Chapter 39: Hello Again!

100 7 1
                                    

"You can't stop the feelings you have for someone. You can't lie to yourself either. Your heart knows the truth all too well."

***************************

Ano ang ginagawa ni Jackson dito? Paano niya ako nasundan? Paano niya nalaman na nandito ako? Sa kabila ng nararamdamang sakit ng ulo ay nagawa pa ring isipin 'yon ng dalaga. Lalo na ngayon na nakikita niya ang pag-aalala sa mukha nito habang iniaangat ang ulo niya sa sahig.

"Ugali mo na ba talaga ang hindi nag-iingat?" Pasigaw na tanong ni Jackson. Maingay ang paligid at nagkakagulo din ang maraming tao dahil sa pag-uga ng barko.

"Ba't nandito ka?" anang dalaga habang pinipilit na maiangat ang katawan. "Ugh," bahagya siyang napangiwi nang maramdaman ang pagkirot ng sugat niya sa ulo.

Nang tuluyan ng makaupo ng maayos ang dalaga ay agad naman siyang niyakap ng lalake para alalayan siya na muling matumba.

"I don't know what's with the weather. But I'm glad that I am here with you. Hindi ko alam kung ano pa ang susunod na mararamdaman ko kung sakaling may mangyaring masama sa'yo. At least ngayon ay kasama mo ako. Gusto ko lang na maliwanagan ang ilang mga bagay na gumugulo sa utak at sa kalooban ko ngayon kaya sinundan kita agad dito nang malaman ko na paalis ka."

"Hindi mo naman kailangan na gawin ito. I mean, magbabakasyon lang naman ako ng ilang linggo, buwan, depende. Nasabi ko na rin naman sa'yo ang mga dapat kong sabihin and I guess tama na ang mga 'yon. Narinig ko na rin mula sa'yo ang mga dapat kong marinig."

"Yon na nga ang problema. Dahil sa mga sinabi mo mas lalong gumulo ang utak ko ngayon. I can't even date for ten years now and I don't even know why. Hindi ko kayang ipaliwanag ang emptiness na nararamdaman ko sa loob ko. Pero mula nung makita kita sa bookstore, nung makita kitang naglalaro ng basketball sa loob ng court ng campus, I suddenly felt this strange feeling inside me."

"You've been there sa court?" kahit na nahihilo ay hindi napigilan ng babae ang paglakas ng kanyang boses. Hindi niya inaasahan 'yon.

Napatango lang ang lalake.

"Papasok ako nun mula sa locker room nang makita kitang naglalaro. Hindi na kita sinita dahil nakikita kong nag-e-enjoy ka sa ginagawa mo. Isa pa, na curious din ako bigla kung saan mo natutunan ang mga galaw at tira mo. Those moves were really familiar so, I thought, maybe I need to watch you more."

May kiming ngiti ang sumungaw sa mga labi ng babae. Saka, napailing siya. "I always love to play basketball. 'Yon nalang ang alaala na meron ako sa papa ko at sa'yo na rin. I always feel relieve kapag naglalaro ako ng basketball."

Nang muling gumalaw ang barko ay napadausdos paibaba ang dalawa. Mabuti nalang at mabilis na napahawak sa railing ang lalake at mahigpit rin ang pagkakakapit nito sa braso ng babae.

"Hold on!"

Napatango lang si Lucille.

This scene is very familiar to her.

"Kailangan nating makahanap ng paraan para makaalis dito. Ang dami pa nating dapat na mapag-usapan."

Muli ay napapatango lang ang dalaga. Sa pagkakataong iyon ay totoong nakakaramdam na siya ng pangamba sa kung ano ang mangyayari sa kanilang dalawa sa sitwasyong iyon.

Natatakot si Lucille na baka sa muling pagkakataon ay mawala ito ulit sa paningin niya. Hindi niya maintindihan kung bakit kinakailangan na masuong sila sa ganoong sitwasyon.

Pakiramdam tuloy ni Lucille ay kapahamakan ang hatid niya sa buhay na Jackson. Parati nalang ay nadadawit ito sa kamalasan niya.

Ilang minuto pa ang lumipas at mas lalong nagalit yata ang kalangitan. Mas lalong lumakas ang hangin at ulan. May iilang crew ng barko ang namimigay ng life jacket sa mga pasahero habang ibinabalita na may paparating na ring tulong.

My Time With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon