Pj Pov
Toronto Canada
Kumusta na kaya si Kim? Kasal na dapat namin ngayon.. Asawa ko na dapat sya.. Tumingin ako sa matataas na bahay sa paligid ng bahay nina Dev. Malalim na din ang gabi.. Siguradong nag kakagulo na dun..
Kim Pov
Tiniis ko na di tawagan si Pj bago ang araw na ito. May maganda akong wedding gift sa kanya. Im three weeks pregnant. Nagulat si Papa nung sabihin ko ito. Wedding na namin.. Pag dating ko sa simbahan marami ng tao. Excited kong binuksan ang pinto ng kotse ko. Pinigilan ako ni Mama.
"Ma.. malapit ng mabura ang make up ko."
"I just cant believe it." she hugged me again.
Maya maya ay lumapit si Papa sa amin. Seryosong seryoso ang mukha nito.
"Wala ang groom mo." anito.
Hindi ko yata narinig ang sinabi nito. Bumaba ako ng bridal car. "Baby.. wala ang Pj na yun! Wala din ang maid of honor mo!" matigas na sabi ni Papa.
Nakakabingi ang lakas ng tibok ng puso ko. Umakyat ako sa hagdan ng simbahan.. Nakita ko sina Jerwin na balisa. Galit na din si James.
Mayamaya ay tumakbo paalis si Allein,mabilis naman itong sinundan ni Ian.. Nag simula na akong maiyak.. Niyakap ako ni James.
"Damn that bastard." galit na usal nito.
"No.. hindi nya magagawa ito.. hindi.." Nag simula na din ang bulungan at alisan ng mga bisita. I sat at the doorstep of the church..
"Baby lets go.. Wala na sya o." ani Papa.
"He always love na i surprise ako Pa. Mahal ako nun and i know dadating sya Papa."
Nakita ko ang pag daan ng galit sa mata ni Papa.
Hinarap ni Tito Jim ang kapatid at daddy ni Pj. Galit na din ito.
"Pag babayaran nyo to."
Pinipilit pa rin nila akong umuwi pero ayaw ko.. Hanggang sa dumaan ang oras na wala parin nag papakitang Pj at Kaye.. Sina Jerwin ay tinanong na pero wala itong alam.
Kaya ba parang kakaiba sya nung huli kaming mag kita? kasi ayaw na nya akong pakasalan? Sana panaginip lang to.. Ibinaon ko ang mukha ko sa palad ko. Naramdaman ko ang pag yakap ni Mama at Papa sa akin.. Hanggang 11pm kami dun. Nag decide na akong umuwi nun.. Nag kulong lang ako sa kwarto ko at umiyak ako ng umiyak. kinatok nila ako pero naging bingi ako.. Iyak lang ako ng iyak.
i hate you so much Pj!
Hanggang sa nakatulog ako suot ang wedding gown ko.
Pag mulat ng mata ko hiniling ko na sana ay panaginip lang ang lahat. Pero pag ka kita ko sa suot ko napaiyak ulit ako..
"Baby.. lets talk." boses yun ng Papa ko. Hindi ko yun pinansin. Tinanggal ko ang suot kong gown at nag simulang maligo. Sana ay madala ng tubig ang matinding sakit na ito.Iyak pa rin ako ng iyak sa loob ng c.r. Sobrang sakit. Nag matapos akong maligo ay nag handa na ako para pumasok.. Kelangan ko ng ibang iniisip.
Pag labas ko ng kwarto ko nakita ko si Papa at si Mama sa labas ng pinto.
"Where are you going baby?" tanong ni Papa.
"School." maikli kong sagot. "Pa ipasunog nyo na ito. please. Ayaw ko ng makita yan." sabi ko dito pinilit kong wag umiyak.
"Baby wag ka na munang pumasok."
"No. Pa kelangan ko ng ibang iniisip.. Ma im ok please stop crying." pinunas ko ang luha nya. Tumalikod ako. Nahagip ng mata ko ang dyaryo na mukhang hindi pa nagagalaw. Dinampot ko ito at hindi nga ako nag kamali. Kami ang front page. Siguradong galit na si tito Jim. Dumeretcho na ako sa grahe. Pag ka upo ko sa kotse tinawagan ko agad si tito Jim.
![](https://img.wattpad.com/cover/15022617-288-k551665.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Her
RomanceCOPY RIGHT 2014 - ALL RIGHTS RESERVE! No part of this story, either text or chapter maybe use or re product in any forms or by any means without my permission. thankie.. enjoy reading! lovelove