Chapter 46: Hey There!

129 10 3
                                    

"And suddenly you just know its time to start some thing new and trust the magic of beginnings." Anonymous.

****************************

"Have you heard the news?!" 

Hindi paman natatapos ang tensiyon sa gitna nina Ronnie at Karen ay may isa na namang dumating.

Napalingon silang lahat dito sa nagsasalita.

It's Mara, kasama ni Lucille sa English department. Matanda lang ito ng isang taon kay Lucille. Maglilimang taon na rin itong nagtuturo sa St. Joseph High School. Isang matapang na single mother. Madaldal din ito at may pagka-tsismosa pero harmless naman ang pagka-tsismosa nito. She just love to talk.

"If it is about the guy Karen was talking about, then yes," si Claire ang sumagot.

Napalabi naman ito sa sinalubong ni Claire.

"So, I guess tama ako," dagdag pa ni Claire. Alam mo bang 'yan ang dahilan kung bakit nakasimangot ang dalawang ito ngayon," dagdag pa niya na itinuro pa sina Ronnie at Karen.

"Really? So the good news is already spread!" napabungisngis naman ito. "But, hindi niyo pa narinig ang buong storya," mahinang sabi nito na para bang isang masamang sekreto ang ibubunyag nito. 

Umandar na naman ang talim ng radar nito. Humila pa ito ng isang upuan para tumabi sa kanila sa pagkakaupo.

Unconsciously ay mataman namang nakinig ang apat. Iba kasi kapag si Mara ang nagsalita, alam mong reliable. Napakatalas kaya ng signal sa utak nito kapag tsismis. Maging sina Ronnie at Karen ay nahatak din para makinig dito.

"I do not know kung nasabi narin sa inyo ni Karen, but I'm pretty sure, hindi pa," hindi na muna siya tumuloy sa pagsasalita at tiningnan sila isa-isa. Napapangiti itong nagpatuloy dahil sa nakikitang reaksiyon sa mga mukha nila. "Ito lang naman ang apo ni Madame Principal and he's staying for good. Starting today, sa school na natin siya magtuturo at makakasama ni Ronnie sa basketball team, bilang isa rin siyang magaling na basketball coach. At di lang 'yon, narinig ko rin kanina na ngayon niya ia-announce ang engagement niya sa girlfriend niya. So, it means this is a actually a double celebration kaya ganoon nalang din kasaya si Madame kasi sa wakas makikilala na niya ang mapapangasawa ng apo niya. Sounds romantic, right?"

"Oh, ano ka ngayon Karen. Engage na pala ang pinapangarap mo?" si Ronnie.

"Ano ka rin ngayon! Mapapalitan ka na sa pwesto mo!" balik asar naman niya saka mas lalong napahalukipkip.

"So, kasama niya ngayon ang girlfriend niya, gano'n ba?" si Claire na siya lang yatang naging attentive sa mga sinasabi niya.

Napakunot naman ang noo nito. "Yon nga rin ang iniisip ko kasi kanina ko pa nakikita na wala naman siyang kasama sa tabi niya. Baka may pa grand entrance kaya wala pa rito," ang sagot nalang ni Mara.

"Nakaka-intriga ha. Ituro mo nga sa amin ang lalakeng kanina niyo pa ibinibida sa amin ni Lucille," nai-intrigang anas ni Claire na nag-umpisa ng magpalinga-linga sa paligid.

Maging si Lucille ay na-intriga na rin sa kung sino ang pinag-uusapan ng mga ito kaya nakisali narin siya sa paghahanap.

And then she stop looking.

Ang lakas ng kaba ng dibdib niya.

"Jackson!" bulong ng isip niya.

"Ugh!" Napahawak sa sentido ang dalaga. Bigla kasi ang pagragasa ng kirot sa sentido niya dulot ng matinding kaba na nadarama ng mga sandaling iyon. Saglit siyang nag-iwas ng tingin dito. Bakit siya nandito? Oh God! Ano ang gagawin ko?Maaalala niya kaya ako? Oh God, parang hindi pa ako handa sa posibilidad na gaya ng dati ay hindi na niya ako makilala.

My Time With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon