"Life isn't about finding yourself. Life is about creating yourself." George Bernard Shaw
******************************
Tila may sariling memorya ang mga paa ni Lucille. Alam nito kung saan siya dadalhin nang nagpasya siyang umuwi na sa bahay nila.
And one more thing, she even got a new set of memory. She doesn't even know if that's part of her coming back in the past. Naisip din niya na baka paraan din iyon para hindi siya mahirapan sa pag adjust sa mga pangyayari sa paligid niya. Isa pa maliliit na bagay lang naman ang mga nagbago.
Hindi niya maipaliwanag ang kasiyahang nadarama nang makauwi siya sa bahay na kasalukuyan nilang tinitirhan. Hindi niya alam kung saan niya huhugutin ang kasiyahan na makita ang mama niya.
Nagulat pa ang kaniyang ina nang agad niya itong yakapin pagkakita rito.
"Okay ka lang ba? Hindi ka ba nahirapan sa unang araw mo sa klase?" maang na tanong ng mama niya. Katatapos lang nitong maghanda ng hapunan nila.
Napailing lang ng sunod-sunod ang dalaga.
"Wala po mama, okay po sa school. At masaya lang po ako na makita kayo sa pag-uwi ko," pilit na pinipigilan ng dalaga ang mga mata na lumuha sa mga sandaling yakap-yakap ang ina.
"Kung alam niyo lang mama kung gaano ko kayo na miss. Sorry po sa mga nagawa ko sa inyo dati. Pangako po, hindi po ako gagawa ng mga bagay na ikakasama ng loob niyo. Hanggang nandito ako, I will treasure every single thing," Bulong ng dalaga sa isip.
The last thing she remembered ten years ago, her mother died with colon cancer, but this time, things are different, her mother is perfectly cured. At ngayong binigyan siya ng pagkakataon na maitama ang mga mali niya. She will make it sure na gagawa siya ng mga bagay na worth remembering starting with her mother and the rest of the people around her. This time hindi niya sasayangin ang mga panahong meron siya dahil hindi rin naman niya alam kung kailan siya babalik sa hinaharap.
"O sige na, magbihis ka na para makakain na tayo."
"Sige po."
Saka nagmamadali ng pumanhik sa kanyang kwarto ang dalaga.
Dati, noong nabubuhay pa ang papa niya sa Metro Manila sila nakatira, ngayong wala na ito ay dito sila sa may Bulacan lumipat. Sabi ng mama niya para tuluyan silang makapag move-on sa nangyari, kailangan nilang lumipat sa lugar na walang masyadong nakakakilala sa kanila, sa lugar na pwede silang makapag-umpisa ng bagong buhay.
Well, may point din naman ang mama niya.
Kung ipinahintulot man ng Dios ang pangyayaring nakabalik siya sa nakaraan niya, ipinagpapasalamat niya 'yon ng marami. And she will make her life worthwhile this time gaya ng paalala ng matandang babae.
--------------------
Sa dalawang araw na pamamalagi niya sa panahong 'yon, nalaman niyang isa siyang transfer student sa university na pinapasukan ngayon. Nag transfer siya hindi dahil may kasalanan siyang ginawa ( gaya ng pagkaalala niyang nangyari noon, noong naitulak niya sa hagdanan ang anak ng dean nila ), but now it's different, nag transfer siya ng school dahil naisipan ng mama niya na magtayo ng maliit na negosyo. Nasa pangalawang taon na sa kolehiyo ang dalaga ngayon taking up education, majoring in English.
May naipong pera ang mama niya sa bangko just enough pang umpisa ng maliit na negosyo. Isang maliit na karenderia ang naisipan ng mama niya na itayo. Dahil masarap naman magluto ang mama niya kaya hindi na ito nangailangang mag hire pa ng cook, dalawang helper nalang ang ini-hire nito, isa pa kaya rin naman niyang tumulong kung kinakailangan dahil marunong din naman siyang magluto.
BINABASA MO ANG
My Time With You (Completed)
RomanceLove moves in mysterious ways. Shakespeare once said, "the course of true love never runs smooth." Dahil sa isang pangyayari ay nagbalik sa nakaraan si Lucille at kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pagtatagpo ng landas nilang dalawa ni Jackson, i...