"To love is nothing. To be loved is something. But to love and be loved, that's everything." Anonymous.
*****************************
Halos nakatulugan na ni Lucille ang pagod na nararamdaman. Halos isang linggo na rin kasi ang nakakalipas nang sinimulan niya ang pagmamanman kay Nicolo, sa loob at labas ng court. At sa halos isang linggo na iyon ay ang dami niyang nalamang impormasyon tungkol dito. May mga positibo at negatibong bagay siyang natutunan tungkol dito.
Nalaman niyang hindi lang pala basta two-timer ang naging girlfriend nito kundi talagang malandi kasi marami silang pinagsabay nung babae. Napapailing nalang si Lucille sa tuwing naiisip niya ang ginawa nung babae. Alam niyang wala naman siyang karapatan na husgahan ang sinoman sa kung anoman ang gawin nila sa buhay nila. Pero hindi niya maiwasan ang sarili na isipin ang kapakanan ng mga taong napapalapit na rin sa kanya.
Kaya naman nang magkaroon siya ng sapat na ebidensiya sa ginagawang panloloko nung babae kay Nicolo at doon sa leader ng gang na naka-engkwentro nila ay hindi niya napigilan ang sarili na hindi gumawa ng hakbang para kahit na papaano ay masalba ang alam niyang superficial na pagtingin ni Nicolo sa ex-girlfriend nito.
Risky mang isipin pero ginawan niya ng paraan para magka-usap si Nicolo at 'yong lalakeng leader nung gang para mawala na ang alitan ng dalawa. Nakikita at nararamdaman kasi ni Lucille na meron paring naiiwang galit sa puso ng bawat isa. Hindi naman nila kapwa deserve na makaramdam ng poot dahil lang sa isang babae na walang ibang ginawa kundi ang paglaruan ang damdamin nilang dalawa.
Sa umpisa ay ayaw pang maniwala nung lalake pero nung ipinakita na ni Lucille ang mga kuha nitong litrato nung babae na may kasamang ibang lalake at kalampungan pa nito ay nagawa rin niyang mapaniwala ito.
And with Nicolo, alam niyang unti-unti na rin itong naka-move-on sa ex nito. At para lubusang maka-move-on itong si Nicolo sa ex nito ay naisip na rin ni Lucille na isali sa eksena ang kababata nitong matagal ng may lihim na pagtingin sa lalake.
Tinulungan niya ito kung papaano iparamdam ang damdamin nito para sa lalake. Sa umpisa ay parang ayaw pa nito pero kinalaunan ay ito na rin ang naglakas loob na humingi sa kanya ng tulong kung papaano ipagtatapat ang matagal na nitong nararamdaman para kay Nicolo.
Gusto niya ang babae kasi mabait ito pero nandoon ang pagiging persistent kahit pa sabihing may pagkamahiyain ito. Ramdam niyang ayaw nitong isuko ang pagtingin nito kay Nicolo lalo na noong nalaman nito na hiwalay na ito sa ex nitong playgirl.
Ang ikinahanga rin niya kay Aya Grace ay hindi ito na turn off sa ugali ni Nicolo, bagkus ay mas lalong nadagdagan ang pagmamahal nito sa lalake. At dahil doon ay mas lalong nakumbinsi si Lucille na tulungan ito na makuha ang loob ni Nicolo hindi bilang kaibigan at kababata nito kundi bilang isang babae na pwede nitong mahalin. Gusto niyang ibigay sa dalawa ang pagkakataon na piliin ang tama nang sa ganoon ay walang mapagsisihan pagdating ng araw.
Sa umpisa ay naiilang pa itong si Nicolo dahil walang practice game ang pinalampas ng babae na makita siya at masuportahan. Parang hindi yata sanay itong si Nicolo na may babaeng aali-aligid dito.
Bahala na. Ginawa na ni Lucille ang part niya. Hahayaan niyang ang pagkakataon ang magtakda sa kung ano ang pwedeng mangyari, ang importante ay gumawa siya ng tulay para sa dalawa na makita ang worth ng bawat-isa.
Alam niya at naniniwala siya na magwo-work-out ang plano niya.
-------------------
Katatapos lang ng unang subject ni Lucille nu'n nang magpasya siyang magpaiwan na muna sa loob ng classroom. Wala pa rin namang gagamit sa loob kasi after an hour pa ang susunod na session ng gagamit doon kaya naman naisipan niyang umidlip muna kahit na saglit lang.
BINABASA MO ANG
My Time With You (Completed)
RomanceLove moves in mysterious ways. Shakespeare once said, "the course of true love never runs smooth." Dahil sa isang pangyayari ay nagbalik sa nakaraan si Lucille at kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pagtatagpo ng landas nilang dalawa ni Jackson, i...