Pj POv
Ipinasok ko ang kotse ko sa grahe ng bahay.. Kakauwi ko lang galing site sa cebu. Sinisigurado ko na maayos at pulido ang trabaho ng staff ko para hindi mag pull out ng kontrata ang KIEL's.. Friday night ngayon dito matutulog ang anak ko..
Alam ko na galit sina Daddy sa akin.. Ramdam ko na di ako welcome dito. Malamig sila sa akin eh.. Naiintindihan ko naman sila.. Ako ang mali. Maling mali.
Pumasok ako sa bahay. Umakyat ako sa taas at sumilip sa kwarto ni Sofie. Mukhang pinapatulog sya ni daddy. May hawak si Daddy na libro eh. Sana magawa ko din yun sa kanya. Sana ako din mayakap nya.Pumasok ako ng tumayo si daddy at halikan sa noo ang anak ko..
"D-dad.." lumingon ito. Pero di nag salita. "P-pasensya na po dun sa nangyari nung isang araw"
Naupo si daddy sa kama ni Sofie.
"Ayos lang yun. Kumain ka na ba?" tanong nito.
"Opo. Ah.. D-dad.."
"8am nagising na si Sofie. be sure na wala kana sa tabi nya by that time.." nakuha nito ang sasabihin ko. "Medyo malikot matulog yan."
"Salamat po Dad.."
"Mag bihis kana." anito.
Tumayo na ito at diretchong lumabas.
Naupo ako sa kama ni Sofie, Ang ganda ganda ng anak ko.Yumuko ako upang halikan sya sa noo.. Ini alarm ko muna ang cellphone ko ng mas maaga sa gising nya. Lumabas muna ako ng room nya at nag linis ng katawan. Bumalik ako sa kwarto nya para dun matulog.
Nagulat ako ng bigla itong umikot at pumatong ang maliit nitong braso sa tyan ko. Ang binti naman nito ay naka daklay sa hita ko.. Eto na ata ang pinakamagandang tulog na makukuha ko mula nung umalis ako ng bansa.
Tumagilid ako ng higa at niyakap sya.. Hinila na din ako ng antok..
Simeon Alvarez Pov
Binuksan ko ang kwarto ng apo ko. Nakakatuwang tingnan ang anak at apo ko.. Sa totoo lang di naman ako galit sa kanya. Nag tatampo siguro.. Oo..
"Dad.." Napalingon ako.
"Ken.. Ginabi ka na,"
Sumilip din ito sa kwarto. "Dumaan ako sa bar. Akala ko makikita ko yan." ang tinutukoy nito ay ang kapatid.
"Kanina pa yan dito."
"Close na sila?"
"I wish so.. Tulog na si Sofie ng dumating sya.. Kaya naka tyempo. Mukhang pagod na pagod. Ang lalim ng tulog."
"Mag wawala yang kulit na yan pag nakita ang katabi."
"Pinapauna ko syang magising.. Tara Son kape tayo."
Isinara ko ang pinto ng kwarto ni Sofie.
Pj POv
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko.
6am pa lang. Pero parang ang haba ng naitulog ko.
Tiningnan ko ang phone ko
Charm Calling...
[Waaah!] awtomatiko kong nailayo ang phone sa tenga ko. Makasigaw talaga itong babaeng ito. Parang living mega phone! [You answered it atlast!]
"Cha its too early.." inaantok na sabi ko dito.
[Wow wow.. Is that you my dear friend? Its already 6am there right? anong nakain mo at tumagal ang tulog mo ngayon?]
Tumayo ako at lumabas ng kwarto ni Sofie..
"I- i have a daughter pala..." muli ay nanginig ang boses ko..
[you what?]
"You heard it right."
[Bat ngayon mo lang sinabi? Nagkita na ba kayo ni Kim?]
"Sorry Charm.."
[Dami mo nang kwento sa akin. oh by the way get me a unit there..]
"Huh? why?"
[Malamang para tirahan.]
"Why? I mean Nino?"
[Haynaku ang slow mo. Syempre ako.. Andyan na ako the day after tomorow.]
"Patay.. nasa Cebu ako nyan. I move mo na ang dating mo ay friday."
[okay. I miss you bogs.]
"I miss you too. take care."
Sinilip ko sa kwarto si Sofie. Tulog pa ito. Kaya nakalapit pa ako dito para halikan sya..
"Sana baby dumating na yung oras na matanggap mo na ako. Mahal na mahal ko kayo ng mommy mo." sabi ko dito..
Tahimik akong lumabas ng kwarto. Tumuloy ako sa sarili kong kwarto at naligo..
Pag baba ko nakita ko na nag aalmusal na si Sofie kasama si kuya.. Pinilit kong ignorahin ang anak ko kahit ang totoo ay gusto kong batiin ito mahirap na baka atakehin na naman..
"Mag almusal kana Pj.. Linda ipagtimpla mo ng kape si Pj."
"Ako na lang kuya. Thanks." mula ng namatay si Dev natuto na akong pag silbihan ang sarili ko. Nang matapos ay tumalikod na ako.
"Malapit ng maluto ang almusal." ani Kuya..
"kape lang ako kuya." tumuloy na akong umalis..
BINABASA MO ANG
Chasing Her
RomanceCOPY RIGHT 2014 - ALL RIGHTS RESERVE! No part of this story, either text or chapter maybe use or re product in any forms or by any means without my permission. thankie.. enjoy reading! lovelove