Pj Pov
Dinala ako ni kuya sa isang pink na kwarto.. May isang queen size bed dun na pink din. Punong puno ang kwarto ng ibat ibang uri ng teddy bears at ibat ibang size ng manika. May mini couch din dun. At isang malaking portrait ng daddy ko at kuya ko na karga si.. ang anak ko. Naluluhang tinitigan ko ito..
"I guess this room would be empty now." walang ka ngiti ngiti ang kuya ko..
Napatingin ako dito..
"Ngayong bumalik ka na baka yung twice a week ni Sofie dito mawala na." Umupo ito sa kama.
"Di ako papayag nun. I'm her father and i have all the right na makasama din sya."
My brother sarcastically chuckled.
"Alam mo bang sa kabila ng pag talikod mo nun sa kanya, prinotektahan pa rin nya kami sa pamilya nya? Sa isang buwan na wala syang malay unti unti kong nakita ang pag bagsak ng kumpanya na pinundar nina lolo." huminga ito ng malalim. "Nawalan ang kumpanya ng mga share holders at investors. Tapos nung nakalabas sya ng hospital, kinausap nya si Jim. Parang sa isang kumpas lang ng kamay nya bumalik ang sigla ng kumpanya.. Kung itatanong mo ang dahilan? Marahil di lang talaga sya masama katulad ng iba. Maayos ang naging pag papalaki sa kanya ng Papa nya. Sa bait nya na yun di ko makuha kung bakit nagawa syang talikuran ng kapatid ko." natawa ulit ito. "Akala ko din nun after na namatay yung twin ni Sofie di na kami magiging part ng buhay ni Sofie na mag pasalamat na lang kami na she saved us from being poor. but then she even used our last name, nakakasama namin sya ever friday and saturday. Sofia Margarett Yap- Alvarez.. but atleast she has our surename diba?"
Tinitigan ko sya. Wala ako ni isang masabi.. Nakaupo lang ako sa couch dun..
"Ninong Ken! Tagal mo naman eh!" tumakbo ito papasok ng kwarto. Sinalubong ko sya at lumuhod ako pa pantay sa kanya.
"Hi Baby.. Im Pj.. Im your daddy.." pakiramdam ko biglang napuno ung kahungkahang nararamdaman ko.
"No. I only have one daddy. its daddy Allein only. i dont like you." anito. Naiiyak ako sa sinasabi ng anak ko. Pilit nya akong itinutulak. "Ni--" bigla itong parang nag habol ng hininga bigla akong napabitaw dito. Napatayo din ang kuya ko.
"Baby!" binuksan nito ang drawer dun at may kinuha. Binuhat din nito si Sofie. "baby," itinapat nito sa bibig ng bata ang inhaler. Yumakap ito sa kuya ko.
"Ninong.. ayaw ko sya.." habol pa rin nito ang hininga. "Ayaw ko sya.."
"Umalis ka muna Pj please." anang kuya ko.
Di ako na kinig dito.
"Okay ka lang baby? Tell daddy.." hinaplos ko ang buhok nito. Mas lalo nitong isinubsob ang mukha sa kuya ko.
"Nih..nong.."
"Get.out.Peter June!" mahina pero madiing sabi ng kuya ko
"No. I won't leave my daughter!" pag mamatigas ko.
"Pucha gusto mo bang patayin ang anak mo?! Di mo ba nakikitang ayaw sayo ni Sofie?" mahina pa rin ang boses nito. "Baby okey kana ba? You still want to go sa mall?"
Tumango ito.
Lumabas na sila sa kwarto.. Nang hihinang napa luhod na lang ako..
Kim Pov
"Kimmy." si Kuya Ken. Karga nito ang natutulog na si Sofie.
"Kuya.." i smiled at nakipag beso sa kanya.. Kinuha ko si Sofie.
"In- asthma yan kanina. Pero okey na yan ngayon."
"Napapadalas na nga ang asthma nya."
"Nakita sya ni Pj kanina." inaasahan ko na yun. buti inamin nya. "Nakita ko kasing lasing na lasing sa bar ko si Pj. Iniuwi ko sya sa bahay. Ayaw na Ayaw talaga ni Sofie sa kanya."

BINABASA MO ANG
Chasing Her
RomanceCOPY RIGHT 2014 - ALL RIGHTS RESERVE! No part of this story, either text or chapter maybe use or re product in any forms or by any means without my permission. thankie.. enjoy reading! lovelove