"I used to dream about turning back time, about reclaiming the things I'd lost and the person I used to be." Alexandra Bracken.
******************************
Tunog ng bell ang gumising sa diwa ni Lucille. Nag-angat siya ng mukha. Napakatahimik ng paligid. Maingat na inilibot ng dalaga ang paningin sa paligid.
Abala ang lahat sa pagbabasa at pagbubuklat ng aklat, 'yon ang nahinuha niya.
Sa pangalawang pagkakataon ay kinusot ng dalaga ang mga mata dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay patuloy parin ang utak niya sa pag-alam kung saan siya naroroon.
Muli ay inilibot niya ang paningin sa kabuoan ng silid. Hanggang sa dumako ang paningin niya sa librong nasa harapan niya.
Isang English literature ang nakabuklat sa ibabaw ng mesang kinauupuan niya. May notebook at ballpen din sa tabi nito. At nang ususain niya ang nakasulat na notes sa kanyang notebook ay agad niyang nakilala ang sulat kamay kaya ipinalagay niyang kanya ang gamit na 'yon.
Nakita niyang may mga estudyante ng nagsitayuan at ibinabalik ang mga hiniram na aklat sa shelves. Naalala niyang tumunog na nga pala ang school bell.
Nagdadalawang isip man ay nagpasyang tumayo ang dalaga sa kinauupuan para umalis. Kung nasa mahabang pagkakatulog pa siya, kailangan niyang mag blend-in sa mga taong naroon para malaman niya ang susunod niyang aksiyon.
Maraming tanong ang bumabagabag sa kanyang isipan. Kahit na nakalabas na siya ay patuloy parin ang paglalakbay ng mga katanungan sa kanyang isip.
Bakit siya naroon?
Ano ang ginagawa niya sa lugar na 'yon?
Bakit may hawak siyang libro?
Napapikit muli ang dalaga na para bang sa paraan na 'yon ay makakahanap siya ng kasagutan sa mga bumabagabag sa kanya.
"Sa paggising mo sa panaginip na 'to, gawin mo ang mga bagay na dapat mong gawin and everything will follow. Just make it worthwhile."
Nagmulat siya ng mata saka napatigil sa paghakbang.
Natutop niya ang bibig.
Is it a dream within a dream? Hindi niya napigilang tanong sa sarili.
Pakiramdam ni Lucille ay para siyang mahihilo dahil sa hindi maintindihang pangyayari. Nagsimula na rin siyang kabahan. Kung panaginip man ang nangyayari ngayon ay kailangan na niyang magising. Hindi pwedeng manatili siyang tulog, may trabaho pa siyang dapat na asikasuhin at natatakot na rin siya sa mga nangyayari sa kanya.
Bumungad sa kanyang paningin ang isang malawak na school ground at mga school buildings. Hindi pamilyar sa kanya ang eskwelahang kinaroroonan kaya wala siyang ideya kung saan pupunta.
Napahugot muna ng malalim na paghinga ang dalaga bago nag desisyon na humakbang mula sa kinatatayuan. Naisipan niyang maglibot. She's spacing out and she needs something to think about. She needs to get out from there. If she's in a dream, she really needs to wake up no matter what because if she doesn't, then one thing is for sure, whatever that old lady had said is true.
Ilang minuto na rin ang lumipas ngunit wala pa ring nangyayari. Nang mahagip nang kanyang paningin ang isang palikuran ay agad na pumasok ang dalaga. Nagkataon namang walang tao sa loob kaya dere-deretso na siyang pumasok.
Napapasinghap na napaatras si Lucille matapos humarap sa salamin.
Muli ay napakusot sa mga mata nang humarap sa salamin. Pakiramdam nga niya ay parang namamaga na ang dalawa niyang mata dahil sa walang tigil na pagkusot niya dito. Hindi niya 'yon mapigilan dahil sa tumambad sa kanyang harapan.
BINABASA MO ANG
My Time With You (Completed)
RomanceLove moves in mysterious ways. Shakespeare once said, "the course of true love never runs smooth." Dahil sa isang pangyayari ay nagbalik sa nakaraan si Lucille at kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pagtatagpo ng landas nilang dalawa ni Jackson, i...