Thirty Three

76 5 1
                                    

Tendencies

Inabot ng apat na araw bago ako kinontak ni Loweill. Ang sabi niya, naging busy siya sa naipong trabaho niya dito sa Pilipinas habang nasa abroad siya kaya hindi niya ako agad natawagan. Alam kong totoo na naging busy siya, pero alam ko ding ginamit niya rin ang mga panahong yun para mag-isip-isip. Alam ko na rin kasi ang ugali niya.

Niyaya niya akong magbakasyon ngayong weekend, pambawi daw niya sa akin. Na-guilty nga ako dahil siya pa talaga ang may ganung gimik. Feeling ko kasi ako dapat ang gumagawa nun, tutal may kasalanan din naman ako. Pumayag na lang ako sa quick vacation na gusto niya. Kailangan ko na rin kasi mag-unwind.

"Saan ba kayo pupunta?" Usisa sa'kin ni Gio. Pinagmamaneho niya na naman ako papasok ng university. Ang dami na ngang co-teachers ko ang nagsasabi na bagay daw kami eh, kahit na alam nilang may boyfriend na ako.

"Balak sana namin doon sa Vigan, kaso kulang sa oras since two days lang naman ang free kami," sagot ko. "Kaya Baguio na lang ulit."

Napalingon siya sa akin dahil sa sinabi ko. "Baguio? Bakit doon?"

"Matagal na rin kasi kaming hindi nakakabalik dun." Tahimik lang si Gio kaya di ko sure kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pagkukwento. Tumikhim siya na parang ayaw na niyang magsalita ako, at agad ko din namang na-realize kung ano ang gusto niyang iparating sa'kin. Pinamulahan ako at tumingin na lang ako sa bintana.

Huminto na pala kami sa tapat ng school. Agad akong bumaba. "Thank you Gio."

Tumango siya. "Maaga ba ang huling class mo?"

"Oo. Bakit?" Kumukunot na ang noo ko dahil pakiramdam ko alam ko na kung saan ito patungo.

Hinawi niya ang buhok niya na parang isa siyang miyembro ng isang sikat na boy band, at kinailangan kong mag-iwas ng tingin sa ginawa niya dahil isa iyong death trap na posibleng magdulot sa'kin ng cardiac arrest. "Hindi ba sinabi ni Benjo sa'yo?"

"Sinabi ang alin?"

"Birthday ni Edmar G. Maliligo daw tayo mamaya sa Pansol. Overnight. Libre lahat ng birthday celebrant.

Itinuro ko ang sarili ko. "Kasama ako?"

"Bakit hindi?"

"Haler? Di ba dapat boys night out niyo na yan? Chance niyo na. Wag niyo na ako isama. Plus, hindi talaga ako sasama dahil maaga ang class ko bukas."

"Hindi ka pwedeng hindi sumama," ani Gio. "Yun ang condition ng Nanay mo. Pwede lang mag-overnight si Benjo kung andun ka."

"Bakit? Legal age na rin naman si Benjo, hindi na siya minor. At saka andun ka na, so hindi na ako kailangan dun."

Natawa si Gio sa sinabi ko. "You have a point, pero yun ang kundisyon ng Nanay mo. Wala ka dun, walang overnight swimming party."

Magkasalubong na ang kilay ko dahil sa kundisyon ni Nanay. Actually totoong ganun siya, kaya hindi na ako nagulat. At may dahilan din naman kasi kung bakit ganun ang gusto niyang mangyari. Ako lang naman kasi ang nakakasaway kay Benjo at sa dalawa nitong alipores. Baka kung ano pang gawing kalokohan ng tatlo kapag wala ako doon. Well, I know for a fact na sasawayin naman sila ni Gio but I highly doubt na makikinig sa kanya ang kapatid ko. Feeling kaedad niya kasi itong si Benjo. Feeling dabarkads.

Kaya no choice na rin ako kundi pumayag. Pero ang sabi ko, isasama ko si Loweill. Umoo naman ito at sinabing magkita na lang daw kami doon. Medyo na-disappoint pa nga ako doon sa reply niya kasi sa text na nga lang, hindi niya pa ako susunduin. Hindi pa kami magsasabay pumunta dun.

Dahil dun, napaka-unenthusiastic ko sa mangyayari. Halos ipagdasal ko pa nga na hindi na matuloy 'yung pa-swimming ni Edmar G. At inisip ko pa ngang hindi na lang talaga ako sumipot doon para naman maramdaman ni Loweill na hindi ako okay sa mga nangyayari sa aming dalawa, pero mukhang huli na para umiskapo dahil kitang-kita ko si Gio na nakaabang sa akin sa may gate.

The Scent of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon