Perfect Moments
Ganun pala ang feeling na makipaghalikan ka nang torrid tapos may tongue pa. My goodness sa lahat ng my goodness, na-shookt yata ako nang bonggang-bongga dun sa nangyaring yun. Ang weird lang dahil sa ikli ng oras na nangyayari yun ay sari-sari naman ang mga emosyon na nararamdaman ko dahil dun.
Nakakakaba.
Nakakabaliw.
Nakashunga.
At...nakakakilig?
Leche lang talaga. Bakit ba nangyayari sa'kin 'to? Dapat naghuhuramentado na ako eh, kasi di ba binigla na nga ako ni Gio, ang dami pang laway at dilang involved sa ginawa niya! Nakakaloka lang talaga!
Magalit ka, Elle Jean! Sampalin mo siya! Sabunutan mo! Gamitan mo ulit ng ipinagbabawal na teknik mo! Hindi pwede yan! Pinapakilig ka na naman niya! Nakakailan na ba 'yang Giong Pilay na yan sa'yo ha? Halos hindi na prumeno 'yang gorgeous mong puso sa kakakabog nang mabilis mula pa nung umuwi kayo sa inyo! Kaya dapat maghiganti ka!
"Elle Jean... Ate soulmate..."
"Ha?"
"Natulala ka na naman. Nagulat ba kita dun?"
"Ah..."
"Uy. Kinakabahan na ako. May problema ba? Galit ka ba?"
"Ha?"
"Bakit kung hindi 'ah' ay 'ha' naman ang sagot mo? Ganun ba kasarap ang halik ko sa'yo Ate soulmate kaya ganun na lang 'yang kilig mo?"
Doon lang ako natauhan tapos bigla ko siyang hinampas sa braso niya. Pero imbes na umiwas, hinayaan niya na lang ako na paghahampasin siya tapos tumatawa lang siya nang wagas.
"Ah ganun ha? Nakakakilig pala ha?" Sabi ko with intense feelings habang dinidiinan ko pa ang mga hampas ko sa kanya na sinamahan ko pa ng mga kurot. "Grabe ka, nantsansing ka talaga! First legit kiss ko yun hinayupak ka talaga, Giong Pilay! Ano ba'ng feeling mo, bida ka sa isang Kdrama na nanghahalik na lang ng babae bigla-bigla? Ha? Bakit oppa ka ba? Oppa ka ba? Oppakan kita diyan eh!"
Pero tawa lang talaga siya nang tawag habang nagsasalita ako. "Bakit sa kdrama lang ba pwedeng mangyari yun?"
"Oo!" Singhal ko. "Oo talaga! Dahil sa totoong buhay kapag nanghalik ka bigla ng babaeng hindi mo naman jowa, pambabastos yun! Violation of rights of women yun! Pagiging manyak yun! Manyak ka ba Gio?"
"Wala naman sa isip ko na bastusin ka. I just did it...because, it was the right moment."
"Moment, my foot. Hoy, wala tayo sa isang romantic movie! Ano'ng moment ba 'yang pinagpipilitan mo ha?"
"Pero kanina kasi Elle Jean, it was the perfect moment to kiss you. Gusto kong mag-apologize sa'yo kung nabastos kita dun pero gusto ko ring malaman mo na hindi ko pinagsisisihan na ginawa kong yun sa'yo. May mga ganun kasi eh. May mga bagay na maaari mo lang gawin kapag dumating na 'yung perfect moment para dito. At para sa'kin, kanina yun."
Hindi ko na alam kung ano ang mas baliw, kung ako ba o 'yung mga pinagsasabi niya. "Eh bakit ka ba kasi nanghahalik?"
Napakunot siya ng noo dun. "Hindi mo alam kung bakit ko ginawa yun?"
"Magtatanong ba ako kung alam ko? Wag mong sabihing binigyan mo lang ako ng demo kung paano nguyain nang tama 'yung bubblegum?"
"Hindi mo talaga alam?" Panunukso niya pa.
"Hindi nga!"
"Pero sinabi ko na, Elle Jean. I like you. I really, really, like you. And I am sure that I am in love with you too."