Chapter 22: First Game!

123 13 1
                                    

"Trust yourself and everything will follow."

******************************

Natapos na ang second half pero ang lalim pa rin ng isip ni Lucille. Nabagabag siya masyado sa naging pag-uusap nilang dalawa ni Lea. Hindi niya alam at wala siyang ideya kung ano ang pwedeng niyang gawin para humupa ang galit nito.

One way or another, naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Normal sa isang teenager ang padalos-dalos na pag-iisip at pagde-desisyon. Nababahala siya dahil baka kung ano ang gawin nito. 

Nakakaamoy siya ng problema.

"Lucille, are you okay?" untag ni coach Bernard sa pananahimik niya.

"Ho?"

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah?" anitong nakakunot parin ang noo.

"Pasensiya na coach."

Pilit na ngumiti si Lucille. 

Hindi dapat maapektuhan ang trabaho niya sa kung anoman ang iniisip niya. 

Bahala na!

Napailing ang dalaga para alisin ang mga alalahanin sa isip niya at para ituon ang atensiyon sa laro.

Lamang sila ng dalawang puntos sa kalabang team na may 29-31 points.

Hiyawan ang mga supporters ng Jaguars nang maipasok ni Zack ang bola sa basket.

Nakikihiyaw na rin lang si Lucille para maibalik sa tamang huwisyo ang utak niya.

Natapos ang third quarter na lamang ng tatlong puntos ang kalaban.

Nagkaroon ng konting injury sina Zack at Ken kaya kailangang palitan. Kaya naman matapos ang hininging time-out ni coach ay iminungkahi ni Lucille na ipasok sina John Paul at Jiro. 

Napakunot ang noo ni Lucille nang mapansing masyadong marumi ang taktika ng kalabang team. Napaisip tuloy siya na baka ito ang dahilan kung bakit umangat ng napakadali ang kalabang team mula sa pinaka-kulilat.

"Coach, pansin niyo bang masyadong tricky ang laro ng kabilang team? Masyadong marumi kung maglaro," hindi niya napigilang sabihin kay coach Bernard.

"Wala ng bago doon lalo pa at si Robert ang coach nila. Marumi talaga maglaro ang isang 'yan," naiinis na sagot ni coach Bernard.

Napapatango nalang si Lucille habang pinapanood ang laro sa loob ng court.

Muntik na siyang mapatili nang masagi ang binti ni Jackson na naging sanhi ng pagkatumba nito. Nakita niyang nahirapan ito sa pagtayo. Mabilis naman ang naging pagkilos ng mga medics at agad na inasikaso si Jackson. Maingat nila itong inilagay sa stretcher. 

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya dito nang makalapit sa kinaroroonan ng lalake.

Pilit na tumango ang lalake. "Yeah, don't worry."

Ganoon lang kaiksi ang naging pag-uusap nilang dalawa dahil agad na itong ipinasok sa infirmary. Bago nawala sa paningin niya ang imahe ni Jackson ay nahagip pa ng mga mata niya ang pagsunod ni Lea sa mga medics na may dala kay Jackson.

Hindi mapakali ang dalaga sa kinatatayuan. Tatlo na sa kupunan nila ang injured. At 'yong mga magagaling pa talaga ang pinuruhan ng kalaban. Kailangan niyang makapag-isip ng mabuti. Kailangan niyang matulungan si coach sa pagpa-plano.

Nagpatawag ng timeout si coach.

Napansin niyang naiirita na si coach kaya siya na ang nagsalita.

"Leo, ikaw ang pumasok. If they wanted to play dirty tricks then let's give it to them! Jiro, hindi pa nila nakikita ang abilidad mo dahil kapapasok mo palang. Team, kapag nagkaroon ng chance ay ibigay niyo kay Jiro ang bola. Jiro, aim for three points. John Paul, ikaw ang bahala sa rebound. Xian, ikaw ang magbantay doon sa number 15. Masyado ng pagod ang isang 'yon, mas pagudin mo pa. Huwag mong hahayaang makuha niya ang bola. Di bale ng hindi na muna maka score ang team kung alanganin ang sitwasyon. Importante mapatay natin ang oras. That will also give me enough time to think kung ano ang magiging taktika natin sa susunod na game."

My Time With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon