(A/N: Hello naman sa inyong lahat! From this chapter onward, lilipat muna ako ng First Person POV for a change. I hope you don't mind. Ibabalik ko rin kung hinihingi ng pagkakataon. Chozzz!!!!! Basta ganoon po muna ang set up natin ngayon mga kaibigan.)
Jackson's POV
Nakita ko pa sa mga mata niya ang pagkagulat nang tawagin ko ang pangalan niya. Nakikita ko ang magkahalong lungkot, gulat at kaba sa mukha niya nang magtama ang mga mata naming dalawa.
Napasigok pa siya na akmang iiyak pero pinigilan ang sarili.
"What are you doing? Hop in!" mabilis kong sabi kasi may balak pa yata siyang tumunganga sa labas. "Baka mapano ka pa sa labas, kargo de konsensiya ko pa."
Napukaw ang pag-iisip niya nang magsalita ako. Wari'y ba ay nagising siya sa isang mahabang pagkakatulog.
Agad rin namang lumiwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko saka mabilis na pumasok ng sasakyan.
"Kilala mo na ako? Ibig sabihin ba nito ay naaalala mo na ako Jackson?" 'yon ang agad namutawi sa bibig niya. She just got overwhelmed with the idea na tinawag ko ang pangalan niya.
Hindi ko agad nasagot ang tanong niya. Pinagmamasdan ko lang siya at hinihintay kung ano pa ang lalabas sa bibig niya. Lately kasi ay bigla akong naging curious sa pagkatao ng babaeng ito. Sa totoo ay sinundan ko siya mula sa karaoke bar.
"Ibig sabihin ba nito ay naaalala mo na ako Jackson?" masigla ang boses na ulit niya. Sa tono ng pananalita niya ay parang matagal na kaming magkakilala. Kung paano niya bigkasin ang pangalan ko ay napaka-kaswal lang sa kanya.
"Nope!" mabilis kong sagot. Wala naman akong rason na magsinungaling sa kanya dahil 'yon naman talaga ang totoo. Hindi ko naman talaga siya kilala. Kung paanong pilit niyang ipinaparamdam sa akin na magkakilala kami ay hindi ko maintindihan kung bakit.
Napalis naman ang ngiti sa mga labi niya. Seryoso siyang tumitig sa akin na parang naguguluhan sa mga itinugon ko sa mga sinabi niya. "You're joking right? I mean, naiintindihan ko kung magagalit ka sa akin kasi naglihim ako sa'yo but I have my reasons kung bakit ko 'yon ginawa. And here you are. Alam kong magiging okay ang lahat. I will explain everything to you this time. Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat kung bakit ako nawala bigla," sunud-sunod naman na pahayag niya.
Seriously?! Ako naman yata ngayon ang totoong naguguluhan. Seryoso ba talaga siya sa mga sinasabi niya? Ipagpipilitan niya talaga na kilala niya ako at magkakilala kaming dalawa?
"I'm sorry miss pero hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi mo. I don't even know you," agad kong sansala sa iba pa niyang sasabihin sana.
Naiwang nakaawang ang bibig niya.
"Pero---pero," saka napakagat-labi siya. "--you even call me by my name," nabibilaukan pa niyang sabi.
To cut this nonsense, napapabuntong-hiningang kinuha ko ang shoulder bag niya na nasa likuran lang ng driver's seat, saka iniabot ko sa kanya.
"You got your name on it. I mean on your sketchpad."
Nag-aalangan man ay napapasigok namang inabot niya ang bag niya.
Nag-iwas siya ng tingin sa akin saka wala sa loob na niyakap ang bag niya. Alam kong pilit niyang itinatago ang pagkadismaya na nararamdaman niya. Gusto ko mang sakyan ang trip niya pero hindi ko naman pwedeng gawin 'yon. Hindi ko 'yon ugali. Nakakaramdam lang ako ng awa sa kanya. 'Yon lang 'yon!
"Paano napunta sa'yo 'to?" sa wakas ay sabi niya. Sinubukan niyang maging kaswal ang pakikipag-usap sa akin hangga't maaari.
"I witness what happen kanina sa bar," kaswal din na sagot ko.
BINABASA MO ANG
My Time With You (Completed)
RomanceLove moves in mysterious ways. Shakespeare once said, "the course of true love never runs smooth." Dahil sa isang pangyayari ay nagbalik sa nakaraan si Lucille at kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pagtatagpo ng landas nilang dalawa ni Jackson, i...