Pj Pov
Halos dalawang linggo na di parin ako pinapansin ni Kim at alam ko na buong sistema ko ang apektado. Madalas natulala lang ako sa klase. Di ako maka practise ng maayos. Halos mag makaawa na ako sa kanya para lang patawarin nya ako at bigyan pa ng chance pero parang bingi sya..
"Brad" napalingon ako. Si James pala. Isa ito sa dahilan kaya hindi pa ako nawawalan ng pag asa kay Kim. Hanggat di pa ako nito binubugbog di pa nag susumbong si Kim..
"Yaan mu na si Kim magkakaayos din kayo nun." anito na tinapik pa ang balikat ko.
"Uwi muna ako tol.." walang ganang sabi ko dito.
"Brad.. May practise pa ah.."
"Masama kasi ang pakiramdam ko. Paki sabi kay coach babawi ako." tumalikod na ako.
Habang nag lalakad ako pa punta ng parking area ay nakita ko si Kim.
"b-babe" tawag pansin ko.. "
patawarin mo na ako. please" hinawakan ko ang kamay nito pero ipiniksi nito iyon
"tigilan mo na ako Pj."
"dba na ngako ka na kahit anong malaman mo hindi mo ako iiwan?" nagsimula ng pumatak ang luha ko. Nakaka bakla ba ang umiyak? Ang alam ko lang kase ayokong mawala ng tuluyan ang babaeng ito.
"Nag papatawa ka ba? Pinag pustahan nyo ako. do you expect me to act na parang walang nangyari? Let me go"
Lumuhod ako sa harapan nya. "Tayo na lang ulit.. Please Babe. Tapus na naman yun eh, Umuurong na nga ako. Sasabihin ko na dapat yun sayo pero natatakot akong mangyari to" niyakap ko sya habang naka luhod. umiiyak na sabi ko dito. Alam ko na pinag titinginan na kami. Wala akong paki alam mahal na mahal ko ang babaeng ito.
Nakaramdam ako ng pang hihina ng tinanggal nito ang mga braso kong naka pulupot sa kanya..
"Wag mo na akong lalapitan."
Nilagpasan nya ako habang naka luhod pa rin ako. Hanggang sa..
BLANK..
Kim Pov
"Nawalan ng malay si Pj!" sigaw ng isang babae.. Nilingon ko ito at nakita ko si Pj na nakahiga sa semento. Patakbo ko itong nilapitan..
"P-Pj!" inalog alog ko ito. Hinawakan ko ang noo nito. Malamig..
"Dalahin na natin sa hospital." anang isang lalaki.
"S-sige salamat." sabi ko..
Hospital
"Sinong kamag anak ng pasyente?"
Tinawagan ko kasi sina Kaye kaya tatlo kaming nandito. Tumayo ako at lumapit sa doktor.
"I-im his... girlfriend"
"Na over fatigue sya. Kulang din sa nutrients ang katawan nya. it seems like hes not eating properly.. So since youre his girlfriend please monitor his foods, make sure na makakain sya sa tamang oras.. If possible tell him to stop or rather lessen drinking alchol beverages.." nag sulat ito.. "Medyo mahina din ang immune system nya. Make him drink these vitamins. Once na nagising sya at naubos na ang dextrose nya pwede na syang iuwi. Make sure na susundin mo ang mga bilin ko ha? I'll go ahead."
Tumango ako dito..
"Anong nangyari?" humahangos na dumating sina Allein,Ian at Jerwin.
"He collapsed kanina." sagot ko dito.
Pumasok na kami sa private room nya.
Bakas ang kalungkutan sa mukha nito.
"Ako na ang bahala dito. Pwede bang iwan nyo na muna ako?" sabi ko sa mga ito..
"Ok best." Ani Kaye.
Nag smile lang ako sa kanya..
"Tara na." nag patiunang lumabas si Justinne. Naiwan si Allein.
"Kim.. You should give him a chance.. My friend loves you so much. Never ko syang nakitang ganyan.." natawa ito. "O mas sanay lang akong makita na sya yung hinahabol at nag papaiyak. Ni ayaw nyang kumain. Madalas lasing tapos iiyak pag di mo sinasagot ang tawag nya. Yung two weeks na lumipas parang hindi sya un eh.. Lage syang tulala sa klase.. Di makapag focus sa practise. Siguro yun din ang dahilan kaya talo kami ng UST nung isang araw. Puro sablay ang shots nya, puro turn overs.. Kaya ibinangko sya ni coach.. Please Kim give him a chance.. Im begging you." anito
"Iwan mo muna kami." mahinang sabi ko dito. Lumabas na ito ng pinto.
Tinitigan ko ito. Mukhang ngayon lang kasi nag ka maayos na tulog..
Mahal mo ba talaga ako? Natatakot talaga ako e.. I still love you babe so much pero takot talaga ako eh. Naiiyak kong sabi dito. Pinunas ko ang luha ko ng unti unti itong gumalaw. Dahan dahan nitong idinilat ang mata.. At napa kurap pa ng ilang ulit na tila na sisilaw. Tumingin ito sa akin and flashed a sad smile.
"B-Babe.."
Pj POv
Nakakasilaw ang liwanag ng mag mulat ako ng mata. Kaya napa kurap pa ako ng ilang ulit. Puro puti ang bumungad sa akin. Nasa hospital ako sabi ko sa sarili ko. Napatingin ako sa gilid ko. Si Kim matamang naka titig sa akin.. Nakaramdam ako ng saya.. Kahit alam ko na naawa lang sya sa akin.
"B-Babe.." paos ang boses ko..
"What are you doing to yourself ba? Baket ka nag papaka miserable?" tanong nito.
Natawa ako ng marahan.. Mula nung ayaw na nya akong kausapin i became devastated.. I can't sleep,eat and focus, Kaya nga siguro talo kami nung isang araw.Napagalitan pa ako ni coach nun. Puro kasi mali ang ginagawa ko..
Hinawakan ko ang kamay nya..
"Because i love you. I love you so damn much.Please come back to me.. Wala akong paki alam kung awa na lang yang nararamdaman mo para sa akin ang importante, Akin ka lang. Please Babe please.. Mamamatay ako pag tuluyan kang nawala..di ko kakayanin. Please."
"Pj ayusin mo ang sarili mo.."
"Mag papakamatay ako pag di ka bumalik. mas gugustuhin ko yun kesa patuloy mo o tuluyan mo akong iwanan." seryosong sabi ko dito.
"Wag kang mag salita ng ganyan!" anito na nag simula ng tumulo ang luha..
"Please Babe.. Come back to me" pakiusap ko habang pinupunasan ng bakante kong kamay ang luha nya. "Please."
BINABASA MO ANG
Chasing Her
RomanceCOPY RIGHT 2014 - ALL RIGHTS RESERVE! No part of this story, either text or chapter maybe use or re product in any forms or by any means without my permission. thankie.. enjoy reading! lovelove