Pag uwi ko sa bahay nakita kong hinihintay ako ni Daddy at Kuya. Tch alam ko na to eh papa hintuin na naman nya ako sa basketball. Damn! Kahit itakwil nila ako hinding hindi ako mag ku quit! Lalagpasan ko sa sana sila ng tinawag ako ni kuya.
"Peter June"
Pag ganyan ang tawag nya alam kong mainit ang ulo nya. Tch marahil ay nag sumbong na ang daddy nya sa ginawa kong pananagot kay dad. Bumaba ulit ako ng hagdan. At hinarap sila.
"Why?"
"Bakit mo sinagot ng ganun si Daddy kanina?" Salubong na naman ang kilay ni Kuya. Ganito sya lagi pag nag susumbong si Daddy Tch. "Para sayo yung sinabi ni Daddy kanina. Bakit? Pinag mamalaki mo ba yang basketball mo nayan? Mapapakain ba nyan ang magiging pamilya mo? baka nga kahit sarili mo di mo mabubuhay dyan. Sundin mo na lang si daddy."
Tch! Sundin si Daddy?! Parang sinabi na rin nyang mag pakamatay na lang ako. Basketball is my life! Damn it!
"Tapos na ba? Pagod kasi ako kuya gusto ko na sanang mag pahinga." Sabi ko pag katapos tumalikod na ako.. Nagulat na lang ako ng bigla akong sinapak ni kuya. Umawat naman si daddy syempre baka magantihan ko ang paborito nyang anak.
"Bastos ka talaga Peter June!"
"Alam mo ba kung ano ang hinihiling nyu? Para nyu na ring sinabing mag pakamatay na lang ako!"
Hindi ko na talaga napigilan ang sarili kong sumigaw. An sakit pa nung suntok ni Kuya. Tch! "Wag mo akong itulad sayo kuya! para kang robot! Kung ano ang gusto ni dad un ang sinusunod mo! Wala kang sariling paninindigan!"
"bastos kang bata ka ah!" si daddy sabay sapak di sa akin. Tch pinag tutulungan talaga ako ng dalawang to! "Kung ayaw mong sumunod lumayas ka sa pamamahay ko! Tingnan natin kung kaya kang buhayin ng basketball mo na yan! Sigaw ni Daddy.
Nagulat ako sa sinabi ni daddy. Kahit si kuya alam ko na nabigla din
"Dad hindi na natin kelangang pa abutin sa ganito. Anak mo pa rin yan!" Sabi ni Kuya. "Pj c'mon wag mo na kaming suwayin!"
Tumalikod ako at pumunta sa kwarto ko. inilagay ko lahat ng damit ko sa maleta at binibit ito. May condo naman ako. Sarili ko na yun. Ipon ko yun sa pagiging school varsity player. Scholar din naman ako. Yung kotse ko regalo yun ni lolo sakin nung nag 18 ako. Linagpasan ko sila. Bago ako lumabas ng pinto nag salita pa si Daddy.
"Putol na ang allowance mo. Wala ka ng aasahan galing sa amin!"
Nilabas ko ang wallet ko at kinuha yung savings card na bigay nya at ni kuya at iniwan ko yun. Hindi ko maiwasang maawa sa sarili ko. Bakit ba ako nag ka roon ng ganung pamilya? Sh't lang! Dumaan muna ako sa comfort zone ko. Kay mommy sa sementeryo.
"My why do you have to leave me? My pinalayas na nya ako., sana andito kapa mommy.." naiiyak kong sumbong kay mommy.. Kung sana lang andito pa sya.. Pinakalma ko muna ang sarili ko at umalis na din ako. Dumeretcho ako sa Pad ko. Actually last year ko pa to natapos bayaran eh.. Kumpleto na din ito sa gamit.. Eto ung bunga ng sinasabi nilang walang kwentang basketball..
BINABASA MO ANG
Chasing Her
RomanceCOPY RIGHT 2014 - ALL RIGHTS RESERVE! No part of this story, either text or chapter maybe use or re product in any forms or by any means without my permission. thankie.. enjoy reading! lovelove