Nine

170 9 3
                                    

I Want To Clear My Name

(warning, rated spg)


Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong gawin; masyado akong nashokot sa nangyari. Jusko bakit ba nangyayari sa'kin 'to, gusto ko lang namang maranasang magka-love life, at hindi ko naman sinabing dapat rated SPG agad. Hindi tuloy ako makakilos at tinakpan ko agad ang aking not-so-innocent-anymore na mga mata ng aking mga kamay. Shems, anak kasi ng tortang talong bakit ba kailangan kong makita yun di ba feeling ko tuloy na-harass ako dun.

Pero nang ma-realise ko na hindi ako dapat nakaestatwa lang nang ganito ay kumilos na ako papunta sa switch ng ilaw sa tabi ng pinto ng kwarto ko at pinatay ko agad ang ilaw. Pagbalik ng dilim, hesitant pa akong lumapit sa pilay at dahan-dahan kong muling hinubad 'yung isinuot kong shorts sa kanya.

"Letse ka talaga Giong Pilay," reklamo ko habang ginagawa yun. At least dito man lang sa pagrereklamo ko eh nakakabawi ako sa lalaking ito. "Binulabog mo na nga ang buhay ko, ibinabalandra mo pa ngayon 'yang itlog mo. Yucks ka talaga. Kadiri ka."

Muli kong isinuot sa kanya ang kanyang shorts at kahit na madilim na ang paligid ay hindi pa rin ako sa kanya nakatingin. Pero sinuguro ko naman this time na maayos ko na 'yung naisuot sa kanya. At nang matapos ko na yun, muli kong binuksan ang ilaw. Mahimbing pa rin ang tulog niya.

"Therese..."

Nagsalita na naman siya kaya napailing na lang ako. "Sino ba 'yang Therese na yan? Ex mo? My God ha, yun ba ang pinuntahan mo kanina?" Siyempre hindi sumagot ang mokong kaya nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita. "Alam mo Gio, bukas pauuwiin na kita sa kung saang lupalop ka man ng San Pablo, Laguna galing. Di ko na talaga ito keri. Alam mo ba mula nang dumating ka sa gorgeous life ko, nakumpleto ko na 'yung mga letra ng MTRCB sa SPG warning nila. Dapat nga eh nung unang beses kitang nakita eh may umapir sa harap ko na screen tapos sasabihin nila 'yung litanya ng MTRCB nang ganito eh; Ang lalaking ito ay rated SPG. Sobrang Patnubay at Gabay ng Magulang ang kailangan. Maaring naglalaman ito nang maseselang Tema, Lenggwahe, Karahasan, Horror, Sekswal (may peburit, joke) at Droga na hindi angkop sa mga gorgeous na dalaga. Ganern!"

"Therese...bakit..."

"Eh kung tirisin kaya kita!" Singhal ko. Ewan ko ba, bigla akong naasar na paulit-ulit niya pang binabanggit 'yung pangalan ng kung sino man 'yang girlalu na yan. Parang ang sarap hilain nitong si Giong Pilay pababa sa sala at itapon sa basurahan sa labas.

"Ayoko na talagang patirahin ka rito, Giong Pilay. Tama. Paalisin na kita rito. Kasi what if ikaw nga 'yung tinutukoy ni PJ? Eh di baka nga talaga murderer ka o serial killer. Alam kong everyone is innocent until proven guilty pero malay ko ba? Ayokong magbaka-sakali no..."

Napatingin ako kay Gio habang nakahiga ito sa kama ko. Nakasimangot ang mukha nito habang natutulog, at parang nahihirapan pa ito sa buhay niya at may iniinda.

Agad akong naawa at na-guilty. Lord, hindi naman ako mapupunta sa impiyerno di ba kahit paalisin ko sa bahay si Gio habang nilalagnat siya, may pilay sa paa at mukhang naghihingalo na di ba?

Narinig kong tumunog ang phone ko, at nakita kong may message doon. Galing kay Bevs, isang forwarded quote.

Ganito 'yung pinasa niyang quote: 'It's entirely possible to be a kind, loving person who refuses to tolerate bullshit. In fact, it's not only possible, but necessary.

Agad kong tinawagan ang buwisit kong kaibigan. "Hello, Beverlyn Madlangbayan, inaano ka ba!?"

Natawa siya sa kabilang linya, as usual. "Bakit, tinamaan ka?"

"Hindi no! Kebs ko ba!" Pagdi-deny ko. "Pero teka lang, ano'ng paandar mo naman ngayon, Bevs? My God nagfo-forward ka pa ng quotes ngayon sa cellphone? Uso pa ba yan ngayon?"

The Scent of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon