Kim Pov
Nang mag mulat ulit ako ng mata ay wala na ang mga tubo na nakakabit sa akin.. Di ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Parang unti unti akong pinapatay nito.. Pero i need to be strong. My baby needs to survive.
"How's Allein?" biglang tanong ko kay James..
"Nandito din sya ngayon. Naka confine."
"Bakit? Naaksidente?" tanong ko.
"No." hinaplos nya ang braso ko. Sya ang bantay sa akin. Si Mama pina duty ko na doktor din kase sya. Si Papa at sina Tito Jim pina pasok ko na sa office masyado na silang naabala. Okay na naman ako eh. Lalabas na nga ako bukas.. "Nag suicide attempt." bakas ang awa sa mata nito.. Huminga ito ng malalim. "Hinding hindi ko naisip na--"
"Please James i don't want to hear his name. Tama na." sabi ko. "Could you please bring me to Allein?"
"But why?"
"I just want to talk to him."
Binuhat nya ako para makaupo sa wheel chair. Masakit pa kasi ang mga binti ko. Pero in less than a week pwede na daw ulit ilakad. Dinala nya ako sa kwarto ni Allein.
"Di nyo na dapat ako dinala dito! hinayaan nyo na dapat akong mamatay!" sigaw nito..
Pumasok ako sa kwarto ni Allein. Nakita ko sina Jerwin, Ian at Alex na pinipigilan ang pag wawala ni Allein. Napalingon din sya sa gawi ko. Di pa rin nag babago ang mabasik nyang awra..
"Can we talk?" tanong ko dito. "Boys iwan nyo muna kami."
"But.." tutol ni James.
"I'll be fine." ngumiti ako dito.
Binitawan ng tatlo si Allein at lumabas na.
"Ang gago nila no? Masama ba tayong tao?" tanong nito. Medyo namumula ang mata nito.
"Alam mo bang yan din ang tanong ko? Sa kabila ng kasalanan nya sa akin tinanggap ko pa rin sya. It's ironic lang na pinilit nating maging perfect but still they broke us." sabi ko dito
"Nakakapagod ng mabuhay." anito.
"Wag mong sabihin yan. Muntik na din akong bumitaw. Pero naisip ko pano ang anak ko? Wala man lang syang pag kakataon na mabuhay dito. So kahit mahirap i fought. For my baby. ikaw din you should find a reason to continue on living" nag taka ako sa sarili ko na kaya ko pa palang mag payo ng ganon.
Natawa ito. "Yung dahilan kung bakit gusto kong mabuhay wala na."
"Then you should find another reason. What if bumalik sya tapos mabalitaan nya ito.. Could you just imagine kung ano ang pwede nyang maging reaksyon?"
Hindi ito nag salita.
"I hate them. I just fucking hate them. But you're right i should be better. Para pag bumalik sya iba na ako.. Pipilitin ko ng ibaon sa limot yung pag mamahal ko na sinayang nya. I need to built myself."
Ngumiti ako dito. Umupo sya sa hospital bed at niyakap ako. Nagulat ako pero gumanti naman ako. "Kalain mo yun. Asar na asar ako sayo nung pinapahirapan mo pa ang gagong yun. yun pala.. Dapat lang yun." ngumiti ito pero di umaabot sa mata.. "Friends?" nilahad nito ang kamay.
"Friends." i smiled at him.
After Seven Months..
Nag kusang mag pa rehab si Allein. Di daw nya kasi makontrol ang pag inom ng alak. Pero ngayon na ang labas nya. Kabuwanan ko na din.. Tinulungan namin ni Allein ang isat isa na bumangon mula sa pag ka bigo.. Nga pala im having twins. Girl and Boy..
"Surprise!" napalingon ako sa tinig na yun. Allein was standing at the door. Maaliwalas na ang mukha nito.. Nag pasalamat din ang magulang nito sa akin, dahil ako daw ang umayos ng buhay ng anak nila. Yung daddy at kapatid naman ni Pj okay na din kami. Karapatan din naman kasi ng mga ito na makilala ang baby ko. Tutol si Papa at Mama pero wala na silang nagawa. Sila na din ulit ni Mama. Nakakatawa nga eh. Parehas kaming buntis ni Mama.. two months syang buntis.
"Gail!" napa ngiwi ako ng biglang sumakit ang tyan ko. Nan laki ang mata ko at napatingin ulit ako kay Allein. Pumutok na ang panubigan ko.
"Sue!" napatakbo ito sa akin at inalalayan ako sa pag lalakad. Nag papanic na din ito.
"Wag kang mag panic Gai--Aww"
Dinala nya ako sa hospital. Pumunta na din sina Papa. Cesarian Section ako..
Nakita ko yung baby ko na boy mangasul ngasul ito. Nag alala ako pero hinila na ako ng hilo.
"Where's my twins" tanong ko pag mulat ng mata ko.
Napatayo si Allein..
"Noooo.." i cried again ng malaman ko na namatay yung baby boy ko.. "Papa youre kidding lang diba?"
"im sorry baby.." anito.
Bakit ba nangyayari to? Masama ba akong tao? Iyak lang ako ng iyak.
"Tito ako na po." narinig kong sabi ni Allein.
"Salamat Lein ha?" anang Papa ko.
"Gail.. my baby.. di ko na ata kaya" The unexplainable pain was tearing me inside. Parang pumupunit sa loob ng katawan ko.di ko na talaga alam kung kelan matatapos ang dagok na 'to.
"Sshh. Im just here.." he holds my hand.. "May isa ka pang baby.. at magiging maayos na ang lagay ni Kristian sa heaven.. Bibinyagan na sya para deretcho sya ng heaven. Kelangang mag pakatatag ka para kay Sofia.." Yun ang pangalan ng twins ko Kristian Ezekiel Yap- Alvarez at Sofia Margarett Yap- Alvarez. Oo gagamitin ko ang apelyido nya pero di na ngangahulugan na napatawad o mapapatawad ko pa sya. Inisip ko lang si tito Simeon at kuya Ken they have a right na makilala ang anak ko.
Sa isang banda tama din si Allein. Mas masakit kung makikita ko na unti unting namamatay ang si Kristian.. Hes an angel now alam ko na babantayan nya si Sofie..
"what would i do without you Gail?" lumuluha pa rin ako.
"No. Sue what would i do without you.. Thank you so much for saving me." anito.
Masakit na mawala ang anak ko pero kelangang tanggapin. May isa pa akong anak kaya dapat sya ang pinag tutuunan ko ng pansin. May heart problem din sya pero ma ooperahan naman sya when she reached five..
Unti unti kong itinayo ang sarili ko. Pag hahandaan ko ang araw na bumalik ka. At hintayin mo ang ganti ko..

BINABASA MO ANG
Chasing Her
RomanceCOPY RIGHT 2014 - ALL RIGHTS RESERVE! No part of this story, either text or chapter maybe use or re product in any forms or by any means without my permission. thankie.. enjoy reading! lovelove