Chapter 8: Taking Chances

305 104 113
                                    

"If you want something you've never had, then you've got to do something you've never done."

******************************


Ilang minuto narin ang nakalipas mula nang magising si Lucille pero hindi parin niya magawang bumangon.

Napapabiling-baliktad  siya sa higaan. Isang linggo na rin siyang nananatili sa panahong 'yon pero pakiramdam niya ay wala parin nangyayari.

Napabalikwas ng bangon ang dalaga saka tinungo ang drawer niya. Naroon pa rin ang panyo na ibinigay sa kanya ng matandang babae.

Hindi sa hindi niya nagugustuhan ang panahong kinaroroonan. Sa katunayan ay gusto niya sa panahong ito. Nandito ang mama niya at maganda ang relasyon nilang dalawa. May mga naging bagong kaibigan rin siya. Wala na siyang mahihiling pa kung tutuusin. Ang pinupunto lang niya ay baka mahumaling na siya sa panahong iyon at bigla nalang ay higupin pabalik sa hinaharap. 

Natatakot siya na baka patitikimin lang siya ng kaunting kaligayahan tapos kukunin din agad sa kanya. Parang hindi siya handa.

Natigil sa kakaisip ang dalaga nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Sumungaw doon ang ulo ng mama niya.

"Maligo ka na at magbihis para makakain ka na ng agahan. Kailangan mo pang pumasok sa eskwelahan."

Napatango lang siya. "Yes, ma, saglit lang po." 

Agad na rin siyang kumilos. Matapos makapaligo ay mabilis na ring bumaba ng hagdan ang dalaga. Hindi niya kinaligtaan na ilagay sa bulsa ng suot niyang jeans ang panyo.

"Mama?" bungad na tanong niya, kasalukuyan silang kumakain nun.

"O bakit?" napaangat ng ulo ang mama niya at tumingin sa kanya.

"I know it sounds weird pero tanong ko lang po, kung sakali bang mabigyan po kayo ng pagkakataon na maitama kung may pagkakamali kang nagawa, gagawin mo po ba?"

Saglit na nag-isip ang mama niya. "Oo naman, sino namang tao ang hindi gustong maitama ang pagkakamali niya?"

Napangiti siya habang nilalaro sa kutsara ang pagkain.

"May gumugulo ba sa isip mo, anak?"

Tiningnan niya ito.

"Wala naman po."

"Ganito, hindi ko alam kung ano ang nasa isip mo ngayon pero ang masasabi ko lang sa'yo. May mga bagay sa buhay natin na gusto nating baguhin, pero may mga bagay din na talagang mangyayari at hindi na natin pwedeng ibalik. Ang tanging magagawa nalang natin ay ang sumulong at gumawa ng panibago."

"Thanks, ma, sa paalala," aniya saka ginagap ang kamay ng ina. 

--------------

"How's your day?" bungad na tanong ni Gina. Kasalukuyan nilang ibinabalik ang mga naiwang libro na hindi naibalik sa mga shelves noong nagdaang araw.

"As usual. Bakit?" 

"Galing dito si Jackson at hinahanap ka. Hindi ba kayo nagkita sa labas?" May kasamang ngiti na tanong nito.

"Hindi naman." Nagkibit-balikat ang babae. "Ba't naman niya ako hahanapin?" balik tanong niya. Anong problema nito at nakangiti?

"Hindi ko alam basta ang sabi niya sabihin ko sa 'yo na hinahanap ka niya."

"O---kay?" alanganing sabi ni Lucille na hindi maiwasang malukot ang noo. Bakit kaya niya ako hahanapin?

----------

My Time With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon