love ko talaga yung mga stories ni xxakanexx nakaka inspire ;)
Pj POv
Ang hirap talaga ng ganitong pakiramdam. Yung tipong gustong gusto mo syang yakapin at halikan pero alam mong hindi pwede. Kasi umiiwas sya. Ilang araw na nya akong iniiwasan. Ilang araw ko na syang sinusubukang makausap pero sa twing mag kakaron ako ng pag kaka taon laging umiiwas sya. Nasa isang bahay lang kami pero parang di kami mag kakilala. Yung anak namin naman, nakikipag usap nga sa akin pero ayaw namang sumama pag aayain ko na lumabas. Gusto kasama yung mommy at daddy Allein nya. Pano ko ba mababawi ang mag ina ko sa kanya? I heaved a deep sigh
Napa pitlag ako ng may tumapik sa balikat ko. Si Charm
"Problem?" tanong nito.
I smiled bitterly.
"Ang hirap pala Cha. Akala ko ngayong malapit na ako sa kanila mas madali akong makaka bawi sa mga taong lumipas.. Pero mahirap pala." mapait na sabi ko dito.
Kasaluluyan kaming nag la lunch. Charm was my best bud in Canada. We became close nung mga unang linggo ng pag ka matay ni Dev. I was so wasted then. Gustong gusto ko ng umuwi nun pero natatakot ako. She helped me a lot. Shes always there when i need someone to lean on.. Ganun din naman ako sa kanya. Mula ng malaman nya na yung gusto nyang lalaki ay engage na sa iba. Wala syang magawa.
"Tatagan mo pa ang loob mo. Do not expect na sa isang iglap lang eh magiging okay na ang lahat. Kung kinakailangang dagdagan mo pa ang effort mo para s kanila gawin mo. Be a man for them." anito.
Tumayo ako upang yakapin ito. "What would i do without you?"
--
Kim POV
Mula nung nangyari ang insidenteng iyon ay iniwasan ko muna si Pj. I need to lie low. Baka kasi biglang lumambot na naman ako.
"Asshole." napitlag ako ng mag salita si Allein. Mag la lunch kasi kami. Sinundan ko ng tingin ang sanhi ng pag mumura nya. Nakaramdam ako ng pag guhit ng sakit sa dibdib ko. They are too sweet.. Mag kayakap pa sila. Maya maya ay bumalik na ulit sa upuan si Pj.
"Lipat na tayo sa iba at baka maka sapak pa ako ng di oras dito." matigas na sabi ni Allein.
"No. Dito na tayo." i firmly said.
"Kimberly." alam ko na nag pipigil ang tono nya..
"C'mon Gail its fine.." hinawakan ko ang kamay nya.
"Table for two." Ani Allein. Mag kahawak kamay parin kami.
Iginiya kami ng waiter sa tapat ng table nila. Ipinag hila ako ng upuan ni Allein. Ramdam ko na nakatingin sya sa amin.
"what do you want to eat babe?" malambing na tanong ni Allein na alam ko na inaasar lang si Pj.
"Ikaw na ang mag order." sagot ko dito.
"Ok." Sinabi na nito ang mga orders namin.
"By the way babe gusto palang makausap ni mommy si Papa." anito sabay ngisi.
"Hmm? Why daw?" tanong ko dito
"About our wedding." anito.
Nanlaki ang mata ko dito.
Pasimpleng sinipa ako nito sa ilalim ng mesa. Na para bang sinasabi na sakyan ko na lang.
"A--ah eh.. Next month pa ang uwi nila eh." pag sakay ko sa kalokohan nito.
Napalingon kami sa pwesto nila Pj ng malakas nitong ini atras ang upuan upang tumayo.
"Oh. Engr Alvarez. Andito ka pala. Nag mamadali ka ba?" tanong ni Allein.
Nakita ko ang pag kuyom ng kamay ni Pj. Agad naman itong hinawakan nung babae sa balikat.
"Let's go Cha." hinugot nito ang wallet at nag iwan ng pera sa mesa. Tapos ay hinala yung babae paalis.
Nakita ko ang pag ngisi ni Allein.
"Sarap mang asar." anito.
"Ikaw! baliw ka talaga." hinampas ko ito sa braso.
"Aww-- Ang bigat talaga ng kamay mo!" tawa tawang sabi nito. "Effective di ba? Siguradong matay matay un sa selos." tumatawang sabi nito.
BINABASA MO ANG
Chasing Her
RomanceCOPY RIGHT 2014 - ALL RIGHTS RESERVE! No part of this story, either text or chapter maybe use or re product in any forms or by any means without my permission. thankie.. enjoy reading! lovelove