Chapter 43: When Time Is Running Out!

126 8 1
                                    

"One day, you will wake up and there won't be any more time to do the things you've always wanted. Do it now." Paulo Coelho

*****************************

Dahil sa insidenteng nangyari sa nagdaang araw ay mas lalong umigting ang pagnanasa ni Jackson na manatili sa tabi ni Lucille hangga't maaari. Sa totoo lang, hanggang sa mga pagkakataong iyon ay mahirap pa rin sa kanya na paniwalaan ang mga nangyayari. Pero gaya nga ng sabi na 'to see is to believe' kaya naman wala na rin siyang magagawa kundi ang maniwala.

Gusto rin niyang paniwalaan ang pag-ibig niya para kay Lucille. Kung tama ang sinasabi nitong galing ito sa hinaharap na panahon at kung tama rin ang sinasabi nitong nagkita sila ulit at hindi niya ito nakilala ay parang ang sakit para sa kanya na tanggapin. Kung anoman ang makakaya niyang gawin para maipakita ang pagmamahal niya para sa babae ay gagawin niya.

Mahal niya ito at papatunayan niya iyon.

Sa mga nagdaang araw ay mas lalong lumala ang sitwasyon. May mga sandaling sabay na naglalaho ang kamay nito. Kaya naman palagi ng nakasuot ng long-sleeve ang dalaga para kahit na papaano ay maikubli ang mga kababalaghang nangyayari sa katawan nito.

Natatakot siyang sa anomang sandali ay bigla nalang itong maglaho sa paningin niya. Natatakot siyang baka sa isang iglap ay makalimutan niya ang lahat ng tungkol sa babae at sa mga pinagsamahan nila.

Papatapos na rin ang buwan ng Nobyembre kaya naman abala na rin ang school sa iba't ibang activities para sa buwan ng Disyembre. At gaya nga ng ipinangako niya kay Lucille, kinausap niya si coach Bernard na mag set ng araw na makapamasyal sila kasama ang buong team.

"Talaga ba?" masiglang sambitla ni Blake. "May outing na mangyayari sa darating na linggo? Parang hindi na ako makapaghintay sa araw na 'yan ah."

Nasa cafeteria sila nu'n para mag snack. Nasali na rin sa grupo nila si Aya Grace na matapos makapagtapat ng damdamin nito kay Nicolo ay hindi na nilulubayan ang lalake. Sa umpisa ay naiirita pa itong si Nicolo sa ginagawa ng babae. Para sa kanya isang kababawan na ang babae ang unang magtatapat ng damdamin nito para sa isang lalake. Pero dahil matagal na rin naman niyang kilala itong si Aya ay binigyan na rin niya ng konsiderasyon ang mga nangyayari.

Masayang pinag-uusapan at pinagpa-planuhan ng lahat ang pwede nilang gawin sa dalawang araw at gabi na stay sa mapipili nilang beach.

Magkatabi nu'n sa upuan sina Jackson at Lucille. Paminsan-minsan ay napapatingin itong si Jackson kay Lucille lalo na no'ng hindi man lang nagalaw ang burger at drinks na in-order nito. Nakangiti lang din itong nakikinig sa pag-uusap ng mga kasamahan nila.

"Are you okay?" mahinang tanong ng lalake.

Tiningnan naman siya nito. At hindi rin niya maiwasang mapansin ang pangamba sa mukha nito sa likod ng ngiting ipinapakita nito sa lahat.

"Hindi ka ba kakain?" dagdag niya pa.

"I can't," mahinang sagot ni Lucille saka ibinaba ang tingin sa dalawang kamay na nakatago sa ilalim ng mesa. Sinundan ni Jackson ng tingin ang ginawa nito.

Napapalunok na nag-angat ng mukha ang lalake at tinitigan siya. Paano kasi, naging invisible na naman ang mga kamay nito. Pasimpleng tiningnan ng lalake ang mga kasamahang abala sa pag-uusap.

"I'll help you," matapos sabihin 'yon ay nag-slice ng maliit na hiwa ang lalake ng burger at isinubo sa kanya. May pag-aalangan man ng konti ay tinanggap na rin ng dalaga ang isinubo nito.

"Whoaaaaaaa!" Hiyawan na naman ang mga kasamahan nila. Ang akala nilang abala sa pag-uusap ay nagawa palang mapansin ang ginawa ni Jackson sa kanya.

My Time With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon