Pj POV
Maluwang ang ngiti ko ng pumasok ako ng sumunod na araw.. Usap usapan na sa school ang pag kakaroon namin ng relasyon ni Kim..
Dumeretcho ako sa tambayan namin. Buti na lang wala si James kasal ng kapatid ng girlfriend nya..
Andito na din sina Jerwin, Alex, Ian at Allein..
"Sus malayo pa lang nakatawa na!" katyaw ni Ian.
"Tss.. But wait Peter June.." sabi ni Allein.
"What is it?" tanong ko..
"Don't you dare fall in love with her." ani Allein na mukhang tangang ginagagaya pa ang linya ng isang pelikula."Baka kasi mamaya nyan. Mag linya ka pa ng : (Nalaman nya yung tungkol sa pustahan.. Iniwan na nya ako.. Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko sya..) sabay talon sa mt Everest." anito na ikinatawa nila.
"No! Never." matigas kong tanggi. "yun mamahalin ko?" tumawa pa ako sa mga ito."You're making me laugh dude." saka ako tumawa ng tumawa.
"Pero tol labas ako dito ha? ayokong masira ang pag kakaibigan natin nila James pag nalaman nya to." sabi ni Alex.
"Sus ang Kj mo talaga Lex! C'mon syempre hindi yun malalaman ni James! Kasi after a month iiwanan na ni Pj si Kim." sabi ni Jerwin. "di ba Jei?" baling nito kay Pj
"Yah. Pero sana wag ng makarating kay James 'to. Please Alex. I just want that brat to learn her lesson!"
"basta ayokong sumali. but dont worry i wouldn't tell anyone bout this" Tumayo na ito. "I have to go mag sisimula na yung first subject ko."
"Anung nangyari dun?" takang tanong ni Ian.
"Baka hiname- hame wave." sabi ni Allein.
Napatingin kaming lahat sa kanya 'hame-hame wave?' pilit kong iniisip kung ano yun.
"Y-yung ano. Powers ni San Goku."
"Gago!" sabi namin dito. Tawa naman ito ng tawa.
"Wag nyu ng pansinin yun. Nag break sila ni Miakka eh." ani Jerwin.
"Tito boy?" ani Allein.
"Hahahahahahaha." ang kulit talaga nitong si Allein.
"Oh my god Pj you're such a winner na talaga. ahahahaha." ginaya pa nito si Kris Aquino.
Ibinato ko dito ang hawak kong libro. Buti na lang at yung mga pages ang tumama sa mukha nya.
"Oh my god. nakakainis ka talaga. ahahaha"
"Allein tumigil kana kung ayaw mong palayuin ko si Kaye sa banong katulad mo." ani Ian. Pinsan nito ang girlfriend ni Allein.
"Pare joke lang naman.." anito na biglang nag seryoso.
"Yun lang. hahahaha" tawanan kami.
Kim POV
Ilang araw ko ng napapansing parang problemado si Papa.. Minsan umuuwi sya na naka inom. Hindi naman sya ganun. Ni hindi nga yun tumitikim ng alak eh..
One Week na rin ang relasyon namin ni PJ.. Sobrang sweet at maalaga pala nya. Boto sa kanya sila Lolo.. (tatay po un ni James)
Napaangat ako sa pag kakaupo ko sa living room ng maka rinig ako ng kalabog.
Bumukas ang pinto at iniluwa si Papa na mukhang lasing na lasing.
Napatakbo ako dito.
"Pa.." tawag ko dito..
Ngumiti ito ng makita ako..
"My Baby.." anito sa lasing na tinig. "Bat gising ka pa?" tanong nito. "Give Papa a hug.." Parang anytime babagsak na ito kaya mas lumapit pa ako dito.. Niyakap ko ito.. "Hmm.."
![](https://img.wattpad.com/cover/15022617-288-k551665.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Her
RomansaCOPY RIGHT 2014 - ALL RIGHTS RESERVE! No part of this story, either text or chapter maybe use or re product in any forms or by any means without my permission. thankie.. enjoy reading! lovelove