Final Chapter: A Day Without You

197 14 6
                                    

"Loneliness adds beauty to life. It puts a special burn on sunsets and makes night air smell better." Henry Rollins

****************************

Wari'y nabunutan ng tinik sa puso ang lalake nang makita itong tahimik lang na naghahanda ng makakain nila. Hindi napigilang mapasuklay sa buhok ang lalake para pawiin ang kabang naroon pa rin sa kanyang puso habang humahakbang papalapit dito. Mula sa likuran ay niyakap niya ito ng mahigpit habang kinikintalan ng halik ang leeg nito.

Naramdaman niya ang pag-igtad ng babae dahil sa ginawa niyang iyon. Napaharap ito sa kanya na hawak-hawak pa sa isang kamay ang sandok.

"Good morning!" masiglang bati nito sa kanya pero napalitan rin ng pangungunot ng noo, "are you okay?" nag-aalalang tanong nito saka itinaas ang kaliwang kamay para haplusin ang mukha niya. "Masama ba ang naging gising mo?" dagdag nito.

Napangiti sa loob-loob ang lalake. Noon niya napagtanto na hindi na kakayanin ng puso niya kapag nawala pa ito sa kanya. Marahang iniangat ng lalake ang kanang kamay para damhin ang palad nito na nasa pisngi niya. Saka marahan niyang ipinikit ang mga mata sabay lapit ng palad nito sa mga labi niya. Ilang sandali pa ay niyakap niya ito ng mahigpit.

"Please don't do that again," madamdaming sabi niya na pilit na pinipigil ang paggaralgal ng boses. Saka katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Tanging ang pagtaas-baba ng paghinga nito ang naririnig ni Lucille.

"Hey, okay ka lang ba? Parang gusto kong kabahan dahil sa pananahimik mo," anang babae na akmang kakalas sa pagkakayakap dito ngunit nabigo siya dahil mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.

"Stay still."

At 'yon nga ang ginawa ng babae. Awkward man ang posisyon nila dahil tanging boxer short lang ang suot nito pero pilit nalang niyang pinawi sa isip 'yon. Mag-asawa na rin naman sila ngayon kaya dapat na siyang masanay kung sakaling makita man niya itong half-naked.

Ginanti nalang niya ang higpit ng yakap nito.

"Alright. Just tell me what's bothering you if you are ready to talk, okay," malambing na sabi niya.

----------

Naubos ang buong araw nila sa paulit-ulit na pag-angkin sa bawat isa. Ramdam ang kapusukan sa bawat isa.

Nang magtakip-silim na ay nagpasyang maghapunan ng maaga ang mag-asawa dahil plano nilang makipagsayahan sa labas ng hotel. 

Matapos manood ng live-band ay magkahawak kamay na nagpalakad-lakad sa dalampasigan ang dalawa.

"Naaalala ko pa rin ang panahon na huli tayong magkasama na pinapanood ang mga bituin sa langit. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isip ko ang mga nangyari dati," tila may halong kalungkutan sa boses ng lalake habang sinasabi iyon.

"Ba't malungkot ka?"

Napatigil sa paglalakad ang lalake kaya napatigil na rin ang babae. Kaya naman napilitan na rin siyang tingnan ang mukha nito para lang makita na nakabakas ang matinding kalungkutan doon.

"Hey!" agad namang napaangat ang isang kamay ng babae para haplusin ito at bigyan siya ng comfort. "May problema ba? Gusto mo bang maupo nalang muna tayo sa tabi? You can tell me everything that bothers you," anyaya niya rito at iginiya sa isang bahagi na hindi naaabot ng alon.

Iginiya niya itong maupo roon.

Right after na makaupo sila ay mahigpit siyang niyakap ng lalake.

"Call me paranoid pero hindi ko na talaga kakayanin na mawala ka pa sa tabi ko," umpisa ng lalake.

"Hindi na rin naman ako aalis sa tabi mo ah."

My Time With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon