"Youth is a sickness that you wish to fall in love with someone."
******************************
Alas singko y media palang ng umaga ay gising na si Lucille. Nakahanda na ang lahat ng mga kakailanganin niya pagpasok. Maging ang bagong arrangement na ipapakita niya kay coach Bernard ay nakahanda na rin. Susunduin din siya ni Jackson ng maaga kasi magkakaroon sila ng maagang practice.
Naabutan niya ang ina na abala sa paghahanda ng agahan nila.
"Good morning ma," hinalikan niya ito sa pisngi pagkatapos ay agad na ring pumwesto sa hapag. "Baka gabihin po ako ng uwi mamaya mama. Magkakaroon po kasi ng practice ang team."
"Natutuwa ako at nagugustuhan mo na ang bago mong school, anak," anang kaniyang ina matapos lagyan ng ulam ang kanyang pinggan.
"Oo naman po. Siya nga po pala, kumusta naman po ang karenderia? Hindi po ba kayo nahihirapan?"
Sunod-sunod na napailing ang kanyang ina. "Hindi naman anak, sa katunayan ay masaya ako kasi mababait at masunurin ang mga nakuha kong katulong. Kahit papaano ay nakakaraos naman sa pang-araw-araw nating gastusin."
"Hayaan niyo mama, pagbubutihan ko po ang trabaho ko bilang consultant tapos ang pagiging library aide nang sa gayon ay makatulong naman po ako sa inyo. Para wala na po kayong po-problemahin sa tuition ko," ani Lucille na ginagap ang kamay ng ina. Heto na naman siya. Gusto na naman niyang maiyak sa tuwing naaalala niya ang mga maling nagawa niya sa ina noon.
"Salamat anak," wari'y gustong mangilid ng luha sa mga mata ito. "Napaka-swerte ko at ikaw ang naging anak ko."
Napailing naman ang dalaga. "Nuh ahh! Ako po ang maswerte mama, kasi kayo po ang naging ina ko," aniyang sinabayan pa ng pagpisil ang paggagap sa kamay ng ina. "Tayong dalawa nalang po ang magkasama sa buhay at hindi ko po sasayangin ang panahon na magkasama po tayo," madamdaming sabi ni Lucille.
Isang ngiti lamang ang iginanti ng kanyang ina sa kanyang sinabi. "O siya, kumain ka na at para makaalis na ng maaga."
Napapatango na lamang siya saka nagpatuloy sa pagkain.
Ilang sandali pa ay dumating na si Jackson para sunduin siya. Magalang na nagpaalam ang lalake sa kanyang ina bago sila tuluyang umalis.
----------
"Oh, heto," ani Jackson saka iniabot sa kanya ang isang maliit na black pouch. Nasa sasakyan na sila nun.
Agad niyang binuksan ang laman nun. Malapad ang naging pagngiti niya nang makita ang laman nun. Isang digital video camera. Hindi man iyong ganoon kalinaw kumpara sa mga video camera na nakikita niya sa hinaharap pero sapat na ang kalidad nun sa paggagamitan niya.
"Salamat dito," masayang sabi niya saka muling isinara ang pouch.
"Ingatan mo 'yan. Hiniram ko lang 'yan sa kaibigan ko," saad ng lalake.
Napalabi siya. "Oo, iingatan ko talaga 'to. Hmp! Kung makapagsalita ka, parang sisirain ko 'to ah."
Saka naman napatawa ang lalake. "Ano, wala naman akong sinasabing sisirain mo 'yan."
"Nasa tono kasi ng pananalita mo," napapalabing sabi ni Lucille. Pero mayamaya lang ay naging seryoso na ang mukha niya. "Pero totoo, salamat talaga dito. Kahapon ko lang nabanggit sa'yo na manghihiram ako ng video camera kung meron ka tapos heto ka ngayon at iniaabot na sa akin."
"Ano kasi ang gagawin mo diyan?"
"You'll see. Saka ko na ipapaliwanag sa'yo kapag nagawa ko na. Mahirap kasi magsalita kapag hindi pa nasimulan at hindi pa natatapos. For now, leave it as a secret first."
BINABASA MO ANG
My Time With You (Completed)
Roman d'amourLove moves in mysterious ways. Shakespeare once said, "the course of true love never runs smooth." Dahil sa isang pangyayari ay nagbalik sa nakaraan si Lucille at kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pagtatagpo ng landas nilang dalawa ni Jackson, i...