Chapter 14: Leave it as it is!

153 12 8
                                    

"I know what I want and what I need-YOU!"

******************************

Isang oras ang lumipas matapos makapananghalian ay nag-resume ulit ang laro nila. This time ay sumama na sa team si Jackson.

"Hi there!" Nagulat pa si Lucille nang may magsalita mula sa likuran niya. Alanganin man pero napangiti siya rito.

"Hi!" ganting bati ng dalaga saka muling itinuon ang atensiyon sa mga naglalaro.

"Kanina pa kita pinagmamasdan," muling sabi nito.

"Ha, bakit naman?" Napakunot ang noo ni Lucille. Hindi kasi siya makahanap ng tamang rason kung bakit gagawin 'yon ni Lea.

"Pamilyar kasi ang mukha mo. Hindi ko lang alam kung saan kita nakita kaya ayon hindi ko napigilan ang sarili kong titigan ka," nakangiti pa ring sabi nito. "Sana, okay lang sa'yo ang ginawa ko?"

Napilitang mapatango ang dalaga. Pero sa loob-loob niya ay nakaramdam na siya ng kaba. Paano kung may makakilala sa kanya roon. Ewan, pero bigla siyang kinabahan.

"And then, it hits me. Habang tinititigan ko ang mukha mo ay saka ko lang napagtanto kung saan kita nakita. Transfer student ka dito sa university di'ba?" patuloy ng dalaga.

Muli ay napatango nalang si Lucille. Nag-umpisa na rin siyang mag-isip kung saan niya nakita ang babae. Hindi man niya namamalayan na napatitig na siya sa mukha nito. Pero mayamaya lang ay napamulagat ang mukha niya.

"Sa loob ng banyo?" mulagat ang mga matang tanong niya.

Napangiti lang ang babae bilang sagot. "Exactly!"

"Dyahe," wala sa loob na anas niya. Naalala niya kasi ang naging pagtatagpo nila ni Lea noong una siyang mapadpad sa lugar na 'yon. Akala niya talaga na masungit ang babaeng ito pero nagkamali siya dahil mabait ito. Makikita naman kasi 'yon sa mukha nito. Sanay na siyang makasalamuha ng mga taong mapagkakatiwalaan at hindi. At alam niyang mapagkakatiwalaan ang babaeng kaharap.

Napakibit-balikat ito. "Nakakatawa kasi mula ng araw na 'yon ay ginusto ko na makita kang muli. Akala ko talaga ay nababaliw ka na nung araw na nagkita tayo. Para ka kasing nagising sa isang masamang panaginip. At hindi ko inaasahan na dito pa talaga kita makikita."

"You can say that!" ang sagot nalang niya. Ikaw ba naman ang magising sa isang lugar, isang panahon na hindi nabibilang sa'yo, hindi ka kaya mawindang?

At marami pa silang napag-usapang mga bagay-bagay. Nakagaanan na niya ng loob si Lea dahil mabait ito. Ang pagkailang na nararamdaman niya kanina ay unti-unti ng nawala.

Natapos ang laro na pawang pawisan ang mga manlalaro. Mabilis na napalapit si Lea sa kinauupuan ni Jackson at agad na inabutan ng bagong tuwalya at isang bottled water. Nakangiting iniabot naman 'yon ni Jackson.

Lihim na napangiti si Lucille, ngunit mayamaya lang ay bahagyang napayuko. Biglang sumiksik sa utak niya ang ideyang hindi siya nabibilang sa panahong iyon. Naisip niyang wala siyang karapatan na magkagusto sa kahit na sinong lalake dahil imposible. Alam niya at nararamdaman niya na babalik din siya sa panahon kung saan siya talaga napapabilang.

Muli ay nag-angat siya ng mukha. Nasulyapan niya ang pagtingin ni Jackson sa kinatatayuan niya. Salubong ang kilay nito. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Habang maaga ay dapat na niyang putulin ang anomang damdamin na gustong umusbong sa puso niya.

She needs to act herself.

"What's your suggestion?" ani coach Bernard nang lumapit sa kanya.

"I made some records here," sagot naman niya. Pinilit niyang maging masigla. She needs diversion. "Kung ipapahintulot po ninyo coach ay iti-train ko po ang mga freshmen para 'yong mga seniors nalang po ang pagtuunan niyo ng pansin. I have my reasons why and it is better to show you than to tell you," paliwanag niya.

My Time With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon