"Responsibility is accepting that you are the cause and the solution of the matter."
****************************
"Ho?" Hindi napaghandaan ng dalaga ang sinabi ni Mr. Bernard. "Bakit niyo naman po naisip ang bagay na 'yan, sir?""As what I'm saying a while ago, I saw your sketches and I know you can be a big help on my team. You can be our consultant."
Mas lalo naman 'yong ikinagulat ng babae.
"I don't get your point. How can I help you with that?"
Saglit na tinawag ni Mr. Bernard si Jackson at pinalapit. Pawisan ito nang lumapit sa kinaroroonan nila.
"Can you hand me that sketchpad," utos ng ginoo.
Kinuha ng lalake ang dalang bag katabi ng inuupuan ni Lucille. Kinuha sa loob niyon ang sketchpad ng dalaga at ibinigay sa tito nito.
"You can go back," wika nito pagkuwa'y bumalik na rin si Jackson sa gitna ng court.
Nang tuluyan ng makalayo si Jackson ay muling ibinaling ng ginoo ang atensiyon sa kanya. Saka binuklat nito ang sketchpad at ipinakita sa kanya ang mga ginawa niyang sketches kasama ang mga equations na pinaglalagay niya doon.
"How did you do it?" wika nito saka itinuro ang mga equations na isinulat niya.
Nagkibit balikat lang ang dalaga. "It's just part of my habit doing random things just like this one if I'm bored or something. Isa pa, I like basketball so kahit papaano ay nakaka-relate ako sa mga ginagawa nila," wala sa loob na sagot ni Lucille.
"That's exactly what I'm talking about. It's very natural of you to observe things," hindi maiwasang palatak nito saka hindi napigilang mapapitik sa hawak nitong sketchpad.
"I'm their coach, wala akong ibang gusto kundi ang tagumpay ng team ko. I will do whatever it takes to win every single game. You can use your knowledge to help me achieve that goal."
"Kayo po ang mas nakakaalam ng pasikot-sikot sa larong basketball kasi kayo po ang coach."
"Exactly, but my point is, hindi ko rin naman nasasabay lahat ng obligasyon ko para sa team. May mga bagay pa rin na nani-neglect ko na magawa. But with your help, you can be my other senses that could help me achieve what is impossible," hindi pa rin maalis-alis ang sigla sa boses nito. "Okay, if you are still not convince with what I'm saying. Try to observe their play and tell me what's wrong with the way they are playing," pangungumbinsi parin nito saka tumayo at tinawag ang buong team.
Humihingal pa ang mga ito nang lumapit sa kinaroroonan nila.
"Okay, boys," umpisa nito nang makalapit na ang buong team. Hinati nito ang buong team sa dalawang grupo. Hindi niya isinama si Jackson at ang mga kasama nitong nakita ni Lucille noong nakaraang mga araw. Batid ng dalaga na ito 'yong mga talagang magagaling sa team nila. Ang natirang sampu ang hinati nito sa dalawa.
May mga ilang instructions na ibinigay dito si Mr. Bernard saka muling ipinabalik sa gitna ng court.
"Freshmen ang mga 'yan. Magagaling na sila pero nakukulangan pa rin ako sa mga kilos at galaw nila. There is something missing with their moves. I want you to tell me what are those."
Napapatango nalang ang dalaga. Saka itinuon na ang atensiyon sa mga manlalaro sa loob ng court.
Sampung minuto ang lumipas, halos hindi nagkakalayo ang score ng mga ito na 15-13. Saglit na nag time out at muling bumalik sa gitna ng court.
Sa ilan pang minutong lumipas ay hindi namamalayan ng dalaga ang paggalaw ng mga kamay niya, maging ang mga paa niya ay hindi niya mapigilang hindi maigalaw. Pinagmamasdan niya ng mabuti ang bawat galaw na ginagawa ng bawat isa na nasa loob ng court.
BINABASA MO ANG
My Time With You (Completed)
RomanceLove moves in mysterious ways. Shakespeare once said, "the course of true love never runs smooth." Dahil sa isang pangyayari ay nagbalik sa nakaraan si Lucille at kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pagtatagpo ng landas nilang dalawa ni Jackson, i...