Eighteen

111 5 2
                                    

End Game


"Uy, tapos na ang Undas teh. At malapit nang mag-Christmas break. Libre ngumiti."

"Ikaw kaya ang mawalan ng contact kay Bernard, ngingiti ka pa ba nang bongga Beverlyn Madlangbayan?"

"Actually oo."

"Weh?"

"Break na kami, last night lang."

Napatayo ako sa big reveal ng kaibigan ko. Parang gusto niya pa ngang maiyak eh, pero halatang pinigilan niya agad ang sarili niya.

"Bakit?"

Nagkibit-balikat siya. "Puro na lang kami away. Nagkasawaan, I guess?"

"Kayong dalawa, nagkasawaan?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Sa pagkakatanda ko kasi, hindi ko naman sila nakitang nagsawa sa isa't-isa. Kapag may chance nga eh parang gusto nilang mag-PDA sa kung nasaan man silang dalawa.

"Ano ka ba, Elle Jean. Madalas na kaming magkalabuan nun, hindi mo lang nakikita kasi hindi namin talaga pinapakita sa iba. Pero talagang may problema na kami dati pa."

"Tulad ng?"

"Tulad ng ex niya. Nagkikita pa rin kasi sila at nagkakausap. Siyempre pinagbawalan ko siya na makipagkita dun. Girlfriend niya yun ng five years. Eh hindi niya kaya. Paano, bestfriend din niya, kapitbahay pa. Pakiramdam ko palagi na lang akong nakikipagkumpetinsiya sa babaitang yun. Sumuko na 'ko."

Nalungkot naman ako dun nang bongga. Medyo matagal-tagal na rin kasi sina Bevs at Bernard eh. Akala ko sila na. "I'm sorry to hear that, Bevs," sabi ko sabay yakap sa bff ko. Doon na siya napaiyak at buong araw kaming nag-bonding.

Marami akong nalaman kay Bevs at sa nangyari sa kanila ni Bernard. It turns out, pareho nilang choice na maghiwalay. Si Bernard, nasasakal na daw siya sa pagiging possesive ni Bevs. Hindi niya raw kayang hindi pansinin 'yung ex niyang Sharah ang pangalan. Si Bevs naman, napagod na rin daw siya sa kakaintindi kay Bernard.

Mga 10:00 pm na kami naghiwalay nang gabi dahil sinuguro ko munang okay siya bago ko siya ihatid sa kanila. Kanina kasi parang gusto na niyang mag-breakdown. Siyempre dinamayan ko muna.

Naglakad lang ako pauwi ng apartment ko, dahil gusto kong magmuni-muni. Gusto ko na ring maiyak, pero pinipigilan ko. Hindi ko na nga alam kung para kay Bevs ba ako naiiyak o sa'kin. Sobrang lungkot kasing isipin na, akala mo 'yung taong nagpapasaya sa'yo ay hindi pala ang magiging end game mo. Akala mo wala nang magiging problema, pero bubulagain ka na lang ng realidad na wala na. Tapos na.

Ganun kasi ang ginawa ko kay Gio. Sinusubukan ko siyang kalimutan. Ilang araw na ba mula nang nagdesisyon akong bumitaw na? Hindi ko na rin maalala. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit hindi siya nagpakita. Hinintay ko siya.

"Elle Jean? Umiiyak ka ba?"

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa narinig ko. Pero imbes na mapatahan ako dahil sa nakasalubong kong mga tao, ay mas lalo lang akong napaiyak. Paano ba naman, si Rosema ang nakita ko. Oo, 'yung lesbian na nanligaw sa'kin nung first year ako. At may kaakbay siyang isang sexy na chicks. Lahat yata talaga nagbabago.

Pagdating ko sa bahay, naroon naman si Rud John, nanonood ng tv. Nilagpasan ko lang siya at uminom ako ng tubig sa kusina. Nagtingin-tingin ako ref kung may maluluto ako. Pero wala.

"Sa labas na lang tayo kumain, pinsan. Libre ko."

"Wow. Joke ba yan?"

Napangisi siya. "Hindi ah. Totoong manlilibre ako, bagong sahod naman."

"At ano namang masamang hangin ang umihip sa pagkatao mo para manlibre eh nuknukan ka ng pagkakuripot?"

"Wala lang. Mukhang kailangan mo kasi. Aray! Joke lang!" Napamura pa siya nang mahina dahil sa pagbatok ko sa kanya pero tumawa lang ako. Lumabas din kami agad para kumain sa malapit na Jollibee. Sa Chow King pa sana balak pumunta ni Rud John kaso hinila ko na siya palayo doon.

The Scent of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon