo at Daddy na sa amin na siya tumira. Mukhang may hinanakit siya sa amin."

The Scent of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon