Chapter 25: A New Beginning!

119 13 1
                                    

"To make a difference in someone's life, you don't have to be brilliant, rich, beautiful or perfect. You just have to care."

******************************

Marahang nagmulat ng mga mata si Lucille. Pero mayamaya lang ay napapikit siya ulit. Iniisip niyang baka nananaginip lang  siya na gising na siya  at nasa tabi niya ang mama niya at si Jackson tapos ang totoo ay hindi naman talaga.

"Lucille, please wake up!"

Tinig 'yon ni Jackson.

"Lucille, anak. Gumising ka na please."

Tinig 'yon ng mama niya habang umiiyak. Gusto niyang marinig ulit ang tinig ng mama niya. Natatakot siyang baka paggising niya ay hindi na niya makikita o marinig man lang ang mama niya.

Ilang sandali pa ang lumipas nang magpasyang magmulat ng mga mata ang dalaga. Nang una ay nakikiramdam lang siya sa paligid niya dahil ayaw niyang mag-assume na totoong tao na ang nasa paligid niya. Paano kung dinadaya lang siya ng paningin niya. 

Bumungad sa kanyang paningin ang mga nag-aalalang mukha ni Jackson at ng mama niya. Hindi siya kumikibo. Marahang nagpalit-palit ang tingin niya sa dalawa. Sinisiguro kung tama ba ang nakikita niya. 

"Thanks God, you are awake!" masiglang bungad ni Jackson.

"Anak, gising ka na. Salamat naman sa Dios," anang mama niya. Pagkuwa'y niyakap siya nito.

Napaangat ang katawan ni Lucille nang yakapin siya ng mama niya. Nang maramdaman ng dalaga ang yakap ng mama niya at ang pagdampi ng mga kamay niya sa likod nito ay noon lang niya binuka ng maayos ang mga mata niya.

Noon lang din niya napagtantong hindi panaginip o imahinasyon ang lahat. Nagsimulang mapahikbi ang dalaga.

"Mama? Totoong gising na ako? Hindi ba ito panaginip? Totoo bang niyayakap niyo ako ngayon, mama?" sunod-sunod na tanong niya.

"Oo, anak," napapatangong sagot ng mama niya sa kabila ng paghikbi nito. "Bakit mo naman naisip na panaginip ang lahat ng 'to?"

"Akala ko ay hindi ko na kayo makikita ulit. Mama, sorry po," patuloy lang sa paghikbi ang dalaga, ni wala siyang pakialam kung may mga tao man na nasa loob ng silid na 'yon na nakamasid sa kanya.

"Bakit ka humihingi ng tawad? Wala ka namang ginagawang masama," anang mama niya saka kinalas ang pagkakayakap sa kanya at tiningnan siya sa mukha. Marahan nitong ipinahid ang mga daliri sa basa niyang mata. "Bakit ka umiiyak, anak?"

Napailing lang ang dalaga saka muling niyakap ang ina. 

"Mama, babawi po ako sa inyo sa lahat ng mga pagkukulang na nagawa ko. Alam ko pong hindi niyo ako naiintindihan pero masaya po talaga ako na nakita ko kayo ulit. Hindi ko po alam kung mapapatawad ko ang sarili ko kung magising ako na hindi na kayo makita."

Walang nagawa ang ina niya kundi ang gantihin ang yakap niya at aluin siya.

Nag-ayos ng upo ang dalaga nang makabawi na sa nadarama.

"Nandito rin ang mga kaibigan mo," mayamaya'y sabi ng mama niya.

"Kumusta ka na Lucille?" koro ng mga ito saka nagsilapitan sa kanya.

Nginitian niya ang mga ito. Hindi niya inasahan na makikita ang mga ito paggising niya. Nakakatuwang isipin na may mga mabubuti siyang kaibigan na maituturing.

Hindi napigilan ni Gina ang yakapin siya. Napahikbi ito.

Mahinang tinapik niya ang likod nito. "Okay na ako Gina. Salamat sa pag-aalala mo."

My Time With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon